Tattooed in My Heart [Chapter 5]

0

Naiiling pa si Sud nang maalala ang sinabi ni Mick sa kapatid ni Kallia. Palakad-lakad siya sa loob ng kanyang kwarto.

“Gusto niya ang ate mo.”

Napatingin siya sa kaibigan at hindi nakapagsalita nang titigan rin siya ni Ben.

“Cool!” ang sabi pa ng binatilyo pagkatapos ng ilang sandali. “Bibigyan kita ng number niya kung wala ka pang number niya. Masungit ‘yang si ate pero mabait ‘yan. Iniisip lang niyang makapagtapos muna ako sa pag-aaral bago siya lalagay sa tahimik. Pero ilang taon na siya n’un?” kumindat at ngumisi pa ito pagkatapos.

He chuckled and shook his head. Napangisi na rin lang si Mick. And he was speechless.

Saka napaupo siya sa kanyang kama. Katulad ng naipayo sa kanya ng kaibigan ay dapat na may hakbang na siyang gagawin para mapalapit kay Kallia at ligawan ito.

 

Nag-forward sa kanya si Mara ng cellphone number ni Sud. Napasimangot siya dahil doon. Nagdadalawang-isip pa siya kung isi-save ba niya iyon o ide-delete. Pipindutin na sana niya ang delete nang magbago ang isipan niya.

What the heck? Isi-save ko lang naman, eh, palusot pa niya sa sarili. Napakurap-kurap siya habang tinititigan ang sariling cellphone. Hindi niya alam kung bakit parang kinikilig siya ngayon na pilit pinigilan lang niya. Saka napabagsak siya ng higa sa kanyang kama. Kailangan pa niyang maagang gumising kinabukasan dahil sa may kailangan siyang ipasa sa unibersidad. Ga-graduate din siya sa susunod na linggo. Pagkatapos ay magiging busy siya sa pagre-review para sa licensure exam niya at nang makapaghanap siya ng mas may mataas na sahod na trabaho para sa kanila ni Ben. Pero kailangan niya muna ng letter of recommendations ng kanyang mga professors bago siya makapag-apply sa ibang institusyon. At siguro ay kailangan niya rin ang rekomendasyon ni Mick.

Kinabukasan ng gabi ay narinig na lang niyang may kausap si Ben nang maratnan niya ito sa bahay nila. Nakita niyang nakaupo sa may sala kasama ang kapatid si Sud. Hindi siya dumaan sa LACH sa araw na ito at nakapag-paalam na siya kay Dr. Lopez dahil sa kanyang defense na siyang ipinasang case report niya kanina. Binati naman siya kaagad ng lalake at nagkatitigan sila sandali nito.

Her heart was beating so fast by the mere look of his eyes.

“Ah, ate. Ibinigay niya sa ‘kin ‘yung regalo ko sa graduation kahapon.” Ang saad ng kapatid.

Tumango naman siya at ngumiti sa lalake bilang pasasalamat. Inihatid pa nito ang regalo ni Ben na ipinakita sa kanya ang isang kahong nakabalot.

“Inimbitahan ko nga pala siyang dito na maghapunan, ‘te. Nakapagluto na ako.” Nakangiting dagdag pa ng kapatid.

She chewed on the left side of her lower lip. Tumango lang siya. Bakit parang tameme siya ngayon? It wasn’t like her.

“Ah… bihis lang ako.” Ang nasabi na lang niya at tumalikod na.

Nang makapasok na siya sa kanyang kwarto ay napasapo pa siya sa dibdib dahil sa kakaibang naramdaman niya nang makita si Sud, which was also unexpected for her. Bakit parang hindi siya makatitig nang maayos sa lalake? It wasn’t like she didn’t like to look at him anymore because of his tattoos. Dahil nag-iba na ang pananaw at impresyon niya sa lalake simula nang malaman niya ang tungkol sa armband tattoo nito. Hindi nga dapat na mag-judge ang isang tao sa kanyang kapwa lalo’t hindi niya kilala ito. And she just learned that lesson.

Napalunok tuloy siya at saka naalala niyang magbihis na.

Tahimik siya habang kumakain sila ng hapunan. Nagkukwentuhan naman ang dalawang lalake. At narinig pa niyang tungkol iyon sa Kite Festival na sasalihan ni Ben.

“Sasali rin daw ‘yung pamangkin kong si Gemeliel. Magkikita pala tayo sa araw na ‘yan.” Ang sabi pa ng lalake.

“Sasamahan mo ‘ko sa Kite Festival sa Fort Bonifacio, di ba, ‘te?” ang baling naman ng kapatid sa kanya.

“Ah… kung hindi ako busy, Ben,” ang tanging naisagot niya. At bakit hindi niya maiwasang huwag sulyapan si Sud? And everytime she did it, it seemed that his eyes were talking to her.

Dahil parati siyang nakangiti kapag tinitignan mo at para kang matutunaw sa kilig. Ang bulong naman ng puso niya. Pinilit niyang lumunok dahil doon. Saka kinuha niya ang baso ng juice para inumin iyon.

Don’t try to embarrass me. Ang warning naman ng isang bahagi ng isipan niya. Baka ma-detect niya ang nararamdaman mo.

“Doon na kayo sa sala. Ako na ang bahala rito, ate,” ang nakangising anang Ben pagkatapos nilang kumain. “Parang may gustong itanong sa ‘yo si Kuya Sud tungkol kay Gassin.”

Papalag sana siya ngunit baka ma-misinterpret naman iyon ng lalake at kahit papaano ay ayaw niyang ma-misinterpret nito ang ikikilos niya. Pero si Gassin? Kilala ng kapatid niya? Note to self, itatanong niya iyon mamaya sa kapatid.

“Um… anong tungkol kay Gassin?” tanong pa niya sa binata nang makaupo na silang dalawa nang magkatabi sa mahabang sopa.

“Ah… itatanong ko lang kung… pwedeng ikaw na lang ang gagawing official doctor niya?” He offered out of the blue. “Of course kung ayaw mo…”

Napangiti siya sa lalake. “Hindi pa ako lisensyado. Hindi pa nga ako naka-graduate, eh!”

He chuckled. “Of course. Alam ko ‘yon. Pero doon ka naman patutungo, eh. I’m sure you’ll make it. Besides, marunong ka namang mag-alaga sa kanya. Mas mabuti na kasing may official veterinarian si Gassin para naman ma-monitor ang kalagayan niya tapos… alam mo na ang history niya at…” marahang sabi pa ng lalake.

She should be flattered. She knew it was just an excuse para makikita siya nito palagi. And her heart was practically dancing with joy!

“Pag-iisapan ko pa. Baka naman kasi sasabihin ni Dr. Lopez na…” lohikong umpisa pa niya nang putulin nito ang nais niyang sabihin.

“Huwag mag-aalala. Alam naman niya ang tungkol dito at wala naman siyang violent reactions.” Nakangiting assure pa nito sa kanya.

Napatawa naman siya dahil doon. “Sige. Tinatanggap ko na ang alok mo. Gusto ko rin naman si Gassin dahil napakabait niyang pasyente. At parati siyang well behaved. He’s just an adorable dog.” Napatango na rin lang siya.

“Good,” tumangong anito. He was clearly satisfied with her answer.

Nag-uusap pa sila ng tungkol sa kanyang graduation at mga kakailanganin niya hanggang sa napalagay na ang loob niya sa lalake. She realized that he was clever, practical, good humored and easy to get along with. No wonder her brother was already at ease with this man. Siguro mas palagay ang loob nito rito kaysa kay Dr. Lopez sa obserba pa niya.

Hindi na nga nila napuna ang oras at malalim na ng gabi nang nagpaalam na sa kanya ang lalake at saka pinanood niya ang papalayo nitong kotse bago siya pumasok ng bahay. Naratnan pa niya sa sala ang kapatid.

“Parang bet ko na siyang maging brother-in-law ko, ate.” Nakangising biro nito sa kanya.

Hinampas niya ang kapatid sa noo nang nakangiti. “Ayan. Pakialamero ka kasi. At kilala mo pa si Gassin, ha?”

“Nagkakwentuhan lang ng kahit na ano habang wala ka pa. At may marami na akong nalalaman tungkol sa kanya. Gusto mong sabihin ko sa ‘yo?” Presinta pa nito.

Tinalikuran niya ang kapatid. Pero nakangiti pa rin siya sa kanyang sarili na parang gaga. “Bakit, tinanong ko ba?” defensive namang aniya.

“Hus, paarte ka pa, ‘te, eh.” Susog pa rin nito sa kanya.

“Heh! Tigilan mo ako!” At saka pumasok na siya sa kanyang kwarto nang pabagsak pang humiga. Inaalala na lang niya ang unang kita pa lang niya sa binata at ang impresyon niya hanggang sa mapadako iyon sa kanyang kasalukuyang nararamdaman para rito. Was she merely admiring him dahil sa mga nalaman niya tungkol sa lalake? Or was she already falling for him at this very early stage of knowing him?

Bigla siyang napabalikwas mula sa pagkahiga. Napasapo siya sa kanyang dibdib. Kung susumahin niya’y unang pagkakataon niya itong nararamdaman para sa isang lalake. Nalilito tuloy siya at parang gusto niyang tanungin si Jasmine. Napalunok tuloy siya.

 

Nasiyahan ang binatang umuwi sa bahay niya. Tinawagan niya kaagad ang kanyang pamangkin para ibalita ritong may opisyal na doctor na si Gassin.

“Parati bang titignan ng doc si Gassin? Hindi pa ba siya cured, tito?” ang inosenteng tanong pa ng bata.

“Oh, it’s not that, Gem. It’s more like monitoring his health more often. And to prevent his being sick.” Ang paliwanag pa niya sa bata.

“Ah. And he’ll also have his weekly shedding? Baka kasi naiinitan na siya, eh. Mukhang mahaba na ang coat niya. Para kasing hindi na siya mapakali kahit sa centralized aircon sa house.” Ang obserba naman ng bata.

“Oh. Then, we’ll send him to the LACH tomorrow para sa weekly shedding niya.” Napangiting aniya sa bata sa telepono. Nasisiyahan siya at may dahilan na naman siya para makita ang dalaga.

“OK. Pero pwedeng sumama, tito? It’s already our vacation and I’m bored just staying inside the house.” Reklamo pa ng bata. Alam niyang nakasimangot ngayon ang mukha nito. He could just picture it out on his mind.

“Dapat magpaalam muna tayo kina mommy at daddy mo. Baka pagagalitan tayong dalawa ng mga iyon.” Ang suhestiyon pa niya.

 

Bumaba sila ng kotse at pumasok ng LACH kinabukasan kasama si Gassin na hila-hila ng bata. Nakita naman nilang nakalabas ang dila nito’t tila nakangiti saka nakataas at nakaarko ang buntot nito na tila excited itong makabalik sa lugar na iyon.

Binati sila kaagad ng mga empleyado ng LACH dahil sa kilala naman sila ng mga ito. At lalo na siya, nang lumapit sila sa reception desk. Napalinga-linga siya at hindi niya makita si Kallia.

“Ah, nasa itaas si Kallia para mag-round.” Ang sansala pa ni Jasmine nang may maluwang na ngiti na lumapit sa kanya.

“Oh. We’re here for Gassin’s weekly shedding.” Ang sabi pa niya sa babae. And he was trying to hide his embarrassment.

“Ah, si Tommy na pong bahala sa kanya.” Ang nakangiting anang Mara mula sa likod ng reception table.

Nakita sila ng dalagang bumaba ng hagdanan at bahagya pa itong nasurpresa nang makita siya. Binigyan naman niya ito ng pinaka-charming niyang ngiti at nakita niyang tinugon iyon ng dalaga ng matipid na ngiti.

“Who’s she, Tito Sud? She’s so pretty!” hinila siya ng bata upang makabulong ito sa kanyang tainga.

Napangiti tuloy siya sa kanyang pamangkin. Saka bumulong rin rito. “Shh… She’s going to be tito’s future wife.”

Napamaang ang natutuwang bata para sa kanya at napatingin ito kay Kallia.

“But she’s wearing a doctor’s clothing.” Ang hila na naman sa kanya ng bata para ibulong iyon.

“And she’s going to be Gassin’s doctor.” Ang bulong na sagot naman niya sa bata.

“Hello. I can see that Gassin’s here,” ang sabi pa ng nakangiting si Kallia sa kanilang mag-tiyo na nagbubulungan pa.

“Yes. Hi! I’m Gemeliel. Gassin’s my good dog.” Sabi pa ng bata na maluwang ang ngiti at inilahad ang kamay para makipagkamayan sa dalaga.

Napatingin ang babae sa kanya at saka yumuko ito upang makipagkamayan sa bata nang nakangiti.

“Oh. So you’re the little pretty owner of Gassin. How’s he doing lately?” Tanong naman ng babae rito.

“Uh… I think he’s uncomfortable with his thick coat. So, we’re here for his shedding.” Ang pormal namang tugon ng bata habang nakamasid lang siya sa mga ito nang nakangiti.

“I see. That’s good.” Tumango ang dalaga sa kanyang pamangkin, in approval.

“I always take care of him. But when he’s sick, I’m told that you’re going to take care of him.” At ngumiti pa nang malapad ang bata pagkatapos sabihin iyon.

Nagkatitigan tuloy silang dalawa ni Kallia. Ngumiti siya sa dalaga. Napangiti ito sa kanya at sa bata. Umigham naman si Jasmine at napatingin sila rito.

“Why don’t you go somewhere? Have ice cream or something while we’re shedding Gassin?” suhestiyon pa ni Jasmine sa bata.

Napatingin ang bata sa kanya. “Shall we, tito? And let’s invite Gassin’s doctor.”

Kumibit siya sa bata. Naisip niyang mas mabuti rin iyon kaysa sa baka malalanghap pa ng bata ang maraming balahibo ng aso rito. Saka napatingin siya kay Kallia na napatingin kay Jasmine.

“Kallia?” Ang tanong pa niya rito.

“Ah… sige,” para itong napilitan pero nakangiti pa rin ito sa bata.

Mukhang epektibo rin naman pala ang pagsama ni Gem ngayon dahil sasama sa kanilang mag-ice cream si Kallia. Parang lulundag siya sa tuwa dahil ibig sabihin niyon ay mas lalo siyang mapapalapit rito sa bawat sandaling magkasama sila.

Nakita niyang hinubad muna ng dalaga ang lab coat nitong suot at saka nagpaalam na sila sa mga kasamahan nito sa LACH. Siya sana ang bubukas ng pinto nang maunahan siya ng kanyang pamangkin para sa dalaga para magkatabi sila sa loob ng kotse sa may backseat. Mukhang ang bata tuloy ang karibal niya sa atensyon ng babae ngayon at naiiling siya.

“Thank you,” ang nakangiting pasalamat pa nito sa bata.

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply