Fragile Heart Chapter 14

0

Chapter 14

“Sabi ni Gelo hindi ka na daw nakatira sa bahay nila? Agad na tanong ko kay Zion pag dating nito nagulat pa ito.

“Si Gelo talaga ang daldal.”
Bulalas nito sa sarili.

“Bakit ayaw mong malaman ko? Girlfriend mo ako ha dapat alam ko! Nag tatampo kong sabi dito.

Hinawakan ni Zion ng dalawang kamay niya ang mukha ko.

“Eh kasi ayokong mag aalala ka girlfriend kaya nilihim ko muna.”

Humalukipkip ako. At hinila siya papasok sa loob sakto namang lumabas ng kwarto si papang.

“Oh iho nandito ka pala. Balita ko hindi kana daw nakatira kila Gelo ah. Saan kana ngayon nakatira?

“Ah diyan lang po nangungupahan lang po.”

“Eh kung kasal lang kayo ni Ellay pwede ka sana dito eh kaso kasi hindi eh.”

“Papang naman! Reklamo ni Ezella.

“Abay eh bakit do’n din naman kayo patungo eh. Wala ka bang balak pakasalan ang apo ko ha Zin?

“Papang-

Hinawakan ako sa kamay ni Zion.

“Meron po papang. Mahal na mahal ko itong apo niyo eh.” Ngumiti pa ito.

Kinilig ako pero nag pigil lang ako at baka mapagalitan pa ako ni papang sabihin ang landi ko.

“Abay mabuti naman.” Sabi naman ni papang. “Pakainin mo na dito yang nobyo mo ha Ellay bago mo pauwiin.”

“Opo papang.”

“Sige iho matutulog na ako. Maaga pa pasok ko bukas sa trabaho.” Paalam ni papang.

“Sige po papang. Goodnight po.”

Umalis na ito at maiwan kami ni Zion sa sala.

“Baliw ka! Pakakasalan pala ha?

“Oo naman. Bakit ayaw mo ba?

“Ewan. Wala pa sa isip ko yun gusto kong magtapos muna ng pag aaral.”

“Eh di pag nakatapos ka na.”

“Sus!

“I’m serious. I will marry you someday.”

Napangiti na ako na abot tenga.

“Hayop ka talaga.”

“Ha?

“Hayop ka sa pag papakilig sa akin. Hayop na hayop.”

Natawa naman si Zion ang gwapo talaga nito bakit ba nag kagusto sa akin ang adonis na ito ang swerte swerte ko.

“Halika na kumain na tayo.” Yaya ko na dito at hinila ko na ito sa kusina.

Nag umpisa na ang klase at nakakatuwa dahil kaklase ko sa iilang subject si Lawrence kaya may kaibigan na kaagad ako at nakakausap sa school. Pero nadagdagan pa ako ng isa pang bagong kaibigan, si Cristy taga Cavite ito at dito nag aral nandito kasi nakatira ang kuya niya na may asawa at ito nag papaaral sa kanya nag kasundo naman kami agad pati si Lawrence at Cristy dahil magaling naman ito makisama.

“First day palang ang dami na nating gagawin ano? At ang daming research.”

“Oo nga cristy eh. Malayo pa naman internet shop sa amin kaya gagabihin talaga ako nito.”

“Sa bahay nalang kayo mag research may PC kami at laptop do’n at may internet pa. Malapit lang naman dito bahay ko eh.”

“Sige para makalibre din kami.” Agad na payag ni Cristy.

“Ikaw Ezella? Tanong ni Lawrence sa akin.

“Ah teka papaalam lang ako. Alam kasi nila papang oras ng uwi ko eh. Baka mag alala mga ‘yon pag ‘di ako nakauwi agad.”

“Sige. Antayin ka namin dito.” Tugon ni Lawrence.

Lumayo muna ako para tumawag pero hindi naman talaga ako kila papang mag papaalam kundi kay Zion kasi kung kila papang lang sabihin ko lang ang dahilan maiintindihan nila pero si Zion siguradong magagalit ‘yon lalo pa’t si Lawrence ang kasama namin.

“Bakit ba kasi ang seloso niya eh ang gwapo naman niya.”

Agad kong dinial ang number niya.

“Hello girlfriend.” Bati nito agad sa akin.

“Hi boyfriend.” Malambing ko rin bati dito.

“Uwian niyo na ah? Nasa bahay kana ba do’n na ako didiretso mamaya pag out namin ha.”

“Ah ‘yon na nga boyfriend kaya ako napatawag eh.”

“Oh bakit?

“Medyo mali late ako ng uwi.”

“But why?

“May assignment kasi kami madami at kaylangan mag research eh ano eh-

-Eh kasi ano eh .”Halos hindi ko masabi sabi dito ang dapat kong sabihin dahil  baka hindi kaagad ito pumayag.

“Ano? Seryoso na ito. Kinabahan na tuloy ako bigla.

“Kasi malayo diyan sa atin ang internet shop naisipan namin ni Cristy ‘yong new friend ko dito na kaklase ko din na kila Lawrence na mag research may inter-

“No! Tutol nito agad.

“Zin naman. May kasama naman ako eh saka malapit lang sa school ang bahay nila.”

“I said no! Umuwi ka na at sasamahan nalang kita mamaya sa internet shop.”

“Zin wala naman akong-

“Ezella just do what I said! Nasa himig na nito ang iritasyon.

“Ayoko! Nainis na din ako.

“Ezella! Sumigaw na ito sa kabilang linya.

“Wala akong gagawing masama Zin kaya hindi mo ako dapat pinag hihigpitan ng ganyan! Daig mo pa sila papang kung manduhan ako eh! Para ka naring si kuya! Inis kong tugon dito.

“Ezella don’t piss me. Just do what I said!

“Hindi! Ayoko naman makipag talo sayo pero sobra na ito eh. Lahat nalang ba ng lalake dapat kung layuan dahil diyan sa pag seselos mo? Nakakainis ka na!

“Ezella! Batid kong talagang naiinis na ito.

“Bahala ka!

Binabaan ko na ito ng phone at nilapitan sila Lawrence.

“Ano girl okay ka na? Tanong ni Cristy sa akin.

“Oo. Tara na.” Yaya ko dito.

Tumunog ang cellphone ko at ng tignan ko kung sino tumatawag si Zion ang nakarehistrong pangalan kaya hindi ko ito sinagot.

“Oh bakit hindi mo sinasagot girl? 
Tanong ni Cristy.

“Nakakatamad eh. Mamaya ako na tatawag sa kanya.”

Pero wala paring tigil ang katutunog ng cell phone ko kaya napilitan na akong patayin ito.

“Sino ba ‘yun? Bakit ‘di mo sinasagot? Tanong na din ni Lawrence.

“Tropa ko. Nangungulit kasi eh. Kaya pinatayan ko na.”

“Nice! Nanliligaw ba? Nakangising tanong ni Cristy.

“Hindi nangungutang.”

Napangiwi ako sa kasinungalingan ko. Mukhang naniwala naman si Cristy at hindi na nangulit.

Mabilis namin natapos ang pag re research namin at napa print din namin kaagad dahil meron din printer sila Lawrence kaya hindi na ako ginabi pa ng uwi.

Pag dating ko sa bahay walang Zion akong naabutan na ipinagtaka ko naman ng makapasok na ako sa kwarto ko agad kong binuksan ang nakapatay na cellphone ko. May 40 messages na at lahat ng ‘yun ay kay Zion nanggalin kaya binasa ko ito isa isa iyong iba puro tanong kung bakit hindi ko sinasagot ang phone ko at ang iba naman ay kung umuwi na ako. Pero nanlaki ang mata ko sa ibang text niya at biglang kinabahan.

Girlfriend wag ka ng sumama sa classm8 mo susunduin na kita papunta na ako w8 mo ako ha.

Girlfriend where are you? I’m here na. Reply kana man.

Hindi aq uuwi pag di ka sumama sa akin.

“Shit! Nasaan na ang lalakeng ‘yun?

Bigla tuloy akong kinabahan at nag alala para kay Zion.

Agad akong lumabas at tinawagan si Zion. Tumunog ito at agad din naman sinagot.

“Zin asan ka?

“Pauwi na. Ikaw nasaan ka ba ha? Bakit ngayon ka lang tumawag? Galit na tugon nito.

“Di’ba sabi ko sayo-

“Bullshit Ezella! Alam mo bang nag antay ako sayo sa school mo ha?

“Bakit mo kasi ginawa ‘yun? Di’ba sabi ko sayo pupunta ako kila Lawrence para mag research.”

“So pumunta ka talaga? Di’ba sabi ko wag ka ng pumunta?

“Zin naman eh. Hindi ako pumunta do’n para makipag landian bakit ba ‘di mo maintindihan yun?

“Shit Ezella hindi ba pwedeng sundin mo nalang ako?

“Pero bakit ka ba kasi nag kakaganyan hindi naman dapat-

“Shit! Because I don’t want to lose you Ezella! I love you at ayokong mawala ka gaya ng mama ko gaya ng mga taong minahal ko kaya ganito nalang kita protektahan!

Natulala naman ako sa pinagtapat na iyon ni Zion parang nawala lahat ng inis ko at nakadama ng awa kay Zion. Oo nga pala nawala pala ang mama  niya.

“Malapit na ako. I want to talk to you.” Narinig kong sabi nito saka pinatay ang cellphone niya.

Nag antay nalang ako sa labas inantay ang pag dating ni Zion. Hindi din naman nagtagal dumating ito.

Pagdating nito niyakap ko kaagad ito.

“Wag kana magalit. Wala naman akong ginawang masama eh.”

                                                                       *******
Natunaw lahat ng pag aalala, selos at inis ko kay Ezella ng malambing niya akong yakapin.

“Wag kana magalit. Wala naman akong ginawang masama  eh.”

Humiwalay ito sa pag kakayakap.

“Uy!

“Hindi na ako galit pero sana naman Zella-

“Wala nga akong ginawang masama doon. Sabi ko sayo tiwala lang eh.”

Bumuntunghininga ako at hinaplos ang mukha nito.

“I’m sorry. Natatakot lang talaga ako na baka mawala ka eh.”

“Bakit naman ako mawawala? Mahal kita kaya hindi kita iiwan.”

“Sabi din noon ni mama mahal niya ako. Pero iniwan niya ako at wala man lang akong nagawa.” Mapait akong ngumiti. “Hindi ko nagawang protektahan si mama sa papa ko sa tuwing sinasaktan siya ni papa kaya ayokong maulit ‘yun Zella ayokong mawala ka din sa akin.”

Nakadama ako ng matinding lungkot naalala ko na naman si mama at kung gaano kasakit ng mawala ito sa buhay ko.

“Pangako hindi ako mawawala sayo Zion. Hinding hindi kita iiwan mahal kita eh.”

Niyakap niya ako ng mahigpit, gumanti naman ako ng yakap.

“I love you Ezella.” Hinalikan niya ako sa buhok.

“I love you too.”

“Sorry kung nagiging mahigpit ako sayo ha. Promise pipigilan ko sarili ko na higpitan ka.”

“Tiwala lang kasi Zin hindi naman ako mawawala sayo eh. Pero sorry din kasi nag antay ka pa sa school dahil sa akin.”

“Nag alala kasi ako eh. Tapos hindi pa kita ma contact.”

“Pinatay ko kasi phone ko eh. Nainis kasi ako sayo kanina.”

“Kaya pala. Pinag alala mo ako alam mo ba yun?

“Sorry na.”

“Apology accepted. But don’t do that again ha.”

“Oo promise.” Nakangiting tugon ni Ezella.

Napatitig ako sa mukha nito na ang tingin ko ito ang pinakamagandang babae na nakilala ko sa balat ng lupa. Ang mata nito na laging may masayang anyo at ang mga labi nito na may mga ngiti para sa akin. Parang ang sarap halikan at nahihipnotismo ako dito.

“Zin? Kuha ng pansin sa akin ni Ezella.

“Can I kiss you? Tanong ko dito nakita ko pag kagulat sa mukha nito. “I’m sorry. Nagulat ba kita? If you don’t want-

“Sige.”

Nagulat akong napatingin dito. Seryoso ito.

“Boyfriend naman kita eh at isa pa tatlong buwan na tayo siguro ayos naman na mag kiss tayo. Kaso Zin hindi kasi ako marunong humalik eh at-

Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin dahil hinalikan ko na ito kaagad. Nakita ko ang pang lalaki ng mata nito pero maya maya ay pumikit  na ito kaya napapikit na din ako.

I like the sweetest taste of her lips. Hindi siya gumaganti but I understand her because I know she’s innocent and I’m lucky to be her first kiss.

Nang mag hiwalay ang mga labi namin niyakap ko muli siya.

“Gano’n pala ang feeling pag nakikipag kiss.” Halos pabulong na sabi nito.

“Natakot ba kita?

“Hindi. Nagulat lang ako at masarap pala talaga.”

Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya.

“Ako lang dapat gagawa sayo no’n ha?

“Oo naman. Bakit gusto mo ba sa iba ko gawin iyon?

“Subukan mo!

Ngumisi naman ito kaya nagsalubong na kilay ko.

“Ang pogi talaga ng boyfriend ko. Kinurot pa nito ang pisngi ko. “Mahal na mahal kita.”

“I love you too.” Hinalikan ko ito ng mabilis sa labi.

“Sa loob na tayo. Sabay na tayo kumain.” Yaya nito sa akin at hinila na ako papasok.

Mahigpit na hawak ko ang kamay ni Ezella papasok sa bahay nila. Ang sarap ng feeling na hawak ko ang kamay niya at dama ko ang pag mamahal nito sa akin. Si Ezella lang ang nag padama sa akin nito ang maging panatag at kontento sa piling niya at mahal na mahal ko ang babaeng ito.

A/N

Zion and Ezella first torrid kiss hehe 🙂 

–Happy Reading repa–

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply