My Vengeful Heart – Chapter 5

0

Chapter 5

“Talaga? Nabook mo na s’ya?” bakas sa mukha ni Katleen ang saya.

Nasa opisina sila at tuwang-tuwa ang babae nang ibalita niyang naibook pa rin niya ang photographer at videographer na gusto nito. Una na niyang nasabi na susubukan niya kung available pa ang mga iyon. Six month is such a short time, usually, videographer got the gig a year before the wedding. Pero sinuwerte si Yna na wala pang naibobook na event ang videographer sa araw ng kasal nina Marco at Kathleen.

Maliban sa videographer ay wala ng ibang piniling supplier si Kath, kung sino raw ang subok na niya ay iyon na raw ang kukunin nito. Nagtitiwala raw ito sa kanya. At isa pa, kung kabisado raw niya ang supplier, ibig sabihin ay mas maganda ang magiging transactions at maiiwasan ang problema.

“Ang galing mo naman, nasecure mo kaagad sila!”

“Kailangan kong siguraduhin, renowned wedding videographer iyon. Mabuti nga at available pa siya.”

“I am sure maganda ang kalalabasan ng wedding ko,” ani Kath.

Katulad noong nakaraan, hindi na naman nito kasama si Marco, pero ipinagpapasalamat din niyang hindi nito kasama si Calyx. Ayaw muna niyang makaharap ang binata matapos na muntik na siya nitong mahalikan noong nasa Nasugbu sila. Ipinagpapasalamat niyang hanggang sa huling sandali ay nagawa niyang pairalin ang matinong bahagi ng isip. Nagawa niyang makaalis sa harapan nito at makalayo sa lalaki bago pa man maglapat ang kanilang mga labi.

“Sigurado ka bang gusto mo nang i-settle ngayon ang iba pang suppliers? Pwede naman nating gawin sa ibang araw iyong iba sa kanila.”

“Mas gusto kong gawin na ngayon, bukod sa may trabaho ako kapag weekdays, masyadong mabilis ang anim na buwan. Gusto ko na masettle kaagad ang mga suppliers at basic details ng kasal ngayon pa lang. Isa pa, sa isang linggo ay pupunta kami sa Dubai para sa gown. Iyon ang kailangang masettle ko rin kaagad.”

“Okay, antayin na lang natin si Claire, malapit na raw siya. For the mean time, tignan mo muna ang website ko, baka may makita kang concept na gusto mong ipattern natin sa decorations ng kasal mo. Tutal, karamihan ng designs d’yan ay si Claire din naman ang gumawa.”

Ngayong umaga, ang florist at decoratios ang ififinalize nila. Mamayang tanghali naman ay pupunta sila sa restaurant ni Mitch para makapagsample si Kath ng mga dishes nito.

“Pagkatapos nating kumain sa restaurant ng caterer, saan tayo pupunta?”

“Sa opisina ng invitation designer and printer. Titingin na tayo ng mga sample na gawa nila, at the same time, idiscuss mo na rin sa kanila ang initial na design na gusto mo.”

“Nakakahiya naman, ang dami nating pupuntahan pero makikisabay lang ako sa’yo.”

“Walang kaso iyon,” walang sasakyan at driver ngayon ang babae, kanina ay ang ama ang naghatid dito. Gusto niyang lumabas at magpakilala, pero pinigilan niya ang sarili. Hindi pa ito ang tamang panahon para makita siya ng ama ni Kath.

Nakita na niya iyon noon sa mga larawan at sa malayo, ang pinakahuli ay noong kasal ni Maricar. Maging ang ina ni Kath, pero hindi pa siya nakikita ng mga ito nang malapitan.

“Magpapasundo na lang ako kay Marco sa opisina ng supplier ng invitations.”

Kung magpapasundo si Kath kay Marco, pagkakataon na niyang muli iyon na maisakatuparan ang plano.

“Sulit ang Sabado ko, isang araw lang ang dami kong matatapos, tatlong supplier kaagad. Wait, apat pala, kasama ang videographer na pinili ko.”

“Gusto mo na bang sulitin nang sobra ang araw mo?”

“May pupuntahan pa tayo?”

“Kung magpapasundo ka kay Marco, ibig sabihin, pwede ka nang umuwi ng gabi. Mamayang gabi ay may gig ang go to wedding singers ko sa isang bar, malapit lang din dito. Since kasama natin si Marco mamaya, I suggest you listen to their songs before you finalize if you want to book them.

“Talaga? Sige, isama na natin ‘yan sa tatapusin natin ngayong araw.”

Napangiti si Athena. Pagkakataon na niyang maakit na naman si Marco.

“WHY the long face?” ani Athena, kauupo lang ni Kathleen sa bangko katabi niya, lumabas ito saglit sa bar at tatawagan daw kung nasaan na si Marco.

Alas-otso na nang gabi, nasa unang set na ang acoustic duo na sinabi niya kay Kathleen kanina, sina Mica at Art, ang prospect niya para sa kasal ng dalawa, pero wala pa ni anino ni Marco. Maging si Athena ay naiinip na rin.

Hindi siya sinagot nito, nanatiling malungkot ang mukha, nakita rin niya itong nagpipigil ng luha. May awang sumagi sa dibdib ni Athena na bigla niyang sinupil. Walang lugar ang awa sa puso niya. Kung ano man ang sakit at lungkot na nararamdan ng babae ay wala sa kalingkingan nang pinagdaanan niya, nilang mag-ina.

“Drinks?” alok niya rito. Base sa experience niya, kapag ang tao ay ayaw magkwento, painumin mo, mamaya ikaw na ang mananawa at mamomoroblema paano mapapahinto sa kakasalita.

“Yes, please,” ani Kath. Huminga nang malalim at pasimpleng pinunasan ang mga mata.

Ilang minuto silang tahimik na nakinig sa singers na nasa stage. Nasa ikalawang baso na ng Margarita si Kath, at kung kanina ay tahimik lang din ito, ngayon ay manaka-nakang nasabay sa kinakanta ng singer. Alam niyang ilang sandali na lang at mag-uumpisa nang magkwento si Kathleen.

NATANAW kaagad ni Calyx si Kathleen at Yna sa lamesa sa unahan, katapat mismo ng stage. Napailing siya nang makita ang baso ng alak sa harapan ni Kathleen.

Tumawag ito sa kanya at halata sa boses ang pagpipigil ng iyak. Tinanong niya kung bakit, ngunit hindi sinabi ni Kathleen. Ang sinabi lang ay ang bar kung nasaan ito. Nagpapasundo sa kanya ang pinsan, dahil nahihiya na raw ito kay Yna kung ang babae pa raw ang maghahatid dito pauwi.

Hindi na nito kailangang magdalawang salita sa kanya. Humahanap pa siya ng paraan na makalapit muli sa dalaga, at ang pagtawag ni Kathleen ay ang pinakamagandang dahilan.

“I am here to listen. Hindi lang ako basta wedding planner, pwede rin akong councelor,” ani Yna. Hindi napansin nang dalawang babae ang paglapit niya, nakatalikod ang mga ito sa kanya.

“Naipit daw siya sa dami ng trabaho sa opisina. Ako na raw ang bahalang magdesisyon kung kukunin ko sila o hindi. Naiinis ako. Kung ngayon pa nga lang na pinaplano namin ang kasal, mukhang wala na siyang pakialam, paano na lang kapag kasal na kami?”

“Hey! Cheer up! Wag iyon ang isipin mo. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon na maraming trabaho si Marco. Unawain mo na lang yung tao.”

“Importante ito, kasal namin ang pinag-uusapan, sana maglaan siya ng oras para sa pagpaplano. Hindi naman araw-araw ito, eh,” unimom ulit ng alak si Kathleen.

“Baka naman kaya subsob sa trabaho iyong fiance mo, kase malapit na kayong ikasal. At kapag kinasal kayo, tiyak matagal siyang magleleave. Baka gusto niyang pagkatapos ng kasal ay makapagfocus siya sa iyo, kaya inuuna na n’ya ang trabaho ngayon pa lang.”

Napakunot-noo si Calyx. Noong huli silang nagkita ay buo ang paniniwala niyang gusto nitong saktan ang pinsan niya. Pero bakit ngayon ay pinapayuhan nito ang pinsan niya at ibinibuild-up pa si Marco?

“Palagay mo?” tumingin ang pinsan niya sa dalaga, at sa paglingon nito ay noon siya nakita. “Kuya Calyx! Kanina ka pa diyan?”

ATHENA’S body becomes rigid. Hindi niya namalayan ang paglapit ng binata. Masyadong buhos sa sinasabi ni Kath ang atensyon niya.

“Yeah, enough to hear your jerk of a fiance is absent again,” naupo si Calyx sa bangkong katabi niya, imbis na sa katabi ng pinsan.

“Kuya!”

“What? Kung ako ang ikakasal, iiwan ko ang lahat, masigurado ko lang na kasama ako lagi ng fiancee ko. Kahit audience lang ako sa lahat ng meetings, ang mahalaga, maramdaman niyang hindi ko binabalewala ang kasal namin.”

“Malungkot na nga ako, ganyan ka pa. Buti pa si Yna, pinapalakas ang loob ko,” muli na namang namuo ang luha sa mga mata ni Kathleen.

“Okay, maybe Athena was right. Baka bukas-makalawa sumama na sa pagpaplano ang maaasahang fiance mo,” anito sa pinsan bago bumaling sa kanya. “Salamat sa pagsama kay Kathleen na nakapag-unwind.”

Napilitan si Athena na tumingin kay Calyx, “Actually, narito kami para iobserve sila,” itinuro niya ang singers na nasa entablo.

“Still, salamat at sinamahan mo ang pinsan ko.”

Nagkibit-balikat si Athena. Muling tumingin sa mga singers, pero ramdam na ramdam niya na hindi siya hinihiwalan ng tingin ni Calyx.

Again, Athena felt exposed. As if Calyx can see through her. She took a sip of her margarita, she welcome the taste of the drink in her mouth as a sweet distraction to the sudden fast beating of her heart. She kept her eyes infront.

“That’s it for our first set. We will be back after a couple of minutes. We will be taking request on our next set, so be sure to have it written down. Just give it to our waiters. Thank you,” ani Art.

Matapos bumama ang dalawa sa stage ay sa lamesa nila ang mga iyon naupo.

Kahit nakakainon na si Kathleen ay maayos pa rin itong nakipag-usap kina Art at Mica. Manaka-naka’y sumisingit si Calyx, nagtatanong kung alam ng mga ito ang isang specific na kanta.

“Three minutes, set na ulit namin,” ani Mica.

“May request ka ba, pare?” ani Art, nakatingi kay Calyx.

“She,” anito, nilingon siya.

“She?” turo ni Kath sa kanya. Naubos na nito ang ikalawang baso ng margarita, at kahit dim ang ilaw sa bar ay halata ang pamumula ng pisngi nito. “Julia Roberts, She?” anito, halatang tipsy na ang babae.

“Pretty Woman, I mean, Nothing Hill, She,” ani Calyx, nanatiling nakatitig sa kanya, nasa mga labi ang pinipigil na ngiti, na lalo lang nakapagdagdag sa karisma nito.

Athena cursed herself internally, she broke her rule, she looked again in his eyes. And once again, her mind goes haywire, her heart beating eratically.

“Sige, uunahin naming tugtugin iyan,” ani Art, tumayo na ito, pero bago tuluyang lumakad papunta sa stage ay lumingon muli kay Calyx. “Make use of the dance floor.”

“She, may be the face I can’t forget, a trace of pleasure or regret,”

“May I have this dance?” ani Calyx, nakalahad ang kamay sa kanya.

“Are you nuts?” ani Athena, tinaasan ng kilay si Calyx. Walang ibang tao sa dance floor, at lalong wala rin sa plano niyang makipagsayaw sa binata.

“Yeah, I told you last time, I have to taste your succulent lips, or I’ll go nuts. At dahil tinakasan mo ako, ito ang naging epekto,” bakas sa mga mata nito na seryoso ito, bumaba ang paningin nito sa kanyang mga labi.

“You two! I saw that! I just kept my mouth shut. Pero Kuya, walang nagawa ang charms mo kay Athena,” ani Kathleen na tumatawa pa.

Hindi inintindi ni Calyx ang pinsan. Muli itong tumingin sa mga mata niya. Probing, pushing her barrier, breaking down her walls and defences. And Athena is slowly losing the battle.

“She may be the mirror of my dreams, a smile reflected in a stream, she may not be what she may seem, inside her shell.”

Athena still can’t find the strength to break their staring contest. She was mesmerized by the changing emotions on Calyx eyes. Athena suddenly felt something inside her turn. She is not afraid to be vulnerable, to show her insecurities. His inquisitive eyes brought her unexplainable peace.

“Whose eyes can be so private and so proud, No one’s allowed to see them when they cry.”

CALYX saw the sudden switch in Athena’s eyes. He saw how she let her guard down. He smiled tenderly. Alam niyang maganda ang dalaga, naakit siya nito, kahit noon pa, pero ang makita ang totoong emosyon sa mga mata nito ngayon ay mas nakapagpaangat sa ganda ng dalaga.

Gusto niyang hawakan ang pisngi nito, damhin ang mga labing ilang gabing pumuyat sa kanya. Pero ayaw niyang maputol ang koneksyon niya sa mga mata ng dalaga. He is seeing her, the real her for the first time. Not the full of hatred Athena, but the insecure, afraid and valnurable Athena, a much admirable and beautiful version of her.

He is dying to taste her trembling lips, but he can’t bring himself to let go of her eyes. He will kiss her later, but for now, he will assure her that he is serious and that she can count on him, to assure her that if she is vulnerable and scared, he can be a strong shoulder she can lean on.

Pinalo ni Kathleen ang lamesa, “Stop staring at each other and kiss already!”

“Stop it Kath, or else, I will leave you here,” ani Calyx, sa dalaga pa rin nakatingin.

“Hindi mo ako maiiwan Kuya. Ako pa, what say is the rule. Hindi ka nila mapapatawad kapag may nangyaring masama sa akin. Magagalit sa iyo si Mommy, lalo na si Daddy. I am her only Princess!” bakas sa boses ng pinsan niya ang pagmamalaki.

“Pampered, spoiled brat,” aniya.

Calyx saw how the wall that crumled a while ago was built again in an instant. The defiant, angry Athena was back with a vengeance.

“Excuse me, I need to go to the ladies,” anito at tumayo na kaagad.

Walang nagawa si Calyx kundi sundan ito ng tingin. Namangha siya sa bilis nang pagbabago ng emosyon ng dalaga, kasabay ng pagtataka kung ano ang naging sanhi noon. A second ago they were staring tenderly. Athena baring her beautiful vulnerable soul and in a spit second, her eyes suddenly turn cold.

Habang mas tumatagal niyang nakikilala ang dalaga, mas lumalalim ang hiwaga nito, at mas tumitindi ang nararamdaman niya para kay Yna.

“Me, I’ll take her laughter and her tear, and make them all my souvenirs, for where she goes I’ve got to be, the meaning of my life is, She.”

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply