My Vengeful Heart – Chapter 8

0

Chapter 8

“Anak ka ba ni…. ?” muling tanong ni Marcela matapos maghari ang katahimikan sa pag-alis ni Irish.

“Oo, anak ako ni Maribel Trias Laberinto,” taas noong sagot niya.
Tumingin si Marcela kay Enrico, ang lalaki naman ay nanatiling nakatitig sa kanya, pagkamangha at kaligayahan ang sama-samang makikita sa mukha. Si Kathleen naman ay kakikitaan ng kalituhan ang mukha.

Humakbang palapit sa kanya si Enrico, ang mga mata ay biglang napuno ng luha. “Anak…”

Nagtangis ang mga bagang ni Athena, kasabay nang matinding galit sa kanyang puso. “Anak?” Ngumiti siya ng mapait. “Wala kang karapatang tawagin akong anak, dahil kailan man ay hindi ka naging ama sa akin…”

Malumanay ang pagkakasabi niya, kung saan siya kumuha ng lakas para pigilin ang pagtaas ng boses ay hindi niya alam.

Si Enrico ay napatigil sa paghakbang at pumatak ang luha, “Anak, hindi ko alam…”

“Malaki ang pagkakaiba ng hindi mo alam sa hindi mo sinubukang alamin,” hindi niya itinago ang pagkasuklam at galit. Athena wore her anger and hatred like second skin, now that everything is out, she will thow all of that in them. Vengeance, she will extract all the vengeance she could get.

“Dad, Mom, what’s going on? She’s my sister? How come I do not know anything? Can somebody clear this up,” ani Kath, halata ang matinding kalituhan.

Tumingin si Enrico kay Calyx, “Pwede bang ilayo mo muna si Kathleen dito, mag-uusap lang muna kami ng anak ko.”

“Protecting your one and only Princess again. How sweet,” Yna smile bitterly, hurt, harted, anger, her emotions bubbling inside and starting to reach boiling point, she can barely control them.

“No, I am sorry, Tito, but, somebody better clear this up. At kung anak mo si Yna, karapatang malaman ni Kathleen ang totoo. Hindi n’yo maitatago ito sa kanya,” maging si Calyx ay hindi maitago ang pagkamangha sa mukha, halatang hindi inasahan ang nalaman.

Hindi umimik si Enrico. Lumingon sa kanya ang binata, bakas ang pagtatanong sa mga mata.

“Hindi n’yo magawang sabihin sa anak n’yo ang panloloko n’yo? Why, afraid that your little, happy family might be ruin? Afraid what your innocent, sweet, pampered, little precious Princess might feel?” tumawa si Yna, hindi niya itinago ang pangungutya sa tawang iyon.

“Mom, Dad, tell me, what’s going on? Is she my sister? How?” muli, walang sagot sa mga magulang nito, bumaling si Kath sa kanya, “You’re my sister?” halata ang pagkamangha at kalituhan sa mukha nito.

“No, the only family I acknowledge was my mother. She’s my everything, my protector, my provider, my friend, my sister, my shield, my rock, my stregth. She was my all,” sagot ni Athena, ipinikit niya ang mga mata, pilit sinariwa sa isip ang maamong mukha ng ina, pilit hinahagilap ang matamis na ngiti at init ng mga yakap nito. Ang kanyang muog at sandigan. Ang naiisang tao sa mundo na alam niyang kailan man ay hindi siya pababayaan.

Her mother, the sweetest, gentlest creature she had ever known, so selfless and forgiving. Hindi niya matanggap na nagawang saktan at lokohon ng mga taong kaharap niya ang kanyang ina, sa kabila ng lahat ng kabutihan at kabaitan nito.

Remembering all her mother’s suffering fueled her anger, it reached boiling point now, threathening to spill any moment.

“Kailan pa namatay si Maribel, anak?” halata ang matinding pagsisisi sa mukha ni Enrico.

“Wag mo akong tawaging anak! Wala kang karapatan!” sa kauna-unahang pagkakataon, hindi napigilan ni Athena ang pagtaas ng boses, kinuyom niya ang mga kamay.

“Please, what is happening? Can somebody tell me the truth?” ani Kathleen.

Nilingon ito ni Athena,” Okay, the pampered, little, spoiled Princess wants to know the truth, eh?” She sneered. “You want the truth? Okay, I will tell you the truth. Brace yourself, because this might break you, precious Princess, and I really hope it will, because it cut me se deep that I am standing here with my wounds still gaping open,” she smiled bitterly.

“Magkakaibigan sila mula kolehiyo,” nilingon niya ang mag-asawa, ang galit ay nasa mukha niya, si Marcela at Enrico naman ay pagkabahala at takot ang nasa mga mukha, “Minahal ka n’ya nang higit pa sa isang kapatid,” aniya kay Marcela, bago ibinaling muli ang tingin kay Enrico.

“Itinakda ang kasal nila ng ina ko, pero kung kailan pa ang disperas ng araw ng kasal, saka pa naisipan ng Daddy mo na takasan ang ina ko, nagtanan ang mga magulang mo.”

Narinig niya ang pagsinghap ni Kathleen, nilingon niya itong muli. Kung bakas sa mukha ni Kath ang gulat, si Calyx ay nanatiling seryoso, hindi niya mabakas sa mukha nito ang nararamdaman at iniisip.

“Are you shocked, precious Princess?”

Nilingon ni Kathleen ang mga magulang, “Alam n’yo ba parehas na ipinagbubuntis siya ng nanay niya noon?” tanong nito sa mga magulang na hindi naman nagawang sumagot.

“Hindi maililihim ng ina ko iyon, anim na buwan na siyang buntis at halata na ang tiyan. Ang totoo, ang pagbubuntis sa akin ng nanay ko ang dahilan kaya sila magpapakasal. Pero may ibang plano pala ang mga magulang mo. Hindi na nagpilit ang nanay ko, hindi na siya nag-antay ng paliwanag at paghingi ng kapatawaran mula sa mga magulang mo. Nang araw na ikakasal sila at nawala ang mga magulang mo, umalis na lang ang nanay ko, baon ang sakit nang panloloko, matinding kahihiyan at mag-isang responsibilidad na itaguyod ang bata sa kanyang sinapupunan.”

“Pero nang umuwi siya sa Laguna ay ipinagtabuyan siya ng tiyahin sa labis na kahihiyan,” ani Athena. Namumuo na ang luha sa kanyang mga mata, pero pumikit siya at pinigilan ang pagpatak noon. Hindi siya iiyak sa harapan ng mga ito.

“No!” Si Kathleen naman ay napasingahap muli, itinakip ang nga kamay sa bibig. Puno nang pagtatanong ang mga mata nitong nakatingin sa mga magulang, na hindi magawang tumingin sa anak, si Marcela ay nakayuko, si Enrico ay waring tumanda ng ilang taon, bagsak ang mga balikat.

“Iyon ang umpisa nang lahat ng paghihirap naming mag-ina,” mapait na ngumiti si Yna.

Tumingin siyang muli kay Enrico, “Hindi ko alam kung dapat kong pasalamatan ang pamilya mo sa pagbibigay ng pera sa ina ko, o dapat ko rin silang kamuhian dahil binayaran na nila ang kung ano mang koneksyong meron ako sa inyo. Pero ang naiisip ko ay ang huli, dahil katulad mo, matapos nilang bigyan ng pera ang inay ay hindi rin sila gumawa ng paraan para alamin ang kalagayan ko.”

“Pero gano’n pa man, ang perang ibinigay ng mga magulang mo ang nakatulong para makapag-umpisa kaming mag-ina. Sa Pangasinan siya napadpad, kumuha siya ng maliit na pwesto sa palengke at nagtinda ng gulay. Sa kabila ng pag-iisa ay nagawa niya akong palakihin nang maayos. Literal akong lumaki sa palengke, ang kuna ko ay nasa tabi ng mga gulay na siya ring naging laruan ko.”

“Sa kabila nang hirap ay hindi ako nagkulang sa pagmamahal niya. Pero dahil siya lang ang mag-isang nagtataguyod sa akin, hindi kinaya ng katawan niya ang hirap,” huminto si Yna, huminga nang malalim, kailangan niyang kontrolin ang emosyon dahil baka hindi niya mapigilan ang mga luha. “Matagal ko na siyang sinasabihan na hindi na niya kailangang magpagod nang sobra, dahil scholar ako noong magkolehiyo, at may part time job na rin. I know she was doing that to save enough money for me, money that end up paying all her hospital bills.”

“Bakit hindi mo kami nilapitan? Natulungan sana namin si Maribel,” ani Marcela, ang luha nito ay patuloy pa rin sa pagpatak.

“Dinanas naming mag-ina ang lahat ng hirap na iyon dahil sa iyo, palagay mong nanaisin kong sa’yo lumapit para mamalimos ng tulong?” aniya na puno ng galit. Yumuko itong muli.

“Hindi ko alam ang gagawin ko noong nasa ospital kami. Paano ba haharapin nang isang labing-walong taong gulang ang lahat nang iyon? Takot na takot ako noon. Bukod sa nanay ko ay wala akong malapitan, walang kamag-anak na maaasahang dadamay. Alam kong ayaw din niya akong iwan mag-isa. At sa kauna-unahang pagkakataon, sa kabila ng panghihina niya, isinulat niya ang buong pangalan mo, pati address. Puntahan daw kita at magpakilala, para hindi ako maiwang mag-isa sa mundo. Iyon ang huling ginawa niya bago siya binawian ng buhay,” muling nanariwa ang sakit ng pagpanaw ng ina. Pumikit nang mariin si Athena, para pigilin ang mga luhang malapit nang pumatak sa kanyang mga mata.

“Anak, bakit hindi mo ginawa? Bakit hindi ka nagpakilala?”

“Bakit mo ako tinalikuran kahit hindi pa ako isinisilang? Alam mong buntis ng ina ko, pero paano mo pa rin iyon nagawa? Sa loob nang dalawampu’t siyam na taon, naisip mo man lang bang alamin ang kalagayan ko, o siguraduhin kung buhay pa ba ako?” Hindi nakaimik ang ama niya, bakas ang pagsisisi sa mukha.

“Hindi ako ang unang tumalikod, ako ang iniwan at inabandona, ako pa ba ang magmamakaawa? Kung noong munti pa akong sanggol ay hindi kita kinailangan, lalo naman noong kolehiyo na ako, at kaya ko nang mabuhay mag-isa. At ipinangako ko sa sarili ko na lalapit ako sa inyo, pero hindi para magpakilala, kundi para manigil sa panloloko’t kataksilan n’yo sa aking ina. You reap what you sow. And I vow to make you feel what you did my mother, and I do not care if I have to use your precious little, pampered Princess to get even.”

Nilingon niya si Kathleen na hilam pa rin ng luha ang mga mata, “Minsan mo akong tinanong, paano ko naiinom ang mapait na kape. Ang totoo, hindi ko na halos iyon nalalasahan. Maswerte ka, matamis na buhay ang dinanas mo. Habang nasa mall ka, sa marumi at mabahong palengke ako, nakahiga ka sa malambot na kama, matigas na papag at banig ang gamit ko, hatid-sundo ka ng school service, naglalakad ako, hindi ka man lang nakahawak ng walis, pero ako, naglilinis ng salamin at nagmomop ng sahig sa fastfood chain na madalas kinakainan mo. Magkaibang-magkaiba tayo ng mundo.”

“Ate…” anito, nagsimulang humakbang palapit sa kanya.

“Wala akong kapatid at walang mga magulang,” aniya na nakapagpahinto sa paglapit ni Kath.

Si Calyx ay nanatiling nakatitig sa kanya. And he maybe serious when she started telling the truth, but compassion is now clearly evident on his face.

“And you know whats funny? Sa kabila nang panloloko at pananakit n’yo sa ina ko, hindi s’ya magtanim ng galit sa iyon. Alam n’yo bang madalas ikuwento sa akin ng inay, na ang panahong kasama n’ya kayo sa kolehiyo, ang pinakamasayang bahagi ng buhay niya,” hindi na halos makahinga si Athena, nahihirapan na siyang kontrolin ang emosyon, kailangan na niyang lumayo sa mga ito, dahil alam niyang ano mang oras ay bibigay na ang tatag na pinaghahawakan niya.

“Hindi ko iyon maunawaan. Kayo ang dahilan ng lahat ng pagdurusa namin, pero napatawad n’ya kayo. Ni minsan ay wala siyang sinabing masama sa inyo. Nagawa n’yo lang daw sa kanya iyon dahil mahal ninyo ang isa’t isa,” napuno na naman ng galit ang puso niya.

“At imbis na mapatawad kayo ay lalo akong nagalit, lalo na sa’yo,” aniya, nakatingin kay Enrico, at sa pagitan nang nagtatangis na ngipin ay tinanong niya ito, “Tell me, is my mother not worthy of love? Am I not worthy of love? Kaya ba nagawa mo kaming talikuran, at nagawa mo akong kalimutan?”

“Anak… parawarin mo ako, patawarin mo kami. Minahal kita, kahit hindi kita nakilala.”

“Some love, huh? The only love I know is my mother’s. And when she left me, that love was gone, hatred, anger and vengeance, that’s what left in me. She’s the only one who loved me, and she’s the only one I love. And I know I am not capable of loving again. Thanks to you and your family,” aniya tumalikod siya at lumapit sa pinto. “Now, get out…”

“Ate..” ani Kathleen, yumapos ito sa likuran niya. “I’m sorry, I’m very sorry.”

Tinaggal niya ang mga kamay nito sa kanyang baywang. “I said out..” kasing lamig ng yelo ang boses ni Athena.

“Ate, ako na ang humihingi ng kapatawaran sa mga nagawa nila Mommy at Daddy,” anito, lumipat sa harapan niya, “kung kinakailangan, luluhod ako, mapatawad mo lang sila.”

“Kahit halikan mo pa ang mga paa ko, hindi ko iyon maibibigay sa kanila. Dahil ang bagay na hinihingi mo ay matagal ng wala sa bokabularyo ko.”

“Ate, please…”

“All of you, leave…”

“Anak..”

“Kathleen is your only daughter, Mr. De Guia. You can call me Athena..”

“Patawarin mo ako, Athena.”

“Hilingin ko na ang buwan, baka maibigay ko pa, pero ang patawarin ka, imposibleng magkatotoo. Umalis na kayo, isama mo ang pamilya mo. Nagawa mo na iyon noon, kayang-kaya mo ulit gawin iyan ngayon. Lumayas kayo sa harapan ko,” ani Athena. She is barely holding on, her tears are threatening to spill any moment now.

“I think you better leave now, Tito. Hindi makatutulong kung ipipilit mo ngayon ang gusto mo,” ani Calyx.

Makalipas ang ilang minuto ay tahimik na lumabas ang mag-anak sa kwarto.

Lumakad si Athena pabalik sa lamesa niya at naupo sa swivel chair, ipinikit ang mga mata. She is in an emotional turmoil.

“Athena..”

“Alam mo na ang sikreto ko, wala na ang misteryong hinahanap mo, makakaalis ka na.”

Her control is barely holding on. She is proud of herself that she controlled her tears infront of the family she hated so much. But now that they are gone, Yna’s energy surge came to a stop, she suddenly felt exhausted. She just wants to roll up and hide.

A hand pulled her from the chair and the next thing she know, strong arms envoloped her trembling body, her face buried in his chest.

“Let me go, Calyx,” Athena does not have the energy to push him away, and truth be told, she wanted to be hugged and taken cared of right now. She tried to be strong for so long, but that does not mean she do not need another much stronger person to lean on.
And this very moment, she could definitely use a shoulder to cry on.

“I know you are strong, but it does not mean I cannot offer you a shoulder to cry on,” ani Calyx.

Athena’s tear escapade. How did he manage to say all the right words at the right time? Naniniwala na siyang kaya talaga siyang basahin ng binata.

“I am done with crying, it’s just for weak people,” aniya. Pilit pinapatatag ang sarili, pinunasan ang luhang pumatak sa kanyang mga mata.

“Wrong, crying is for strong people,” hinagod nito ang buhok niya. “There is a certain grace and beauty in letting yourself feel what you should actually feel. Kung naiiyak ka, umiyak ka, kung nagagalit ka, magalit ka, sumigaw ka kung gusto mo. Pero hindi mo dapat kumkimin ang nararamdan mo. Be strong to face what you feel head on.”

Umiling si Athena. Pinipigil pa ring pumatak muli ang mga luha.

“You are strong, Athena. Let your strength show by being vulnerable,” itinaas ni Calyx ang kanyang baba at tinignan siya sa mata.

“No.. I don’t want to cry.. I stopped crying years ago..”

“Then it’s high time to let go of all that tears you’d been keeping in. Let it go, Yna. I am here, I will hold you,” ani Calyx, muling isinandig ng binata ang kanyang ulo sa dibdib nito. Naramdaman ni Athena ang paghalik nito sa kanyang buhok.
And for the first time in a long time, Athena let all her emotions out. Her trembling body safely enclosed in his strong, caring arms.

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply