My Vengeful Heart – Chapter 7

0

Chapter 7

“Still pushing through with that plan?”

Bumuntong-hininga si Yna. “You know I won’t stop, Old Man. Anyway, how are you?”

“I am fine, just missing my Sweetie. It is actually you I am worried about.”

Pumikit si Yna, nagpapasalamat siyang hindi niya kaharap ang kausap. Tiyak na kung nakikita nito ang mukha niya ay hindi siya titigilan nito sa katatanong. Ito lang ang nakakaalam ng lahat, wala siyang inililihim dito.

Kapag ito ang kaharap niya, hindi niya itinatago ang tunay na nararamdaman, isa pa, kahit subukan niyang maglihim dito, kayang basahin ng matanda ang totoong nararamdaman niya. Ganoon katibay ang koneksyon nilang dalawa.

“I am fine, Old Man, no need to worry.”

“I really hope so, Sweetie, for my peace of mind.”

“I am fine, believe me.”

“Sige, I believe you. Sabi mo, eh,” napangiti siya, natutuwa siya sa accent ng matanda, lalo na kapag nagsasalita ito ng mga Filipino words na itinuturo niya. Nakakaintindi na ito ng Filipino, pero hindi pa ganoon kagaling sa pagsasalita.

Hindi na niya nagawang sumagot dahil sa warning knock sa pintuan, pumasok si Bea.

“Narito na po sila, Ma’am.”

“Salamat, Bey, tell them I am just engaged on the line, let them in after five minutes.”

Tumango ang staff niya bago lumabas ng kwarto.

“Hey, Old Man, I will call you later. Narito na ang mga kameeting ko.”

“Okay. Visit me the soonest, Sweetie.”

“I will, as soon as I settle everything here. Take care,” aniya bago pinutol ang tawag. Hinigit niya ang drawer, tinignan ang larawan ng isang babaeng kamukhang-kamukha niya.

“Nay, ano kaya ang magiging reaksyon nila kapag nakita ako?” napuno na naman ng galit ang puso niya, galit na muntik na niyang malimutan dahil hindi isang lalaking nakikialam sa plano niya.

“Hi Yna,” ani Kathleen pagpasok sa opisina.

“Hi, have a seat,” aniya. Nginitian niya ito. Tinignan ang mag-asawang kasunod na pumasok ni Kathleen.

“Ang daya mo, isang buwan kang nawala,” anito, naupo sa sofang itinuro niya. Ni hindi nito napansin ang itsura ng mga magulang na animo’y nakakita ng multo, ang ama nito ay namutla habang ang ina naman ni Kathleen ay biglang humawak sa tapat ng dibdib. Gustong tumawa ni Yna, pero pinigilan niya ang sarili.

“Kahit isang buwan akong nawala, hindi naman pinabayaan ng mga staff ko ang preparation para sa kasal mo. I leave you in their very capable hands. Hindi ako aaalis kung hindi ako kampante sa mga tauhan ko,” aniya, nginitian niya si Bea na nag-abot ng binder sa kanya, naroon ang tungkol sa development ng pagpaplano sa kasal ni Kathleen. “Thank you, Bey.”

Matapos maisilbi ang inumin sa mga bisita niya ay lumabas na muli si Bea sa kwarto.

Bumaling siya sa mga magulang ni Kathleen na nanatiling nakatayo, “Have a seat, make yourself comfortable.”

Wala sa sariling naupo ang mag-asawa sa sofa katabi ng anak. Hindi pa rin humihiwalay ang tingin sa kanya.

“I know, nakita ko kung gaano kagaling ang mga tauhan mo. Sabagay, hindi kataka-taka ‘yon, with you as their mentor, I am sure they will be good, too. Besides, wedding convention yung pinuntahan mo, for sure, may bagong idea ka na magagamit natin sa kasal ko,” ani Kathleen.

Ngumiti lang si Yna. Iyon ang pinalabas niyang dahilan nang pagkawala ng isang buwan, pero ang totoo ay nagbakasyon lang siya.

Umuwi siya sa probinsiya, binalikan ang lahat ng hirap nilang mag-ina. Binisita niya ang maliit na apartment kung saan sila nakatira, sa palengke kung saan siya lumaki, sa ospital kung saan binawian ng buhay ang ina, sa fastfood restaurant kung saan siya nagtrabaho noong naulila, para may maipantustos sa pag-aaral. Iniwan niya sa hotel ang kotse at muling nilakad ang isang kilometro mula sa dating bahay hanggang eskwelahan, para makatipid sa pera. Ang huling pinuntahan niya ay ang sementeryo kung saan nakahimlay ang ina.

Ginawa niya iyon para ipaalala sa sarili kung bakit niya ginagawa ang ginagawa niya ngayon. Muntik na siyang mawala sa plano dahil sa pagsulpot ng isang lalaki.

At ngayong nanariwang muli ang lahat ng hirap na dinaanan nilang mag-ina, bumalik ang galit sa kanyang puso, at sisiguraduhin niyang magbabayad ang mga ito. At kung pagbabatayan ang reaksyon ng mag-asawa nang makita siya sa malapitan ay gustong magdiwang ni Athena.

Nakita na niya ang mga ito noong kasal ni Maricar. Pero sinadya niyang umiwas sa mga ito, hindi pa iyon ang tamang panahon. Pero ngayon, umpisa na ng paninigil niya, at alam niyang ang pinakamagandang kabayaran na makukuha niya sa mag-asawa ay iparanas sa anak ng mga ito ang ginawang panloloko sa kanyang ina.

“Oh, how foolish of me, I forgot to introduce my parents,” ani Kathleen.

Gusto niya itong sansalain na hindi na kailangan, kilalang-kilala niya ang mga magulang ito.

“My Dad, Enrico, and my Mom, Marcela. Mom, Dad, she is Athena,” Kath is still oblivious of the fact that her parents are at a lost for words and looking at her with shocked expressions on their faces.

“Katulad ng sinabi ko sa’yo, aside from the wedding planning status, we are here to discuss the final guest list, isinama ko na sina Mommy at Daddy, tutal sila naman ang maraming iimbitahan na business partners nila. Baka mamaya, may makaligtaan pa ako,” ani Kathleen. Kinuha ang cellphone sa bag. “Nasaan na ba si Marco?”

“Alas-nwebe naman ang usapan natin, baka on the way na iyon dito,” aniya.

“Kahit na, sabi ko’y agahan niya, eh. Teka, tatawagan ko lang,” anito at lumabas sa kwarto.

“Taga-saan ka, hija?” ani Marcela nang mapag-isa sila.

“Pangasinan.”

“Ano ang apilyedo mo, hija?”

“Laberinto,” gustong humalakhak ni Yna nang muling mawalan ng kulay ang mukha ni Enrico. Ang juice na hawak ni Marcela para inumin ay natapon.

“May problema po ba?”

“Taga-Pangasinan ka hija? Hindi ka ba taga-Laguna?”

“Sa Pangasinan ako ipinanganak at lumaki,” nanghihinayang si Athena na wala siyang camera. Gusto niyang mapreserve ang halo-halong reaksyon sa mukha ng mag-asawa.

“Ilang taon ka na, hija?” ani Enrico.

“Twenty nine,” napasinghap ito, maging si Marcela.

“Nasaan ang mga magulang mo?” ani Marcela

“Ano ang pangalan ng ina mo?” tanong naman ni Enrico.

“Sabay kayong nagtanong, sino ba ang una kong dapat sagutin?” aniya. Hindi napigilan ang mapang-uyam na ngiti sa mga labi. Ngunit bago pa makasagot ang mag-asawa ay pumasok si Kath.

“Nariyan na siya, nagpapark na ng kotse,” anito, naupong muli sa tabi ng mga magulang.

Kumunot ang noo ni Kathleen nang mapagmasdan ang mga ito, “Something wrong? Both of you look very tense.”

“Wala hija,” ani Marcela. Muling inabot ang juice na natapon ang laman kanina. Nanginginig ang kamay nito nang uminom.

“Hi,” ani Marco, naupo sa kaibayong sofa na katapat ng inuupuan ni Yna.

“Shall we start?” Yna is enjoying the stressed-out expression on Kath’s parents faces. She really wanted to laugh, especially when she saw the lingering look that Marco throws her way. Her plan is on the right tract again.

“Wait, nasaan ang parents mo, Marco?” ani Kathleen.

“Inilista na lang nila ang mga bisitang gusto nilang imbitahin,” inaabot ni Marco ang listahan kay Kathleen.

“Okay,” tumingin sa kanya si Kathleen at ngumiti, “Sige start na tayo,” anito.

Ngunit nagambala sila ng warning knock at pagpasok ni Calyx sa kwarto.

“Pasensya na, aabalahin ko muna ang meeting n’yo, kailangan ko lang makausap si Yna,” anito, nakatitig sa kanya.

Muli, nagulo na naman ang tibok ng puso ni Yna. Pero mas matatag na siya ngayon, naremind siya sa tunay na misyon at hindi niya hahayaang muli siyang makalimot dahil sa binata.

“Calyx, I am sure that can wait,” Yna said dismissively.

Naningkit ang mga mata ni Calyx. Inilang hakbang nito ang pagitan nila, yumuko ito, itinapat ang mukha sa kanya.

“No, Yna, this cannot wait,” anito, walang babalang sinakop ang mga labi niya.

A collective gasped filled the room. The only gasped that wasn’t heard was from Athena, it got stuck in her throat.

“Kayo na? Kelan pa? Kaya pala ang gaan-gaan ng loob ko sa’yo Athena, magiging pinsan pala kita!” ani Kathleen.

Iniatras ni Yna ang ulo, napalingon siya sa mga tao sa loob ng opisina, at sa kabila nang gulat sa ginawa ni Calyx ay gusto niyang matawa. Si Marco ay halatang galit, si Kathleen ay masaya, at sina Enrico at Marcela ay kalituhan ang makikita.

“Isang buwan akong nag-antay kung kailan ka babalik dito. Natakasan mo ako nang huli tayong magkita. Pero ngayon, hindi ko papayagang makatakas ka na naman sa akin. Kung kinakailangang bantayan ko ang pintuan mo, gagawin ko.”

“Ano pa ba ang kailangan mo?”

“Ikaw, mag-uusap tayo,” anito, biglang lumamlam ang mga mata ni Calyx hinawakan ang mga labing kanina lang ay inangkin nito.

“Wala tayong dapat pag-usapan,” ani Yna.

“Marami, Yna. Maraming-marami. Marami akong tanong sa iyo na kailangan mong sagutin. Karapatan kong malaman ang totoo, ang lahat-lahat sa’yo.”

“Sino ang nagsabi sa’yo na sasagutin kita? At sino ang nagbigay sa’yo nang karapatan na tanungin ako?”

“Ikaw, binigyan mo ako ng karapatan nang tumugon ka sa mga halik ko. There is more to us, Yna. Don’t try to deny the connection we have. I won’t stop until you accept that.”

“Athena, ano ang ibig sabihin nito?” ani Marco, nakatayo na ang lalaki, nakakuyom ang mga kamao, bakas ang galit sa mukha.

Athena cursed under her breath. Tama siya, si Calyx nga ang sisira sa plano niya. Umaayon na muli ang lahat sa gusto niyang mangyari, pero dahil sa pagdating na Calyx, nagulo na naman ang plano niya.

“Akala ko ba ako ang gusto mo?” muling tanong ni Marco, namumula ang mukha nito.

“What?” napatayo na rin si Kathleen. “Athena, what is this all about?” bakas sa mukha nito ang matinding kalituhan.

“Gusto mong malaman ang totoo, Kathleen?” anang isang babaeng bagong pasok sa kwarto. Tanda ito ni Yna, nakita niya ito sa shop nina Marco noong pumunta siya roon, nakatingin ang babae sa kanya nang masama.

“I’m sorry, Ma’am, nagpumilit po siyang pumasok,” ani Bea, halata sa mukha nito ang pagkabahala.

Nginitian niya ang staff, “It’s okay, Bey, I can manage. You can go back to your work,” tumayo siya at inialok ang bangkong inupuan sa babae, tinignan muna siya nang may pagdududa bago naupo.

“Irish, bakit ka narito?” lalong naguluhan si Kathleen.

“Para ipaalam sa’yo ang panloloko nang magaling na fiance at wedding planner mo.”

“Stop it, Irish!” ani Marco.

“Hindi mo na ako matatakot, Marco, lalo na ngayong may dahilan ako para lumaban. Noon handa akong manahimik lang, pero ngayong nalaman kong buntis ako, lalaban ako para sa anak ko!”

“What!” ani Kathleen. Napaupo itong muli sa bangko katabi ng ina.

“Parehas tayong biktima rito, Kathleen,” ani Irish. “Una akong naging girlfried ni Marco, pero nang nakilala ka niya ay niligawan ka, sabi niya sa akin, ako talaga ang mahal niya at kaya ka niya niligawan ay dahil sa pera, naniwala ako, dahil kahit kayo na, kami pa ring dalawa. Sabi n’ya kahit kasal na kayo, kami pa rin, ibabahay n’ya raw ako. Naniwala pa rin ako,” umiiyak na si Irish. Maging si Kathleen ay umiiyak na rin.

“Irish, stop it,” ani Marco, pero hindi man lang ito nilingon ng babae.

“Pero nang nakilala niya ang babaeng ‘yan,” itinuro siya ni Irish, “nagbago ang lahat. Hindi na siya napunta sa akin. Tapos bigla niyang sinabing makikipaghiwalay na siya, dahil may mahal na raw siya. Akala ko natutunan ka na niyang mahalin. Matatanggap ko pa kung ikaw ‘yon. Mabait ka, at sa totoo lang, kung hindi ko lang talaga mahal si Marco nakipaghiwalay na ako dahil nakokonsensya na ako sa panloloko namin sa iyo. Pero nalalaman ko na ibang babae na naman pala ang kinahuhumalingan niya. Noon ako natauhan at narealize ko na ginamit lang niya ako at hindi na talaga siya magbabago.”

“Kaya sabi ko, para makabawi man lang ako sa panloloko ko sa’yo, ako na mismo ang magsisiwalat ng totoo,” mula kay Kathleen ay bumaling sa kanya si Irish, “may usapan sila ng babaing ‘yan. Kahit nagpaplano kayo ng kasal ay nagkikita sila at nag-uusap kung paano ka hihiwalayan ni Marco. Ipaplano pa rin ang kasal n’yo pero iiwan ka pa rin ng manlolokong fiance mo. Sabi ni Marco, ginagawa n’ya iyon dahil iyon ang gusto n’ya. Mayaman daw si Yna, mas mayaman pa nga raw yata kaysa sa pamilya mo.”

Napasinghap ang mga magulang ni Kathleen. Si Kathleen naman na tahimik lang na naluha kanina ay nagkatunog na ang pag-iyak.

“I said stop it, Irish!” ani Marco, lumapit ito kay Irish at halatang sasaktan ang babae. Si Irish naman ay sumiksik sa sandalan, may takot na rumehistro sa mukha ng babae. Nasisigurado ni Yna na hindi iyon ang unang pagkakataon na sasaktan ni Marco ang babae.

Mabilis na nakakilos si Clayx sa tabi niya, nahawakan kaagad nito ang kamay ni Marco bago pa man iyon lumapat kay Irish.

“A girl shouldn’t be hit, even with a flower!” pagalit na sabi ni Calyx bago binigyan ng sintok sa sikmura si Marco.

“That is for using this beautiful girl,” muli nitong sinuntok si Marco, “that is for the countless blows I know she received from you,” muli nitong sinuntok si Marco, “and that is for using and hurting Kathleen, you disgusting asshole!”

“Tama na,” pumagitna si Kathleen sa pinsan nito at kay Marco. Si Irish naman ay tumakbong palapit kay Marco, ngunit itinulak lang ito ng lalaki.

“Yna, alam na nila ang totoo, wala ng dahilan para ilihim mo ang nararamdan mo para sa akin,” ani Marco, nakaupo pa rin sa sahig ang lalaki, hawak ang sikmura.

Bumaling si Kathleen sa lalaki, “Minahal mo ba ako, Marco?”

“Hindi ko alam.”

Lumapit si Kathleen at sinampla si Marco, “Umalis ka na, wag kang magpalakita sa akin!” ani Kathleen, ibinato ang singsing sa lalaki.

Si Marco ay tumayo, lumakad palapit kay Athena. “Yna.. malaya na ako, pwede na tayo.”

“What do you mean? You would choose me, over Kathleen?”

“Anytime, Athena.”

“Oh God, how could you do this to me, Athena! Pinagsabay mo ang pinsan ko at si Marco?” Umiiyak si Kathleen, naupo na muli sa bangko katabi ang mga magulang nito na hindi na halos maipinta ang mga mukha.

Hope, anguist, hurt, betrayal, confusion. Iyon ang nasa mukha ng mga taong kasama ni Athena sa kwarto.

Athena can’t contain her laughter, “Oh my, this is so much better that what I had planned.”

“What do you mean?” nalilitong tanong ni Marco.

“I don’t like you, Marco, not even a bit.”

“Pero ano ang mga ipinakita at pinagsasabi mo sa akin?”

“Ginamit lang kita para makapaghiganti sa kanila,” sinulyapan niya ang pamilyang nakaupo sa sofa. “Besides, you deserve it. Ngayon, tatanungin kita, ano ang pakiramdam na magamit at maloko? Masaya ba?”

“You, scheming bit…”

“Don’t dare say it, Marco..” babala ni Calyx, naniningkit ang mga mata nito, “leave, now..”

Malumanay ang pagkakasalita ni Calyx pero alam ni Marco na seryoso ang binata. Tahimik itong tumalikod at lumabas.

“Irish, kung ako sa iyo, ayusin mo ang buhay mo, lalo na’t magiging ina ka na.”

Mula sa pintong nilabasan ni Marco ay bumaling sa kanya si Irish, bakas sa mukha ng babae ang pagkalito, “Be strong, para sa anak mo. Magtrabaho ka para mabuhay kayo nang marangal, pero wag mong pabayaan ang sarili mo. Dahil higit sa perang maibibigay mo sa anak mo, mas kakailanganin n’ya ang presensya mo.”

“Bakit sinasabi mo sa akin iyan?”

“Minsan na akong nalagay sa katulad na sitwasyon, pero imbis na ina, ako ang anak. Hindi masaya, hindi maganda, mahirap. Pero lahat nang hirap, kinaya namin ng nanay ko, dahil magkasama kami. Pero dahil gusto ng nanay ko na ibigay sa akin lahat, ginawa niyang araw ang gabi. Nasa palengke sa umaga, naglalabada sa gabi, hindi kinaya ng katawan niya, kaya naiwan akong mag-isa. At bilang anak na lumaking nagtaguyod sa sarili, ang pinahamahirap ay walang magulang na masandalan.”

Walang nagsasalita, lahat nang naroon ay sa kanya nakatitig. Ang paghikbi ni Marcela ang bumasag ng katahimikan.

“Anak ka ba ni…..?” Hindi nito magawang sabihin ang pangalan ng ina niya.

“Patawarin mo ako, Kathleen,” ani Irish, pinahid ang mga luha sa pisngi, saka tumayo. “Excuse me,” anito, tuluyan na silang iniwan, wari’y naramdan na ang kasunod na mangyayari ay mas magulo kaysa sa kapangyayari lang sa loob ng kwarto.

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply