Tattooed in My Heart [Chapter 2]

0

Napalingon silang dalawa ng babae sa kararating na doctor. Ngumisi siya kaagad nang makita ang kaibigang matalik. Napabaling muna siya sa babaeng tinatawag kanina n’ung isang babae na Kallia. Saka lumapit siya sa kaibigan upang makipagkamayan rito at tinapik ang balikat nito.

“Hey. I thought you weren’t coming until a few hours later.” Bungad niya rito.

“Sud, you son of a bitch! I remembered you said you were coming at this time to check on Gassin. Kaya naparito na ako nang maaga kahit tulog pa sana ako ngayon.”

Napatawa naman siya.

“I was being… entertained by your… intern. It would have been fine if you stretched your time of sleep.” Sabi pa niya sa kaibigan at kinindatan ito.

Nakita niyang tumaas ang isang kilay ng kaibigang napasulyap sa babaeng intern nitong nago-grooming sa poodle.

“Kallia, why are you doing that? Nasaan sina Tommy at Mara?” Tanong nito rito.

Bumaling rin siya sa babaeng nagtatrabaho para malaman ang sagot nito. He tried to ignore her sexy backside kanina pa lang. Pero mukhang hindi ito na-impress sa kanya kaya balewala na siya nito. Kahit alam na niya ang lahat tungkol sa institusyon ng kaibigan ay nagtatanong siya rito para lang marinig ang malamyos nitong tinig.

“May emergency silang dalawa, doc,” ang tugon pa nito.

“Nang sabay?” naiiling ang kanyang kaibigan nang tignan niya ito.

“It happens sometimes,” ang kumibit na aniya sa kaibigan at nginitian ito.

“At nasaan naman si Jasmine?” Napasulyap lang ito sa kanya at nagtanong na naman sa intern.

“Walking with the dogs.” Ang tugon nitong hindi man lang sumulyap sa doctor dahil sa busy na ito sa paglilinis ng tainga ng poodle.

“Sige, pupunta lang kami sa clinic ko ng kaibigan ko.” Paalam pa ng kaibigan niya sa intern nito.

“OK, doc,” ang tugon lang nito na sumulyap sa kanila nang bahagya at agad namang ibinalik ang pansin sa ginagawa.

“Is she really your intern?” ang bulong na tanong pa niya sa kaibigan habang umaakyat sila patungo sa klinika nito.

“Oo naman. Bakit ba?” Baling nito sa kanya.

“Wala lang. Ano bang pangalan niya? Kallia?” Tanong pa niya rito nang kuryuso.

“Oo. Bakit, hindi pa ba kayo magkakilala? Matagal nang nagtatrabaho sa ‘kin si Kallia. Maglilimang taon na siguro.” At binuksan na nito ang klinika saka pumasok na sila roon.

“Gano’n na katagal?” halos hindi siya makapaniwala.

“Oo naman. Bakit ba?” Tanong nito ulit.

“Nasaan ba ako sa nakaraang limang taon, Mick? I suddenly seem to lose track of my life!” He wondered suddenly while thinking about Kallia’s attractive personality.

Tumawa tuloy sa kanya ang kaibigan. “Busy ka sa mga tattoo schemes mo doon sa California, New York at Florida.” Paalala pa nito sa kanya.

Napasapo siya sa kanyang noo. “Oo nga, ano? At last week lang ako nakauwi rito sa Pilipinas.” Parang ngayon pa naaalala niya iyon.

“At di mo pa ako dinalaw kaagad dahil inuuna mo pa ang tattoo gathering.” Halos maktol pa nito sa kanya.

“Pasensiya ka na, Mick. Isa kasi ako sa mga coordinators.” Napahilamos siya sa kanyang mukha. Saka nakapamaywang siya na napatingin sa kaibigan.

Hindi kumibo ang kaibigan na sa halip ay napatingin sa armband tattoo niya. “I can see that you’re still mourning.” Pag-iiba pa nito.

Napasulyap naman siya sa kanyang armband tattoo na tinutukoy nito. “She was the love of my life. My confidante. My best friend, too, aside from you. You know that.” Aniyang napakurap-kurap ng mga mata.

“And maybe you’re going to mourn for her all your life.” Ang sabi pa ng kanyang kaibigan, his best buddy since high school.

Kumibit naman siya at binigyan ito ng malungkot na ngiti.

“So, you give me the impression that you like my… er… intern Kallia.” Ngumisi sa kanya ang kaibigan.

“Does she have a boyfriend?” interesadong tanong niya.

“How I wish to be her boyfriend!” ang sabi pa ng nakangising kaibigan.

Natigilan siya. “Gusto mo siya?”

“Well, I liked her since she came into this home. Pero mukhang wala naman siyang interes sa ‘kin kundi ang maging isang kaibigan lang.” Naiiling na sabi ng doctor.

“Bakit hindi mo sinubukan? You’ve known her long enough.” Ang aniya.

“I guess we’re really not meant for each other. I can see that clearly. I’d better save my face while I can.” Kumibit na anito.

“So… pwede ko siyang ligawan?” tanong niya sa kaibigan.

“Go ahead. Good luck na lang. You’ll need it.” ngumisi sa kanya ang kaibigan.

Nakita niyang parang nasasaktan itong nakatingin sa kanya pero wala siyang magagawa roon. All’s fair in love and war, ‘ika nga. Besides, his friend already gave up a lost cause for him.

“Teka, bakit? Ayaw ba niya ng mga lalake? Tomboy ba siya?” naalala niya kasing hinalikan ito ng kapwa nito babaeng kasamahan nito kanina.

Napatawa nang malakas si Mick sa kanya. “You’re a lousy observer. Sa ganda ba naman ni Kallia? Isa pa, busy siya sa pag-aaral niya. Graduating siya ng Veterinary sa UP. I don’t think she needs some distraction at this point of her life, Sud. Isa pa pinagpaaral niya ang nakababatang kapatid na si Ben. You see, there are only the two of them left in this world. Kaya gagawin niya ang lahat para sa kapatid niya.” Kwento pa nito.

Napatango-tango ang lalake. “I’m not in a hurry anyway.”

Tinapik ng kanyang kaibigan ang balikat niya. “Let’s go over Gassin’s case.”

“So, saan na ‘yung cute guy na may madaming tattoo?” ang tanong ni Jasmine sa kanya nang dumating ito pagkatapos nitong mailakad ang mga aso sa labas.

Napataas ng kilay ang dalaga habang nagpapatuloy sa pag-grooming ng pangalawang aso. Kanina pa ang dalawa sa itaas nag-uusap. “Bakit? May kailangan ka sa kanya?”

Ngumisi sa kanya si Jasmine. “Ikaw naman. Nagtatanong lang, eh. Kasi, napuna ko kung paano siya makatingin sa ‘yo.”

“Hmm… malisyosa.” Irap pa niya rito.

Tumawa sa kanya ang kasamahan at kaibigan. “Hindi nga! Totoo ang sinasabi ko. Pustahan tayo. Hihingi iyon ng number mo. O kaya naman palagi na ‘yang pupunta rito para makita ka lang.” Hula pa nito.

“Hus! Kung anu-ano na lang ang iniisip mo. Tigil-tigilan mo na nga ang kababasa ng mga nobela kasi. Hayan, kahit ano na lang ay iniisip mo na ang romansa. Kailan ka pa magigising niyan sa katotohanan?” Napangiti rin siyang at kahit hindi iyon nakita ng kaibigan dahil sa mask ay nakita naman nito ang natutuwa niyang mga mata.

“Totoo ang love, ano ka ba! Kaya lang hindi pa dumarating. Pero sa ‘yo, mukhang dumating na! Ayaw mo pang pansinin.” Irap na anito sa kanya.

“Hoy! Tigilan mo nga ako. Alam mo namang wala pa akong plano sa mga pag-i-pag-ibig na ‘yan. Busy pa ako sa pag-aaral. Tapos, kukuha pa ako ng licensure exam. Tapos, hahanap ng trabaho para sa kapatid ko.”

“Malaki na si Ben. Magko-college na. Alam naman niyang may sarili kang buhay.” Punto pa nito.

“Kahit na. Obligasyon ko pa ring pagtapusin siya ng pag-aaral. Wala na kaming mga magulang. Ako na lang ang natitira niyang pwedeng sandalan.” Giit pa niya.

Naiiling si Jasmine sa kanya. “Oo na. Alam ko na. Pero alam mo ba ang tungkol sa sinasabi nilang ‘sariling buhay’? Meron ka noon. At meron din siya noon. Paano kung bigla na lang may binuntis si Ben? Anong gagawin mo, aber?”

Natigilan siya dahil doon. Oo nga, anong gagawin niya? Saka ipinilig niya nang malakas ang ulo. “Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari ‘yon, Jasmine. Bata pa siya.”

Kumibit naman itong umismid sa kanya. “Basta. Sinasabi ko lang ang totoo at pwedeng mangyari. Sige ka.”

Napaisip siya habang nag-go-grooming at umakyat na sa itaas ang kasamahan sa pamamagitan ng elevator kasama ang mga aso. At saka naman bumaba ng hagdanan ang doctor at ang kliyente nilang may tattoo.

Napalunok siya nang makita itong muli at nagkabanggaan pa ang mga paningin nila.

“Pwede nang iuuwi si Gassin bukas. I read your report. It was good and you did well.” Ang sabi pa ni Dr. Lopez sa kanya.

“Opo, doc. Salamat.” Ang nasabi niya sa doctor.

“Sige, babalik na lang ako bukas ng hapon.” At nakita niyang nakipagkamayan ang lalakeng may tattoos sa doctor. At sinulyapan siya’t nginitian nito bago umalis.

She didn’t know she was holding her breath until now. Bakit, ano bang iniisip niya? Na hingan siya ng phone number nito ayon sa sinasabi ni Jasmine? Napalunok tuloy siya.

Ang shonga mo talaga! Nagpapauto ka pa kay Jasmine! Ano ngayon? Disappointed ka? Aniya sa sarili. At napakagat-labi na lang siya.

“Pwede ka nang makauwi nang maaga mamaya. Ako na lang ang bahala rito. Baka kailangan mo pang mag-aral. Finals n’yo na next week, di ba?” ang narinig niyang untag ng doctor sa kanya.

“Ah, opo, doc. Salamat po.” Nasabi na lang niya na tila robot, napuna pa niya pagkatapos.

“Tsaka, ‘eto nga pala. Ibigay mo kay Ben. Narinig kong nag-top one daw siya sa klase. Regalo ko ‘yan para sa kanya,” anitong iniabot sa kanya ang isang sobre nang nakangiti nang matipid.

“Doc, baka naman…”

“Huwag mo ng isipin ‘yan. Regalo ko nga ‘yan para sa kanya.”

Napatango na lang siya sa doctor at sinundan ito ng tingin nang pumanhik ito ng hagdanan pabalik sa klinika nito. Binilisan na niya ang pagtapos ng pag-grooming sa Chihuahua nang makita niyang bumalik ang may-ari nito.

Nag-order na siya ng makakain para sa doctor at sa mga kasamahan para sa gabing iyon bago siya umalis pauwi. Nag-aabang siya ng jeep. Buti na lang at isang sakayan lang ang bahay nila sa Pasig mula sa LACH. Hindi siya nahihirapang masyadong makasakay.

At habang nasa jeepney ay napaisip na naman siya sa lalakeng may tattoos. Halos gusto na niyang mainis sa sarili dahil sa kaiisip nito. Ngayon lang siya nagiging ganito sa isang lalake, at hindi pa niya type!

Ano ba ‘tong ginagawa mo? Stalker ka na ba ngayon? You’re like a damn psycho in the movies! Anang isipan ni Sud habang sinusundan ang jeep na sinasakyan ni Kallia gamit ang kotse niya. Saka nakita niyang bumaba na ito at naglakad papasok ng eskinita.

Sinusundan pa rin niya ito hanggang sa nakapasok na ito sa isang may pulag gate na bungalow na bahay ang nasa loob. Kaya nalaman na niya kung saan ito nakatira.

Nag-reverse na siya para umuwi na sa sariling bahay. He was sure that his ten-year old niece Gemeliel was anticipating his return para makibalita kung ano na ang nangyari sa aso nito. Hindi kasi ito pinasama ng kanyang pinsang si Kurt dahil baka kung ano ang sakit ng mga aso sa animal care. Pinasama lang ito kagabi para makita lang nitong pinapagamot talaga ang alaga nitong aso at hindi pinabayaan. At dahil busy ang mga magulang nito sa trabaho ay siya ang nag-presintang titignan si Gassin sa animal care home.

Kunsabagay, hindi naman siya masyadong busy sa gasolinahan. May tao siyang pinagkakatiwalaan lalo na sa tuwing wala siya rito sa Pilipinas. Pero parati siyang nag-che-check sa mga ito kapag naririto siya’t namamalagi. Mayroong mahigit sampung gasoline stations ang pagmamay-ari ng pamilya niya, na siyang napunta lahat sa kanya dahil mag-isa siyang anak at wala na ang mga magulang niya. Maglilimang taon na mula nang mamatay ang kanyang biyudang ina.

Bumaba siya ng kotse at sinalubong siya kaagad ng kanyang pamangkin. Nakasunod ang katulong niya rito na si Aling Leni.

“Tito, how’s Gassin?” agad na tanong nito.

“Oh, he’ll be back tomorrow. Sa ngayon, doon muna siya para masigurado ng doctor na OK na siya. So, huwag ka ng mag-aalala, OK?” saka ginulo pa niya ang buhok nitong hanggang balikat at hindi nakapusod.

Ngumisi sa kanya ang pamangkin. “Thank you, Tito Sud! You’re the best! Daddy says maybe you want to come and have dinner with us tonight?” Saka tila nagsusumamo ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“Oh, sure! Who’s cooking? Your mom?” Saka pinapasok na niya ito sa kanyang kotse. Nasa sumunod lang na dalawang bloke ng subdivision sa Makati nakatira ang kanyang pinsang si Kurt at ang pamilya nito.

“Hmm… I don’t know yet.” Ang tugon ng batang napapaisip muna.

Bumaba na sila ng kotse nang makapasok na sa gate at maiparada ang kotse. Lumabas naman sina Kurt at ang asawa nitong si Carol.

“Sinabi ko na sa kanyang maiuuwi na si Gassin bukas,” ang paalam niya sa mag-asawa nang makapasok na sila sa bahay ng mga ito.

“Eh, di masaya ang baby namin?” ang nakangiting anang Carol na inakbayan ang bata.

“Yes, mommy.” Ang nakangising turan ng bata.

“Oh, Carol made some casserole. Baka gusto mong kumain na dito.” Ang imbita ni Kurt sa kanya.

“He already said yes, daddy,” ang sabad pa ng bata bago pa man siya makapagsalita at saka humagikhik na ito.

Napailing na lang siyang nakangiti sa pamangkin at nagtungo na sila sa dining room. Saka nagkukwentuhan na lang ng kahit ano hanggang sa napunta iyon sa love life niya.

“So, kailan ka pa magkakaroon ng girlfriend? Matagal ka nang walang nobya, ah,” ang bukas pa ni Kurt, mas matanda pa ito sa kanya ng dalawang taon.

“Oh, well… truthfully, I met this girl at my friend’s animal care home. She’s an intern. I have my eyes set on her. Pero… mukhang hindi ako papasa sa kanya.” Turan naman niya.

Napatawa ang kanyang pinsan at asawa nito habang nakikinig lang ang bata na mukhang interesado din naman sa pinag-uusapan nila.

“She could be the one. That’s what you’re thinking, right?” ang nakangiting anang Carol sa kanya. “I think I wanna meet her.”

“No. No. No. I wanna do this on my own, Carol. I’ll just give her some time… to get to know me.” Nakangiting aniya sa asawa ng pinsan.

“Hmm… that’s not a bad idea. But I guess, it’s the one now.” Ang medyo tudo pa ni Carol sa kanya.

Saka napaisip siya nang malalim ukol kay Kallia. Paano nga ba niya ito mapapaamo? Dahil may hinala siyang hindi siya nito gusto habang nakatingin ito sa mga tattoos niya kanina. Saka napatingin siya sa kanyang armband tattoo.

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply