The Tricksters • Season 1: Prologue

0

LYNUX

“S-SINO KA ba?” nangangambang tanong ng babae. Nakasuot siya ng puting damit at itim na pantalon, sira na rin ang sapatos niya dulot ng walang  tigil at ilang minutong pagtakbo. “B-Bakit mo ako sinusundan?!”

Sa halip na sagutin, unti-unti lang na naglakad ang taong naka-itim papalapit sa kanya. Naka-hood ito kaya naman hindi matanaw ng babae ang kanyang mukha. Mayroon itong nakakatakot na presensya, nakakapanindig ng balahibo ang mga walang buhay nitong titig.

Tinamaan ng liwanag ng poste ang mukha ng taong kaharap niya kaya naaninag niya ang suot nitong itim na mask. Naglakas-loob ang babae na itulak ang naka-itim, hindi naman siya nabigo at napaatras ito.

‘Yon na ang naging go signal niya at nagsimula na muling tumakbo. Wala na siyang pakialam kung walang suot ang madudumi at puno ng gasgas niyang mga paa. Ang mahalaga sa kanya ay makatakas mula sa taong may binabalak na masama sa kanya.

Takbo rito, takbo roon. Parang walang katapusan ang kanyang pagkaripas. Tila walang ibang nilalang siya na nakakasalubong. Pakiramdam niya’y wala nang ibang maaari pang tumulong sa kanya maliban sa kanyang sarili.

“Tulong!” sigaw niya, umaasa na mayroong makakarinig sa kanyang pagmamakaawa.

Ngunit wala. Walang dumating para siya’y iligtas. Ipinagpatuloy na lang niya ang pagtakbo papasok sa madilim na pasilyo. Hindi na niya iniinda ang sakit sa tuwing mapapatapak ang sugatan niyang paa sa matitilos na bagay sa lupang kanyang tinatahak.

“PARANG AWA N’YO NA! TULUNGAN N’YO AKO!” naiiyak niyang palahaw.

Parang ibang lugar na sa kanya ang kinalalagyan niya ngayon. Para bang hindi na siya pamilyar sa  bayan na kanyang kinalalagyan. Siguro’y dahil sa kaba, hindi na siya makaisip nang ayos.

Triple ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Takot ang tanging bumabalot sa puso’t isipan niya. Hindi na niya magawa pang huminahon pa. Tuloy lang siya sa pagtakbo. Pilit na tumatakas sa taong kaniyang kinatatakutan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, napatid siya sa isang bato at natumba sa sahig. Nagdugo ang sugat-sugat niyang tuhod dahil doon.

Hindi niya magawa pang tumayo. Nawalan na ng lakas ang kanyang mga binti. Namamanhid na ang mga ito at ayaw nang makipagtulungan sa kanya. Tila ba sumuko na at pumanig sa kalaban.

Lalong bumilis ang pagtibok ng kanyang puso nang marinig ang mga hakbang ng taong humahabol sa kanya. Bawat segundo ay lumalakas ito, papalapit nang papalapit sa kanyang kinalalagyan.

Nais man niyang tumayo, ngunit hindi na niya magawa. Na-estatwa na siya sa kanyang kinalagpakan. Hinanda na ang sarili sa mga maaaring mangyari.

“Stop running,” nanindig ang kanyang mga balahibo sa narinig. Alam niyang ito na ang katapusan. Nahuli na siya ng kalaban. “Pahihirapan mo lang ang sarili mo.”

“Ano bang kailangan mo sa ‘kin?” naiiyak niyang tanong. Desperado na siya at handa nang ibigay ang lahat makatakas lamang. “Pera ba? Maaari kitang bigyan!”

“Pasensya na, pero hindi pera ang habol ko sa ‘yo.” tugon nito.

“P-Pwes, ano?!”

Tila natawa ang nilalang sa kanyang tanong, “Ang buhay mo.”

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Tama nga ang kanyang kutob. Binabalak nga siyang patayin ng taong iyon. Pero ang tanong niya ngayon ay bakit. Bakit nito nais na siya’y mawala?

“Parang awa mo na, huwag mo ‘kong patayin! Ibibigay ko kung anong gusto mo! Kahit ano!”

“Ngunit buhay mo lang ang tangi kong nais. Kailangan ko nang sunduin ang kaluluwa mo.”

BANG!

Matapos iyon ay iniwan ng lalaking naka-itim ang isang papel malapit sa kinalalagyan ng biktima.

MYRA MYRANDA
June, 03, 2017
10:00 PM

“Her soul has been taken.”

###

Tags:

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply