LabTok – Part 39: Sign

0

FA/N: Kabitteran strikes. Pagpasensyahan nyo na, gusto ko lang talaga ng Cornetto. Haha

**********

Do you believe in signs?

Signs and wonders?

Yung tipong gagawa ka ng iba’t ibang klase ng senyales tapos kapag may isang nakagawa nun ay sya na ang kadestiny mo

Sya na yung taong nakatadhana sayo

At sya na si the one?

We list impossible signs

Yung tipong sobrang hirap gaya ng

Kapag umulan ng malakas tapos isusukob nya ako sa payong nyang kulay blue.

Kapag nakasabay ko syang pumasok sa isang pinto at parehas kami ng kulay ng damit.

Kapag nadulas ako sa isang fastfood chain ay sya ang sasalo sa akin.

Kapag nakasalubong ko sya sa daan kung saan maraming tao pero parekas kaming kumakain ng Cornetto.

But actually those listed above are not really that hard.

Paano ko nasabi?

June, panahon kung kelan maulan. Lahat ng tao may payong na dala yan. Paano kung nagtatrabaho sa BDO yung makasabay mo at ang payong nila ay blue dahil galing pa itong BDO. At ikaw naman ba’t wala kang payon? Ke mainit or maulan nga may payong kang dala eh. Ano yun nakakita ka lang na kasalubong na blue ang payong di mo na ilalabas ang payong mo para lang matupad yung sign mo?

Estuyante ka man or isang working adult malamang ang pinapasukan mong eskwelahan o trabaho ay may uniform. So lahat ng makakasabay mong pumasok sa pinto ay si katadhana mo na kaagad? Parang ang hirap naman yata nun.

Nadulas ka sa isang fastfood? Tanga ka kung ganoon. Meron kaya silang sign na wet floor, kung careless ka o di ka marunong magbasa ay bahala ka si Jollibbe or si Mcdo ang magiging destiny mo dahil sila lang sasalo sayo maliban sa sahig.

Mahilig akong maglakad kaya lagi kong napapansin na maraming kumakain ng ice cream. Di ko alam kung inabot ng bente nila ang Cornetto dahil mas mahal kung sa seven eleven sila bibila kaya yung ice cream nalang ni Seven Eleven mismo ang binibili nila dahil 15 peso lang. Nakasave pa sila ng 5 kesa sa Cornetto na 30 pesos naman yata(di ako sure) ang srp.

Kaya hindi talaga ko naniniwala sa signs.

Ayaw kong iasa ang puso ko sa mga senyales na yan noh.

Baka magsisi lang ako sa huli at sabihing

“Dapat pala pinakinggan ko nalang ang puso ko kesa umasa sa bwisit na senyales na yan.”

Baka makakita ka ng signs of pregnancy hala ka. Ikaw din.

**********

Signs are there to lead us something. But it doesn’t mean that we should depend to it all the time.

Matuto tayong magdesisyon ng para sa sarili natin.

Huwag gawing sagot sa katanungan ang mga senyales na yan.

Bukod sa wala tayong interpreter bukod sa manghuhula na magbabayad ka pa(Tingnan mo kung papayag ng bente) ay hindi ko na alam kung kanino pwedeng magtanong para malaman ang ibig sabihin ng signs na nakita mo.

Minsan nga mas nagpapalito pa yang mga signs na yan e.

Yung tipong settled ka na sa isa. Tapos humiling ka ng isang sign tapos kapag nagawa na nya yun ay sasagutin mo na sya. Pero paano kapag hindi nya nagawa? Pero may feelings ka na sa kanya?

Diba magiisip ka na naman ng panibago kung sino ang pakikinggan mo? Puso ba o yung sign?

Mas komplilado diba?

Utak at puso nga, nagugulumihanan ka na tapos idadagdag mo pa yang signs na yan edi extracurricular pa yan. Mapapagod ka lang kahit sa tingin mo mas mataas ang magiging grade/chance na tama ang desisyon mo.

Actually sa pagdedesisyon hindi 100% magiging perfect yan. It has its advantage and disadvantages and strength and weakness.

Asahan natin na hindi ito magiging perpekto

Pero asahan mo kapag si puso ang hinayaan mo

Sa dulo kasiyahan ang mararating mo.

**********

11:11 make a wish. Hanggang laway mo ay mapanis kakaantay sa panalangin mong walang mintis.

-WishfulAuthor(Signage)

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply