LabTok : Part 38 – PreMarSe

0

Rated SPG.

Ps. Huwag maexcite. Baka tumayo ang… balahibo mo(hahaha).

**********

Ano ang sukatan ng pagmamahal?

Ano ang sukatan ng pag-ibig?

Ito ba ay ang lalim?

Ito ba ay ang laki?

Ito ba ay ang haba?

Alam kong naiintindihan nyo ang sinasabi ko.(Kung green ang utak mo, haha)

Matagal kong pinag-isipan ang topic na ito kung ipo-post ko ba o hindi. Masyado kasing sensitive e.

Pero sige lets talk about it.

Sabi nung prof namin dati

“Okay lang na magkaroon kayo ng boyfriend/girlfriend dahil normal naman yan. Pero payo lang, huwag mo na kayong magbukas ng maluto at magsukatan ng lalim.”

At first I don’t get it kahit ang iba kong mga kaklase ay nagtatawanan na sa di ko malamang dahilan.

But my classmate once told me ibig sabihin daw nun ay wag muna mag a-umhh(Sex).

Dahil mahirap daw ang buhay. Sa una lang daw masarap at kasunod na lahat nun ay hirap.

Actually I agree.

I know that and I can relate to that. Because my cousin and sister already have a baby even they are just as young as me.

Nakikita ko ang paghihirap nila bilang magulang sa murang edad.

Hindi ako umimik dahil sa tingin ko ay sapat na ang galit ng mga magulang namin at ang masamang tingin ng ibang tao tungkol sa kanila para mapagtanto nilang mali ang nagawa nila.

Although the damage has been done at walang na kaming magagawa dun at nandyan na yan at ginusto naman nila. Buti nalang pinanindigan sila nung nakabuntis sa kanila.

Eh paano kung hindi?

Maraming lalaki dyan ang nang iiwan dahil natatakot sila sa pananagutan.

Ayaw nilang matali pero hindi naman nila itinali ang alaga nila at kinunsinti pa ito sa kagustuhan.

Tsk tsk.

Have you heard this line?

“Kung mahal mo ako patunayan mo.”

Please don’t fall easily in that line. Marami ang naging single mom at broken family dahil dyan.

Hindi pa ba sapat ang oras na iginugugol mo para sa kanya?

Hindi pa ba sapat ang effort na ginawa mo?

Hindi pa ba sapat yung mahalin mo sya at tanggapin kahit may masamang ugali niya o di kaya’y may nakaraan syang hindi maganda?

Hindi pa ba sapat yung pagtitiwala?

Huwag gawing panukat ang sex pagdating sa pagmamahal

If a relationship is measure by sex then it’s not love who is in the middle of it, it’s just lust.

I’m telling you. Kapag yang naging boyfriend/girlfriend mo ay ang habol lang ay sex, asahan mo na hindi magtatagal ang relationship niyo.

Bakit?

Paano kapag nasawa na sya sayo?

Paano kapag hindi sya nasatisfy sayo?

Edi hahanap yan ng iba?

Eh pano kung may nabuo? Tapos hindi sya handa?

Paano ang bata?

Alin man sa babae o lalaki, wala akong pinagtatanggol o kinakampihan.

Dahil lalaki huwag kang maging makati, pwedeng bang kamutin mo nalang muna ang sarili mo?

At babae naman, may salitang “hindi pwede” , “ayoko”, “no”(kung gusto mong english) at kahit ano pang salita na magpapahayag ng pagtanggi.

Huwag puro ahhhh, hmmmm, yeahhh, sige paaa, bilisan mooo, at ohhhh ang alam lang na isagot kapag nahagod na ng daliri nya ang braso mo or kapag kinukulbit ka.

Babae tandaan mo, ikaw ang dehado.

Ang lalaki kasi di mo naman mahahalatang may anak na. Kaya nilang takasan ang pagiging ama sa isang iglap lang.

So huwag kang papadala okay?

Ang isagot mo sa kanya ay

“Kung mahal mo talaga ako maghihintay ka kung kelan kasal na tayong dalawa.”

At kung magalit sya, aba aba huwag ka ng magdalawang isip at hiwalayan mo na kahit mahal mo pa.

Sinasabi ko sayo masisira lang ang kinabukasan mo.

Hindi ako naniniwala sa

“Hindi naman namin ginusto.”

Ano yun nagulat nalang kayo pagkagising nyo hubo’t hubad na kayo?

Titindig ba yun kung di yun naexcite.

At oo baka nga di nyo ginusto. Dahil gustong-gusto nyo.

**********

At kung talagang malibog kayong dalawa or friends with benefits kayo.

Huwag kayong mahihiyang magtanung kung may right med ba ng condom

At huwag kayong madalawang isip na magtiwala sa trust na nasa maliit na kahon.

Marami naman silang flavor kung choosy kayo. Itanong nyo kung may four seasons para parang fiesta ang handaan nyo dahil mapapasabak kayo sa kainang wala sa pinggan at ang gamit ay kamay lang.

Para makaiwas sa Aids at unwanted pregnancy ng sa ganon ang papulasyon natin ay hindi dumami.

**********

Pre marital sex(PreMarSe,ano gets na ang title?)

Sex outside marriage.

Marrige is a key to open a sex box. Yun ang license na pwede ka ng bumira(ewww).

Yes, I’m super makaluma. But I think that’s the way it is.

Yan tuloy…

Most people think that it’s okey dahil marami na naman ang gumagawa niyon. Normal na kung baga.

Virgin? Ano yun?

Pati nga yung tindang virgin na softdrinks dati e, nawala na din.

Minsan tuloy pumapasok sa isip ng tao na

“Virgin pa ba yan? Eh may jowa na yan.”

They judge it that way. Kapag nalaman na may kasintahan na ay hindi na yun kinuquestion kung virgin pa ba o hindi na.

Yes people are judgemental in some ways

But actually they are not

Kinukumpara lang nila yung mga bagay-bagay na napapansin nila.

They saw it from someone then the next day they will assume na ganun na rin ang ginagawa nung iba.

They might be judmental in other things but pagdating dito ay nagkukumpara lang sila.

**********

Mahirap maging isang babae lalo na kung may isa kang kapamilya na nabuntis ng hindi tama sa edad at sa panahon.

Makita ka lang na may kasama kang lalaki

“Kapag ikaw nabuntis dahil jan sa kakirihan mo.”

May katxt lang at napangiti

“Sige magboyfriend pa at sa susunod buntis ka na.”

Like what the? Nakakabuntis ba ang txt? Nahawakan mo lang ang kamay ng lalaki mabubuntis ka na?

Pero hindi ako nagrereklamo dahil alam ko na gusto lang nilang mapaayos ang buhay ko.

Na ayaw nilang mapariwara ako

At ayaw nilang mapahamak ako.

Kaya kayo huwag kayong mga pasaway okay? Hindi porket pinipigilan kayo ng magulang nyo na huwag munang magjowa or mag-ingat naman ay huwag kayong magalit.

Kung tama na ang panahon sigurado ako na sila pa ang magtutulak sa inyo na mag-asawa na o mag-jowa or something.

So huwag sukatin ang pagmamahal gamit ang sex

Bagkus sukatin nyo ito gamit ang marriage.

**********

So ayun ang pinakamahaba kong chapter so far. Mga 1000 words. Bahala na kayong umintindi okay?

Kung taliwas kayo sa mga paniniwala ko ay pag-usapan natin, okay? Comment ka kung may violent reaction ka. Para maaksyonan natin at pakinggan ang panig ng mga nagmamahal at nagkasukatan na. Hahaha

Vocabulary:
Pagmamahal- panglahok sa pagkain para sumarap.
Pag-ibig- ang bukal ng kasiyahan, hukay ng pusong luhaan, gamot sa sakit at pagkain(haha PG talaga)
Puso- saging lang meron nito. Laging nananakaw. Laging ipinapamigay. Babasagin. Maraming nagkalat nito kapag February. Lumalakas ang kabog kapag malapit na si crush.
Mahal- kapag di mo minahal tiyak mumurahin ka. Masakit sa bulsa.

-CleanIsGreenAuthor(AreYouOpenMinded)

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply