In Love With My Sshh..

1

Paano kung binigyan ka ulit nang isang pagkakataon para mabuhay? Sino ang mamahalin mo? Your girlfriend? Or your fck buddy?

 

CHAPTER 1 #TheAccident

 

 

Chip was driving like a mad man. Hindi alintana ang mahigpit na buhos ng ulan. Ang tanging mahalaga lang sa kanya sa mga oras na iyon ay ang makalayo. Kay Shelley. Sari-saring emosyon ang lumukob sa kanyang pagkatao pagkaalala sa nobya.

“Damn,” mura niya kasabay nang pag-pula ng traffic light. Naisipan niyang i-tsek sandali ang kanyang cellphone. 4 missed calls from Ice. Pagkabasa ay saka niya lang naalala na makikipagkita pala siya rito. Kagyat niyang naisipan na magpalit ng destinasyon. Ngunit ibang destinasyon pala ang kaniyang tatahakin….

💏

“O, Ano? Sumagot na ba?” untag sa kaniya ng kaibigang si Rhiannon.

Umiling siya.

“Tsk! Sabi ko na nga ba eh. Hindi ka talaga susulputin niyon,” kapagk’ay tumingin sa mga niluto niya. “Sayang naman ang Chicken Estofado mo,” nanghihinayang na wika nito.

Ngunit wala sa nasayang na ulam ang isip niya. Nag-aalala siya kay Chip. Parang tinatambol ang puso niya sa kaba.

“Chip,” sambit niya.

"Chip," sambit niya

💏

“Pupunta ka ba sa birthday ko sa linggo?” biglang tanong ni Ice sa kanya. Masasalamin sa mukha ang pagka-asam.

“Oo naman. Bakit naman hindi?” sabay ngiti. Aywan niya kung bakit ayaw niyang biguin ito ngayon. Kadalasan naman ay lagi niyang nire-reject ang anumang paanyaya nito. Siguro dahil hindi naman talaga sila magkaibigan. Ang relasyon lamang nila ay hanggang sa kama lang. Wala nang hihigit pa roon.

“Thanks, Chip. Hihintayin kita….” at biglang nagising ang kanyang natutulog na diwa.

“Uuuggggh…” aniya habang naririnig ang papalapit na sirena ng ambulansiya. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan at pag-agos ng dugo mula sa kanyang ulo. Sa nanlalabo niyang paningin ay natitiyak niyang nasa ilalim siya ng isang malaking sasakyan. Truck o bus. Hindi niya sigurado.

“Anak…” dinig niya na isang makapangyarihang tinig. Tila tumigil ang oras ng mga sandaling iyon.

Pinilit niyang hanapin ang tinig na iyon ngunit bigo siyang makabangon dahil sa pinsalang natamo.

Isang iglap pa ay nakakita siya ng liwanag. Liwanag na nakakasilaw.

“Anak,” tawag muli nito. “Kahit ano ang piliin mo ay iisa lang din naman ang pupuntahan mo. Sasama ka sa akin sa paraiso o pipiliin mo pa ring mabuhay sa mundong ito. Ngunit kung ang pipiliin mo ang huli ay tiyak kong mahihirapan ka.”

“Sino ho kayo?” aniya sa namamaos na tinig.

“Ako ang iyong bantay” maikling tugon nito.

Huminga siya ng malalim. “Kung pipiliin ko ulit na mabuhay sa mundong ito. Ano ho ang kapalit?”

“Ang layunin ko ay maranasan mo ang mga bagay na ipinagkait sa’yo…”

Inulit niya ang mga katagang sinambit ng kanyang anghel.

“Mukhang nakapagpasya ka na. Mayroon kang apatnapung araw para alamin iyon. Kung sa loob ng mga araw na iyon ay hindi mo natuklasan ang bagay na iyon ay maaari kitang kunin muli. ”

Tumango siya at napapikit. At paggising niya’y nasa loob siya ng ospital na punong-puno ng aparato ang katawan.

💏

“Nurse! Nurse!” humahangos na tawag ni Ice sa nurse na nakatao sa information.

“Yes? Ma’am,” anito sa kanila ni Rhiannon sabay pinaglipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Hindi maikakaila sa babae ang admiration para sa dalawang nakatayo sa harapan niya. Tila nabuhay mula sa mga fashion magazines ang mga ito. Ngunit mas nagtagal ang paningin nito kay Ice. Aba! Eh parang na-meet na niya in person si Selena Gomez dahil sa pagkakahawig ng dalaga sa artista.

“Saan naka-confined si Mr. Chester Leopold Larson?” nagmamadaling tanong niya.

“Room 204. Third floor,” maagap na sagot naman nito.

“Salamat!” at tumatakbong pinuntahan ang kinaroroonan ng elevator. Ilang saglit pa’y lulan na sila niyon.

“Relax,” anang kaibigan. Pinatong nito ang kanang kamay sa kanyang balikat saka pinisil.

Napailing siya. “I cant , Rhi. Halos himatayin na ko sa nabalitaan kong nangyari kay Chip. Kung hindi ko na lang sana siya inaya ay hindi mangyayari ito,” nasa tinig ang pagsisisi.

“Ano ka ba?!” saway nito. “Wala kang kinalaman sa aksidente ni Chip. Ipagdasal na lang natin siya kaysa i-blame mo ang sarili mo.”

Ayon sa pulis na nakausap nila ay malapit sa kinaroroonan ng condominium ni Ice ang pinangyarihan ng aksidente. Ibig sabihin niyon ay wala talagang balak indiyanin ni Chip si Ice. Ang masaklap nga lang ay nangyari ang isang kalunos-lunos na trahedya. In deep coma ang lalaki ayon sa nakausap nilang doktor. Napabunghalit ng iyak ang dalaga. Walang makapagsasabi kung kailan ito magigising.

💏

“Ice…” mahinang sambit niya. Sigurado siyang hindi siya naririnig nito dahil kaharap niya mismo ang kanyang sarili.

Habang pinagmamasdan niya ang kanyang halos walang buhay na katawan ay pinag-aaralan naman niya ang pagtangis ng kanyang partner. Inaamin niya. Hindi niya alam kung ano ang itatawag kay Ice. Nagtataka siya kung bakit ganoon na lang ang ngawa nito. Dahil ba sa nagi-guilty ito? Kung hindi dahil sa pagpunta niya sa kaarawan nito ay hindi siya mapapahamak?

Nagtagis ang bagang niya. Ayaw niyang nakikitang umiiyak ang babae dahil sa kanyang kapabayaan.

“Tahan na, Ice,” awat niya sa pagitan nang pag-iyak nito. Sinubukan niyang lapitan at hawakan ito ngunit tumatagos lamang sa katawan nito ang anumang paghawak niya.

Lalong nagngalit ang kaniyang mga ngipin. Gusto na niyang bumalik sa kanyang katawan subalit naalala niya ang nawika ng kanyang anghel. Lubos na mahihirapan siya.

Pinagmasdan niya muli si Ice. Naroon ang pag-aasam na sana ay ganoon rin ang nasaksihan niyang eksena kanina. Una ng beinte minutos ang pagdalaw ni Shelley sa kanya kaysa sa dalaga. Natawa siya ng pagak. Hanggang dito ba naman ay iniisip niya pa rin ang posibleng pagkikita ng dalawa? Halos wala na nga siyang buhay ay iniisip niya pa rin ang pagiging babaero niya.

Lumungkot ang kanyang mukha. Wala siyang mabasang kahit anong emosyon sa mukha ng kanyang kasintahan. Tahimik lang itong nakatunghay sa kaniya kanina. Hindi katulad ni Ice na ngumunguynguy pa rin hanggang ngayon.

“Sana ikaw na lang ang minahal ko,” wala sa loob na naiusal niya.

Wala pang isang segundo ay lumitaw ang isang pamilyar na anghel sa kaniyang harapan. Hindi man niya maaninag ang mukha nito dahil sa angkin nitong liwanag ay tiyak niyang ito ang nakausap niya noong isang araw.

“Gusto mo bang maramdaman ang pagmamahal ng isang gaya niya?” walang ligoy na tanong nito.

Wala sa loob na napatango siya. Hindi niya masabi maski sa sarili niya kung bakit ganoon ang kaniyang naging reaksyon.

“Kung gayon ay mararamdaman mo kung paano magmahal ang isang babaeng katulad niya.”

Nakatunghay lang si Chip sa anghel. May kung anong sinasabi ito subalit hindi niya maintindihan.

“Sa bilang na lima ay mararanasan mo kung paano ka mahalin ni Ice sa kaniyang panaginip.”

“Panaginip? Teka…” pigil niya sa pagbibilang ng anghel.

“Isa..dalawa..tatlo…” pagpapatuloy nito.

“Dimensyon? Oras? Panaginip?” naguguluhang tanong niya sa anghel.

“..Lima,” pagtatapos nito sabay muwestra ng kanang kamay nito. Tila tinataboy siya.

“Teka! Sandali!” sigaw niya. Hindi niya mawari kung ano ba ang tinutumbok ng kanyang anghel.

Napapikit siya dahil mayroon kung anong puwersang humihila sa kaniya paikot.

2 Comments
  1. Eury Evans Junior Pilot – Level 1
    Digital World Pioneer Member
    610.00
    April 11, 2018 at 10:33 am

    Hindi pa rin makapag-upload ng cover, sis. Haha. Sinisipa ako ng DW.

  2. MC Chan Junior Pilot – Level 1
    Digital World Pioneer Member
    506.00
    April 9, 2018 at 8:26 pm

    Kumusta po kayo mga cute na authors ng digital world?

Leave a reply