Nang Dahil sa Pagmamahal Ko

0

#LabisNaNagmahalan
Nang Dahil sa Pagmamahal Ko
Ni:Gemvilla

“Ew! Ano ba namang mga taong ito? Bakit nila ako inihalo sa NFA rice?” maarteng reklamo ko.

“Aba! Makareklamo wagas. Hoy, Dinorado, kung hindi ka ba naman nagtaas ng presyo malamang sa malamang hindi mo mararanasan ito. Kaya tumahimik ka. Kasalanan mo iyan,” pagtatalak sa akin ni NFA rice. “Oo nga pala, salamat din sa pagtaas mo.”

Nagtatakang napatingin ako sa kaniyang huling tinuran.

“Dahil sa pagmamahal mo ay hindi na kami pagkain ng manok lang. Ngayon, nasa hapagkainan na rin kami,” nakangiting sagot niya sa katanungang nasa isipan ko lang.

Ngayon ko lang nakuha ang siyang nais niyang ipagkahulugan.

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply