My Vengeful Heart – Chapter 4

0

Chapter 4

“Hi, good morning,” bati ni Yna kina Marco at Kathleen pagpasok nang dalawa sa kanyang opisina.

Tatlong araw ang lumipas mula nang huling pumunta sina Kath at Calyx sa opisina niya bago siya nakatanggap ng tawag mula sa babae, para sabihin kung kailan sila pupunta ni Marco sa opisina niya.

“Good moring,” ganting bati ni Kathleen. Ngumiti si Marco, ngunit ramdam ni Yna na hindi ito mapakali sa tabi ng fiancee.

Alam ni Yna na kailangan niyang gawing panatag ang loob ng lalaki kung gusto niyang muling magamit ito sa kanyang mga plano. She needed to tease him, while making sure Kath have no idea what was happening.

“Have a seat. So, coffee ba ulit, o juice?”

Kung noong naroon si Calyx ay sa office table niya sila pumuwesto, ngayong si Marco ang kasama ni Kath ay mas pinili niyang sa sofa paupuin ang dalawa. Naupo si Yna sa pang-isahang sofa katapat ng mga ito. Yna want to give Marco a good view of her legs, just enough to make him loose his focus, but not so much that Kath might notice her plan. Pero duda rin naman siyang mapapansin iyon ni Kath, masyadong isip-bata at mapagtiwala ang babae.

“Coffee na lang ulit sa akin,” nilingon ni Kath ang lalaki sa tabi nito, “ikaw, babe?”

“Coffee na lang din,” anito, napalunok.

Pag-upo niya sa tapat ng dalawa ay napansin na niya ang pagsunod ng tingin sa kanya ni Marco. At alam ni Yna na muli ay nakuha niya ang atensyon ng binata, at hindi pa siya nakasuot nang revealing na damit noon. Nakapulang sleeveless dress si Yna na abot sa kanyang mga tuhod, ang laylayan ng damit ay bahagyang tumaas dahil sa kanyang pag-upo, kaya ang bilugang mga hita niya ay kitang-kita ng lalaking kaharap. Ang tanging accessories niya ay ang manipis na sinturon na nagpaangat lalo sa maliit na baywang niya, at pearl earings.

Matapos tumawag kay Bea ay bumalik siya sa, sofa, iniabot niya ang porfolio kay Kathleen. Hinayaan niyang tignan muna iyon ng babae. Naisilbi na ni Bea ang kape nila ay tinitignan pa rin ni Kathleen ang porfolio, habang si Marco ay sa mga hita niya nanatiling nakatingin.

Yna smirked, no sweat, this guy is a goner. She crossed her legs, Marco’s eyes travelled from her legs to her face, Yna give him a flirty smile.

“Liking what you see so far?” ani Yna, nanatili pa ring nakatitig kay Marco.

Napalunok si Marco, si Kath naman ay tumango pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa mga larawan, “Ang gaganda ng pictures, nakakainspired. Iniisip ko, ano kaya ang magiging itsura ng kasal namin? I am so excited!”

“So am I,” ani Yna, mula sa mukha ni Marco ay ibinaba niya ang paningin, dahan-dahan pababa sa katawan nito. And Yna see the sudden stiffness of his body. She wanted to laugh, but opted to smile seductively.

“Ang gaganda talaga, lalo na ito,” itinuro ang isang larawan ng reception venue sa beach na setting sun ang background, “I initially like the garden, katulad ng kay Maricar, pero parang mas gusto ko na sa beach.” Muli nitong binuklat ang porfolio, walang kaalam-alam na ang lalaking katabi ay hindi sa kasal na pinaplano nakatutok ang atensyon.

“Ang mga nakalagay diyan ay mga naunang weddings na nahanddle ko, ang mga latest na events ko ay nasa website. I presume you already seen those?”

“Actually, hindi pa. Hindi ko na naisip tignan iyon, sa totoo lang. Napahanga mo na ako sa kasal ni Maricar. At ngayong tinitignan ko ito, wow! Just wow! At hindi halatang lumang events ito, classic ang designs. Ang galing mo.”

“Gustuhin ko mang angkinin ang lahat credits, nakabase pa rin ako sa design at set-up na gusto ng clients. I aim to please. So kung ano ang gusto ng kliyente, sinisunod ko lang. I give advice but the final say is still the client’s choice. They are the boss, so I just make sure that they will be pleased and satisfied,” ani Yna, nilingon niya si Marco nang sabihin ang huling pangungusap, muli niya itong binigyan nang mapanghalinang ngiti.

“Still, hindi magiging ganito kaayos ang trahabo mo kung hindi ka inspired. At sa nakikita ko, inspired na inspired ka siguro kaya ganto kaganda ang trabaho mo!”

“Yes, a strong force is driving me to achieve my goals,” ani Yna. Napangiti siya, pero hindi pang-aakit kay Marco ang dahilan noon, masaya siya dahil sa nangyayari ngayon, nasisigurado niyang magtatagumpay siya sa plano.

“You’re in love?” ani Kath, tumingin ito sa kanya.

“Actually, hindi ko sigurado.”

“Paanong hindi mo sigurado?” napabaling na sa kanya ang atensyon nito.

Bumuntong-hininga si Yna, “Well, maybe I am starting to fall in love. I am attracted to this man I just met recently, but its very complicated. At ang pinakamabigat na dahilan, hindi ko naman alam kung gusto n’ya ako.”

“Sa ganda mong iyan, nasisigurado kong magugustuhan ka noon,” ani Kath.

Pinalungkot ni Yna ang mukha, “Gustuhin ko mang umasa, malabo na talaga. Sayang nga, mukhang ideal boyfriend pa naman. Mabait siya, madaling kausap. One time, may hiningi akong pabor, hindi ako nagdalawang salita. Inasikaso n’ya talaga ako. Masarap siyang kausap. Sayang nga lang, kailangan ko na rin kasing umalis kaagad noon, pero kung wala akong lakad, mas gusto kong makausap pa siya nang mas matagal. I would gladly spend the whole day with him.”

Nanatiling tahimik lang si Marco, pero bakas sa mga mata ng lalaki ang saya.

“He seems like a nice man, parang itong si Marco ko, mabait at maalalahanin din,” nilingon ni Kath ang lalaki. Tumingin din dito si Marco at pilit na ngumiti.

“Madalang na talaga yata ang mga lalaking katulad mo, Marco. Kaya nga nanghihinayang din ako dun sa lalaking nakilala ko. Kung nagkataong una ko siyang nakilala, sisiguraduhin ko ring hindi ko na siya pakakawalan,” aniya, nakatingin kay Marco, muling ngumiti bago bumaling kay Kath, “Kaya maswerte ka, Kath, madalang na lang ang lalaking katulad ng fiance mo.”

“I know, right,” anito na himilig sa balikat ng lalaki.

“Well, anyway, bakit ba ang kawalan ko ng lovelife ang topic natin, unahin natin ang wedding n’yo.”

“Ano ang dapat nating unang masettle?” ani Kath, ibinaba na nito ang profolio niya.

“Ang unang dapat nating masettle ay kung desidido na ba kayong ako ang maging wedding planner n’yo.”

“Oo,” ani Kath, nilingon si Marco na tahimik lang, nahipnotosmo nang tuluyan sa kanya.

“Kung ganon, pwede ko na bang ipahanda ang kontrata natin?”

“Sige, pipirmahan na namin ni Marco bago kami umalis.”

Napangiti si Yna, konting panahon na lang, magagawa na niya ang kanyang plano.

NAKAUPO si Athena sa lounge chair at nakaharap sa dagat, nasa isang kilalang membership resort siya sa Nasugbu, Batangas, inaantay niya sina Marco at Kath, ngayon sila mag-oocular para sa wedding venue nang dalawa. Matapos sabihin ni Kath na siya na talaga ang kukuning wedding planner ay inumpisahan na nila ang pagpaplano. Una nilang pinag-usapan ang budget sa kasal na ayon kay Marco ay hindi na dapat pag-usapan, kung ano daw ang gusto ni Kath, iyon ang masusunod.

The wedding is set six months from now. Yna suggested they start looking for the venue that Kathleen likes, as early as now and book it. Mabilis mafully booked ang mga venue, kaya mas magandang makapagpabook na kaagad sila. Nakapagcheck na sila sa ibang lugar, ito na lang ang huling resort na i-checheck nila.

Maagang dumating doon si Yna, at dahil nakailang beses na siyang naghandle ng kasal sa venue na ito, mas pinili niyang maupo na lang sa tabing dagat kaysa maglibot sa paligid.

Pero sa mga panahong katulad nito na napapalibutan siya nang magandang kapaligiran, naaalala lang ni Yna ang kanyang ina. Nanghihinayang siyang hindi na nakita ang ina nang nakatapos siya ng pag-aaral at nagtagumpay sa piniling karera. Hindi rin niya naiparanas sa ina ang maalwang buhay, at lalong hindi na makikita ng ina niya kung paano niya ipararanas ang sakit na dinanas nito noon, sa mga taong nanloko at nanakit dito, bago pa man siya isilang sa mundo.

Pero sa kabilang banda, alam niyang kung kasama pa niya ang ina, hindi rin siya nito pahihintulutan sa kanyang plano. Her mother always reminds her to look at the bright side, and the good in other people. Kahit daw naghihirap ito, ang mahalaga dito ay magkasama sila at masaya. Kalimutan na raw niya ang masasakit na bagay at maging mapag-patawad.

“I’m sorry, Nay. Hindi ko po kaya ang maging mabait na tulad mo. Kung nakaya mo silang patawarin, ako po, hindi. Hindi ko maisip paano ka nila nagawang saktan at lokohin.”

Naramdaman ni Yna ang pamumuo ng luha sa mga mata, pero pinigil niya ang pagpatak noon. Pumikit siya at isinandal sa bangko ang kanyang ulo.

“Malapit na, Nay. Malapit na nilang maranasan ang sakit na ibinigay nila sa’yo. Alam kong hindi mo ito gusto, at malamang nga kung kasama kita, pigilan mo pa ako. Pero Nay, hindi mo ako kasing bait. Sabi mo, hindi lang talaga patas ang mundo, siguro sa iba, pero ang hirap na dinanas mo, hindi ko hahayaang hindi nila danasin. Pare-parehas lang tayo, kahit mayaman sila at mahirap lang kayo.”

Napuno na naman ng galit ang puso niya, ang luhang muntik ng pumatak pagkaalala niya sa ina ay biglang nawala. Tumayo siya’t lumakad papunta sa cafe sa tabi ng swimming pool. Doon na lang niya aantayin ang staff ng resort na mag-aasist sa kanila.

MALAYO pa lang ay tanaw na ni Calyx si Yna, may kausap itong isang babae at isang lalaki, at hindi masisi ni Calyx ang lalaking kausap nito, kung hindi nito magawang ihiwalay ang mga mata sa magandang dalaga, dahil ngayong malapit na sila sa mga ito ay narealize niya, na maging siya ay mukhang mahihirapang pigilan ang sarili na mapatulala kay Yna.

Nakapony tail ang mahabang buhok nito, naka-off shoulder blouse na ang laylayan umabot lang sa sinturera ng pedal pusher pants na suot. Litaw ang leeg at makinis na balikat ng dalaga. May itinurong isang parte ng resort si Yna, at tumaas ang laylayan ng suot na blouse. Calyx whistled under his breath as her toned muscle underneath the blouse appeared. He found himself dreaming what would it feel like to touch her smooth skin, and to have his lips againts those inviting neck and shoulders.

Alam niyang una pa lang ay attracted na siya sa dalaga, at habang tumatagal, bukod sa kuryosidad ay mas lumalalim ang attraction na iyon.

“Walang boyfriend si Yna, di ba?” niya kay Kath, nakatitig pa rin sa dalaga.

“Wala, pero noong napag-usapan namin ang lovelife niya, nabanggit n’ya na may nagugustuhan s’yang lalaki, kaso komplikado raw kaya hindi pwede. Mabait at maasikaso daw yung lalaki, kaya sigurado akong hindi ikaw iyon, kase noong huli kayong nagkita, inasar mo pa s’ya,” nakatawang sabi ni Kath.

Kumunot ang noo ni Calyx, “Kailan iyon?”

“Noong nagpunta kami ni Marco sa opisina niya.”

Napatango si Calyx. Sigurado siyang may plano ang dalaga, at ngayon ay mukhang nagkakaideya na siya kung ano. At kung tama ang naiisip niya, si Kathleen talaga ang posibleng maging biktima rito.

“Hi Yna, sorry we’re late,” ani Kathleen nang malapit na sa tatlo.

Nahigit ni Calyx ang hininga nang humarap ang dalaga. He was once again mesmerized by those mysterious, mystical eyes that hide the depth of her soul, those eyes that hold her secrets, secrets that Calyx vowed to know.

“Hi, Kathleen,” anito, ngumiti ang babae pero nag-iwas kaagad ito ng tingin nang magtama ang mga mata nila, “nasaan si Marco?”

“May importante raw na gagawin sa opisina, may ioopen kasi silang isa pang car dealership branch kaya busy talaga s’ya. Pero sabi mo nga, mahirap maunahan sa venue kaya tumuloy na rin ako. Isa pa, sabi ni Marco, desisyon ko naman daw ang masusunod sa kasal namin. Sabihin ko na lang daw sa kanya kung magkano.”

Tumango lang si Yna, nakita niya ang paghihinayang sa mga mata nito bago pa makabaling sa mga kausap kanina, at ipinakilala sila sa mga iyon. Matapos ang introduction ay naglibot na sila sa paligid ng resort.

“Parang mas gusto kong dito sa may infinity pool iset-up ang kasal. Iyong katulad ng kasal ng isang celebrity couple na glass ang aisle kaya mukhang naglalakad sa ibabaw ng tubig ang entourage, tapos setting sun ang backdrop.”

Matapos ang initial na pagkadismayang gumihit sa mga mata ng dalaga nang malamang wala si Marco ay napalitan na iyon ng propesyunalismo. Nakikinig ito sa mga sinasabi ni Kath, manaka-nakang nagtatanong nang ilang detalye at nagbibigay ng opinyon kapag kinakailangan. Humanga si Calyx sa babae. Kaya naman pala maayos ang naging kasal ni Maricar, mabusisi ito.

Nakayuko si Yna at magsusulat sa planner na dala, at sa bawat paggalaw ng dalaga ay umaangat ang laylayan ng damit nito. Calyx can’t help but stare at her beautiful face and slender figure, but her physical beauty is not the end of her dimension, she is smart and mysterious, a stunning, intricate maze, and Calyx decided he will not stop until he figured her. He needed to solve her mystery.

Alam niyang iniiwasan siyang tignan ng dalaga, kanina pa nito binabalewala ang prisensya niya at kailangan niyang makuha muli ang atesyon nito. Hindi dapat mawala ang interes nito sa kanya. Kung kinakailangang galitin niya ito ay gagawin niya, basta masigurado niyang mahuhuli niya ang atensyon ng dalaga. Dahil hindi lang misteryo ang pagkatao ng dalaga ang gusto niyang tuklasin. Calyx never felt this much attraction to any other girl before, and he needed to address the hunger that this lady evoked inside of him. He needed to feel her, touch her, and taste her….

ATHENA can feel Calyx intense stare.

Pagdating nito kanina ay pinigilan niya ang pagrehistro ng gulat sa mukha, pero habang tumatagal ang pagtitig nito sa kaya ay hindi niya mapigilan ang unti-unting pagbilis ng pintig ng puso niya. At hindi iyon gusto ni Athena. No man has ever made her feel uncomfortable under her own skin before. But the way Calyx stare at her is unnerving.

Matapos isang beses na magtanong kung nasaan si Marco ay hindi na niya inulit iyon. Naaalala pa niya ang huling maging usapan nila, sinabi ni Calyx na alam nitong may sikreto siya at kailangan niyang mag-ingat na hindi dapat makatunog ang binata.

“Ang reception ay sa tabi naman ng beach. We can arrange that, di ba? After ng ceremony dito sa infinity fool, lilipat tayo sa beach side sa kabilang parte nitong resort?”

“Yes, malapit lang naman iyon, just five minutes drive from here to the beach,” ani Athena, nagawa na niya iyon sa dating kasal na sinet-up niya, kaya alam niyang posible ang gusto ni Kathleen.

“Okay! Ito na ang perfect venue para sa akin. This place is the start of our happily ever after, our married life. I can’t wait to walk down the aisle,” ani Kathleen, muling nilibot ng tanaw ang resort, bakas sa mukha ang saya.

Kanina ay nagagawa niyang propesyunal ang pakikitungo sa babae, pero dahil sa sinabi nito ay umangat ang sulok ng labi ni Athena.

Ngunit ang ngiting iyon ay dagling maglaho nang makita niya ang nakasalubong na kilay ni Calyx. Dagli niyang itinago ang panibugho sa mga mata at ibinalik ang aral na ngiti sa labi.

“Well, it is settled then, aantayin ko na lang ang final proposal at cost estimate,” aniya kay Mr. Cruz, ang Manager ng resort. Nakipagkamay siya rito, maging sa staff na kasama rin nila sa paglilibot sa property.

“We will send the proposal to your email as soon as possible, Ms. Laberinto,” ani Mr. Cruz.

“Great. Anyway, I won’t take up much of your time. Alam kong busy ka, Mr. Cruz. Uuwi na rin naman kami. Again, thank you and I will keep in touch as soon as I have your proposal.”

Tumango ang manager, nginitian itong muli ni Athena bago sila tumalikod. Nakita pa niya ang panghihinayang sa mata ni Mr. Cruz, pero wala siyang panahong pag-ukulan ito ang pansin.

“Excuse me, I need to go to the ladies,” ani Kathleen pagdating nila sa pathway papunta sa hotel building.

“Okay, doon na lang kita aantayin sa may lounge area,” ani Athena.

Nakakailang hakbang pa lang siya ay naramdaman na niya ang pagsabay sa kanya ni Calyx. Ngayon niya pinagsisisihan na nakipagtitigan siya sa lalaki noong huli silang nagkita. Dahil sa pagtitig niya dito ay napansin niya ang hindi dapat mapansin, at nahipnotismo siya ng binata. Kailangan niyang pumunta sa mataong lugar, nararamdan niyang gusto siyang macorner ni Calyx, at iyon ang hindi dapat mangyari.

Naiinis sa sarili si Yna, marami na siyang nakilalang gwapo, pero bakit nang mapagmasdan niya Calyx ay biglang nagulo ang tibok ng kanyang puso. Kaya hindi niya ito tinititignan kanina, natatakot siyang oras na magtama na naman ang mga mata nila ay magulo na naman ang tibok ng puso at maapektuhan ang kanyang mga plano.

At ang isa pang nakadagdag sa inis ni Yna ay ang pakiramdam na imbis na magalit sa tahasang pagtitig sa kanya ni Calyx, iba ang emosyong nabuhay sa kanya. Sadyang pumili siya ng damit na alam niyang makakaakit kay Marco, pero dahil si Calyx ang narito, si Calyx yata ang naakit niya. Pero ang nakapagtataka, imbis na mainis ay nagdala iyon nang mainit na pakiramdam sa kanyang puso.

This guy is dangerous, she needed to keep her distance. He might ruin her plan.

“Alam kong may gagawin kang gulo, at nasisigurado ko na ngayon na kung ano man iyon, pinsan ko ang masasaktan sa gagawin mo. Kung ano man iyon, at kung bakit mo ginagawa ito, hindi ko pa alam. Pero hindi ko hahayaan magtagumpay ka sa plano mo.”

Napatigil sa paghakbang si Athena, “For the third time, I don’t know what you’re talking about,” kahit naka-wedge si Yna ay kailangan niyang tingalain ang matangkad na lalaki.

“For the second time, you can hide your emotions to others, but not to me,” yumuko ito at inilapit ang mukha sa kanya.

Humakbang paatras si Yna, “Masyado kay perceptive, Calyx.”

Humakbang itong pasulong, palapit sa kanya, “I like the way my name roll off your lips,” anito, nakatitig sa mga labi ni Athena. Itinaas ni Calyx ang kamay at hinawakan ng hintuturo ang ibabang labi niya, pinaglandas iyon doon.

Umawang ang mga labi ni Yna, nagulat siya sa init na mula sa daliri ni Calyx na nanulay sa kanyang labi, pababa sa kanyang sikmura. Lalong bumilis ang pintig ng puso niya.

Muli ay humakbang siyang patalikod. This is getting out of hand. Sinabi na kasing hindi siya dapat natitig sa mga mata ng binata dahil nawawala siya sa focus. No man has ever affected Athena like this before, only Calyx. And the sensual way he stares at her lips makes her throat run dry. Athena keeps retreating, but Calyx keeps on advancing towards her.

Nahigit ni Athena ang kanyang hininga nang bigla siyang abutin ni Calyx. Hinawakan nito ng kanyang ulo, kasabay nang pagsandal ng likod niya sa pader.

“I won’t let you hurt my cousin, and I will make you reveal your secret. But for now, I got to taste these. I’ll go nuts if I won’t have a bite of these succulent lips,” ani Calyx. Unti-unting bumaba ang mukha nito palapit sa kanya.

Athena cannot move, her sane mind shouted, ringing her warning bells, telling her to run. But the insane, irrational part of her wanted what was about to come.

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply