1

CONTINUATION

 

“Marami na silang napatay na taong mahal namin at alam mo ang pinakamasama dun? Ipinapadala pa nila dito ang katawan at ipinapakita saming lahat. Kaya wala ng nagtatangka pang magsumbong.” Napaupo ako sa sahig at napayakap sa aking tuhod.

 

 

 

 

Ang lugar nato! Impyerno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nakabihis na ako pati sila Alice at krystal. Sabay sabay na kaming papasok. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi nila. Pero yung mga nakita ko kagabi? Sapat na yun para paniwalaan ko sila. Nakita ko mismo kung paano nawalan ng buhay ang lalaking yun. Sa harapan ko siya binawian ng buhay. At wala akong nagawa para sa kanya.

 

 

 

“Megan are you okay?.” Nag alalang tanong ni krystal sakin.

 

 

 

“O-oo.”

 

 

 

 

Nakapasok na kami sa room at ganun pa din ang awra sa loob. Mas lalo lang nakakakilabot ngayon dahil alam ko na kung anong klaseng tao ang mga kasama ko.

 

 

 

Pasaway at sakit ako sa ulo ni daddy aminado ako doon. Lagi akong nakkick out dahil sa kalokohan ko. Lagi akong napapasama sa gulo at nananakit pa mapababae o lalaki man yan.

 

 

 

 

P-pero?

 

 

 

 

Pero itong lugar nato? Itong mga tao dito? Hindi ko na alam. Kung halimaw na tawag sa akin dun samin mas halimaw at demonyo ang mga kasama ko sa lugar na to.

 

 

 

 

 

 

Hindi dapat basta basta kinukuha ang buhay. Hiniram lang natin to sa kaniya at siya lang ang may kakayahan na bumawi nito. Pero sila? Demonyo sila! Mga walang awa! Kakarmahin din sila.

 

 

 

 

“Uy kambal! Hi megan?.” Napatingin ako sa kakarating lang.

 

 

 

“Hi.” wala kong gana na sagot. Napanguso naman ito at tsaka padabog na umupo. Gusto kong matawa sa itsura niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

 

 

 

“Megan!.” Nagsalubong ang kilay ko dahil sa lalaking nasa likuran ko! Si bryle. Damn this guy!.

 

 

 

Pinanlakihan ko siya ng mata pero hindi ito nasindak. Tinawanan lang ako nito na siyang ikinainis ko.

 

 

 

Paano niya nagagawang tumawa? Anong sikreto niya? Gusto kong isipin na normal ang napasukan kong eskwelahan. Gusto kong mamuhay ng normal na estudyante. Pero hindi ko magawa. Nag eecho sa utak ko ang mga sinabi nila kagabi.

 

 

 

 

Napadpad ang tingin ko kay? Hhmm ano nga pangalan nito? Grey? Oo tama. Napaka seryoso pa rin nito. Hindi ko pa ata siya nakakausap simula kahapon. Mukha kasing isnabero eh. Nakakahiya naman iapproach. Sabihan pa ako feeling close ako.

 

 

 

“Matunaw megan!.” Nanlaki ang mata ko sa kahihiyan. Nakatitig pala ako sa kaniya at nakita nila yun. Kaya tinignan nila ako at tinapunan ng mapanuksong tingin. Napabuntong hininga na lang ako sa kawalan at inirapan sila.

 

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply