1

Megan’s POV

 

 

 

Malalim na buntong hininga ang binitawan ko ng sinabi ng driver ko na malapit na kami sa school na lilipatan ko. Naiinis pa rin ako sa daddy ko dahil pinatapon nila ako sa lugar na malayo. Malayo sa kaibigan ko.

 

 

 

Ginawa ko naman lahat para di ma kick out sa school eh. Kaso yung mga tao sa school ang problema at wala sa akin. Tinitignan niya ako ng masama noong oras na yun kaya di ako nakapagpigil at sinuntok ko si coreen. Dumugo ka agad ang kaniyang ilong at nahimatay. Ang arte niya! mahina lang naman ang suntok na yun! Dahil dun pinalipat muli ako ni daddy. Pang ilang beses ko na ba na kick out? Hindi ko na mabilang.

 

 

 

Pinag bigyan ako ni daddy ng isa pang pagkakataon. Kapag daw nakick out pa ako ay ipapadala niya ako kay mommy. At ayoko sa kanya! Ayoko manirahan sa France kasama siya. I hate her! Bata pa lang kami ni ate nun ng iwan niya kami at sumama siya sa ibang lalaki. Naiinis ako kapag naalala ko ang mukha at pangalan niya!

 

 

 

Simula nong iniwan niya kami lagi na akong napapaaway. Laging nasasangkot sa pambbully at nangunguna sa kalokohan pagdating sa school.

 

 

 

“Andito na po tayo Ms. Megan.” Huminto ang engine ng sasakyan at sa tapat nito ay ang napakataas na gate. Napatingin ako sa gilid kung saan kami huminto.

 

 

 

 

 

 

 

Kakahuyan?

 

 

 

 

 

 

 

Seriously? Dito ako mag aaral? Alam kong hindi kilala ang eskwelahan na ito at tago. Pero, hindi ko akalain na ganito kalala ang madadatnan ko. Napakatahimik at nakakatakot.

 

 

 

 

 

Tinawagan ko agad si daddy.

 

 

 

 

 

 

 

“Dad? Ayoko dito! Uuwi na ako!” Inis kong sabi.

 

 

 

 

 

 

 

“Kapag hindi ka pumasok dyan ay ipapadala kita sa mommy mo!” Nainis ako sa sinabi ni daddy.

 

 

 

 

 

“Sa ibang school na lang dad, siguro naman ay may tatanggap sa akin lalo na’t malakas ang apilyedo natin.” sagot ko.

 

 

 

 

 

“Kinausap ko na halos lahat ng eskwelahan na natitira ngunit ayaw ka nilang tanggapin dahil sa kagaspangan ng ugali mo! At yang school lamang na yan ang tumanggap sayo! At balita ko magaling silang humandle ng isang estudyante.” So, wala ng tumatanggap sakin maliban sa school nato? I sigh. Mukhang wala na akong magagawa.

 

 

 

 

 

“Nakakatakot dito dad.” sabi ko at tumingin sa paligid. Natawa siya kaya nainis ako.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“May kinatatakutan pa pala ang aking anak? Well, alam kong mababago nila ang ugali mo anak. Sana sa paglabas mo ay matured kana. I love you.” Magsasalita pa sana ako ng ibinaba niya ang telepono.

 

 

 

 

 

I sigh in stress.

 

 

 

 

 

Tinulungan ako ng driver ko na ibaba ang mga gamit ko. Sumalubong naman ang isang lalaki samin. Nakangisi ito na nakapagpatindig ng balahibo ko. What’s with that smile?.

 

 

 

 

 

“Sumunod kayo sakin.” Sabi nito at tumalikod na. Sumunod kami ng walang tanong tanong. Ayoko din magtanong sa kanya. Napaka misteryoso niya.

 

 

 

 

 

Napatingin ako sa nakaukit sa napakalaking gate.

 

 

 

Graven University.

 

 

 

Bakit naman kaya Graven ang ipinangalan nila sa ekswelahan na ito? Napakarami naman na magaganda ngunit ito ang kanilang napili. Sa pagkakaalam ko ay ang Grave means Death. At nasa loob nito ay mga taong patay na. Napaka creepy kahit ang pangalan ng school. Ano naman kaya ang naghihintay sa akin sa loob ng nagtataasang bakod na ito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Habang naglalakad ay mapapansin ang mga estudyanteng nagbubulungan noong makita ako. Napatingin ako sa kanila at kinunotan sila ng noo.

 

 

 

 

 

 

 

Sa di kalayuan ay may napansin akong lalaki na nakatitig sa akin. Nakangisi. Isang nakakalibot na ngisi na nakapag patindig ng aking balahibo. What’s wrong with this people? Bat ba ang hilig nilang ngumisi? Hindi ko na lang sila pinansin at sumunod na lamang sa lalaki.

 

 

 

 

 

 

 

Huminto ito sa isang pintuan. Isang itim na pinto. Talagang itim ah? Siguro pangit ang principal dito. Natawa ako sa bigla kong naisip. Panigurado hindi nila ako matatagalan, papa alisin din nila ako kagaya ng mga eskwelahan na pinaggalingan ko. Napangiti akong muli. Napawi ang ngiti ko ng buksan ng lalaki ang pintuan at bumungad sakin ang isang napakagandang babae.

 

 

 

 

 

 

 

Napanganga ako. Seryoso? Siya ang principal dito?

 

 

 

 

 

 

 

“Maupo ka ija.” Utos nito. Umupo ako at seryoso siyang tinitignan. Siguro nasa 20’s palang ito. Pero masyado pa siyang bata pa para maging principal ng isang eskwelahan. Narinig kong umalis na ang lalaki kasama ng driver ko. Ni hindi man lang nagpaalam sakin ang isang yun. Mamaya kakausapin ko si daddy about sa attitude nun!

 

 

 

 

 

 

 

“Kamusta naman ang byahe mo? Ms. Lee?” Nakangiti nitong tanong. Ang ganda niya pero bakit ganun? Parang may kakaiba sa ngiting yun? Napaparanoid ba ako?.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ayos lang.” maikli kong sagot. Natawa ito na ikinapagtaka ko. “Talaga palang wala kang galang.” Natawa ito muli pero sarcastic. Napairap na lang ako. Ang ganda na sana kaso mukhang baliw.

 

 

 

 

 

 

 

“Anyways, alam mo naman na siguro kung bakit ka nandito?” Tinignan ko lang siya sa mata. “Pagbalik mo sa inyo ay magbabago kana.” Sigurado nitong sambit. “Talaga lang ha?” Natawa ako na para bang hindi naniniwala.

 

 

 

 

 

 

 

“Maraming pagbabago ang mangyayari sayo sa loob ng paaralang ito Ms. Lee. Ang eskwelahan na ito ang magtuturo sayo ng lahat.” kumunot ang noo ko. Ngunit nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.

 

 

 

 

 

 

 

“Hindi kami basta basta nagpapasok ng tao sa lugar na ito. Dahil, mapilit ang iyong ama ay tinanggap ka na namin. At isa pa, gusto namin ng matatapang na bata.” Tumawa na naman siya. Para siyang baliw dahil sa tawa niya pero nakakaramdam ako ng takot. Hindi ko maipaliwanag pero nakakatakot ang pagtawa niya.

 

 

 

 

 

 

 

“May mga rules kami dito at kailangan mo yung sundin kundi mapaparusahan ka. Dahil nakapasok kana dito, hindi kana pwedeng umalis basta basta.” Nagtaka ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Gusto kong malaman mo na bawal ang kahit anong gadgets sa paaralan na ito.” Napataas ako ng kilay. Tila sumasalungat sa sinabi niya. Hindi pwede!.

 

 

 

 

 

 

 

“Sa ayaw at gusto mo, kukunin namin ang gadgets mo.” Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Ayoko sana ibigay pero nakuha na niya ka agad. Paano? Ang bilis naman niya makuha.

 

 

 

 

 

 

 

“Bawal kang malate sa klase mo kung ayaw mong maparusahan.” Bawal malate? Tss.

 

 

 

 

 

 

 

“At sa paaralan na ito… Dapat mong tandaan na wala kang kaibigan dito, wala kang mapagkakatiwalaan sa lugar na ito, wala kang kakampi. Ang kakampi mo lang para mabuhay ay ang sarili mo.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nasa dorm na ako at nakatulala sa kisame. Yung huli niyang sinabi ang weird. Walang akong pagkakatiwalaan? Sarili ko lang ang kakampi ko para mabuhay? Pero bakit? Anong ibig niyang sabihin? Ganon ba talaga siya? Nakakakilabot.

 

 

 

 

 

 

 

Gusto ko pa sana magtanong kanina ngunit may tumawag sa kanya sa telepono. At ipinihatid niya ako sa lalaki kanina na nagsundo samin sa gate.

 

 

 

 

 

 

 

May kasama daw akong dalawang babae sa dorm na ito. At nasa room pa sila sa oras na to. Napatingin ako sa relo. 6 ‘clock. Pauwi na siguro sila.

 

 

 

 

 

 

 

Napatayo ako dahil sa katok. Pumunta akong pinto at pinag binuksan sila. Isang babaeng mahaba at straight ang buhok na chinita at napakaputi ang bumungad sakin. Ang isa naman ay mahaba din ang buhok ngunit may curl sa dulo nito. Maganda at mapungay ang mga mata at makikita mong mayayaman sila.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kumunot ang kanilang mga noo tila nagtatanong kung bakit ako nandito.

 

 

 

 

 

 

 

“Ako yung bagong salta sa paaralang ito.” yun lang sinabi ko at tinalikuran sila. Narinig ko ang pagsunod nila sakin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ah ikaw pala yun? Di ko akalain na makakadorm ka namin.” Medyo amuse na sabi nong may curl ang dulong buhok.

 

 

 

 

 

 

 

“Anong pangalan mo?” Tanong nong isa. Hinarap ko sila.

 

 

 

 

 

 

 

“Megan.” Ngumiti sila at naglahad ng kamay.

 

 

 

 

 

 

 

“Krystal.” inilahad nito ang kamay niya kaya tinanggap ko. Ngumiti siya at ganun din ako.

 

 

 

 

 

 

 

“Alice.” kagaya ng ginawa ni krystal nakipaglahad din siya ng kamay at ka agad ko itong tinanggap. Niyaya nila akong kumain at saktong gutom na ako.

 

 

 

 

 

 

 

“Bakit ka ba napunta sa eskwelahan na ito.” tanong sakin ni krystal habang kumakain kami.

 

 

 

 

 

 

 

“Sabihin na natin na napaka bait ko.” sabay ngisi ko. Mukhang alam nilang dalawa ang ibig kong sabihin.

 

 

 

 

 

 

 

“Mukhang pare pareho tayo ng dahilan.” sabay na sambit nilang dalawa kaya naman nagtawanan kami.

 

 

 

 

 

 

 

Mukhang makakasundo ko ang matitigas na ulo na kagaya nilang dalawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagkatapos naming kumain ay natulog na kami. Maaga pa daw ang pasok namin. At ang nakakatuwa ay kaklase ko pala sila. Mabuti na lang at may kakilala na ako ka agad.

 

 

 

 

 

 

 

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa bintana. Dahan dahan akong umupo at ginigising ang diwa ko. Napatingin ako sa mga kasama ko. Mahihimbing pa ang mga tulog.

 

 

 

 

 

 

 

Nagtimpla ako ng gatas. At naramdaman ko na nagising na din ang dalawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Goodmorning, megan.” bati nila.

 

 

 

 

 

“Goodmorning.” Bati ko. Nauna na akong maligo dahil ako naman ang naunang magising. Pagkatapos ko maligo ay nakita ko sa kama ang uniform na susuotin ko.

 

 

 

 

 

 

 

“Ipinadala yan dito kanina habang naliligo ka. Ang cute ng uniform natin hindi ba?.” Sabi ni Alice. Naligo na din siya.

 

 

 

 

 

Napatitig ako sa salamin at napatingin sa suot ko. Ang ganda nga. Maikli ang gray nitong palda. Mini skirt. Naka jacket ako? Jacket ba to? Kulay brown. Ang formal pero ang ganda. Kakaiba ang uniform nila dito. Hindi din mainit sa katawan.

 

 

 

 

 

 

 

Mukha namang bagay sakin. Ang sexy ko kaya. Napangiti tuloy ako. Nakapag ayos na ako at tapos na rin silang dalawa.

 

 

 

 

 

 

 

“Ready ka naba sa bago mong mundo megan?.” Tanong sakin ni krystal. Napatango ako. Ayoko dun sa France. Ayoko kay mommy. Kaya ko ito. Alam kong makakaya ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nasa hallway na kaming tatlo at kagaya kahapon pinagtitinginan kami na siyang ikinailang ko. Bakit ba ganyan sila makatingin? They act weird.

 

 

 

 

 

 

 

Para bang kilala na nila ako dati pa. Pero ngayon lang ako nakarating dito.

 

 

 

 

 

 

 

“Bakit ba ganyan sila makatingin?.” Tanong ko kay Alice.

 

 

 

 

 

 

 

“Ganyan lang talaga sila kapag may bagong dating dito. Minsan lang kasi ang transferee sa eskwelahan nato.” Mukha nga. Para bang minsan lang sila makakita ng bagong mukha. Pero nakakatakot sila.

 

 

 

 

 

 

 

“Nandito na tayo.” rinig kong sabi ni krystal ng mapahinto siya.

 

 

 

 

 

 

 

Pumasok siya kaya naman sumunod na ako. Pagpasok namin ay ka agad kaming pinagtitinginan. And whats that again? Naiinis na talaga ako sa kanila. Pero kailangan kong kumalma. Napabuntong hininga na lang ako.

 

 

 

 

 

 

 

“Okay lang ba sayo na dito tayo maupo megan?” Tanong sakin ni krystal. Tumango ako. Nasa pangatlong row kami at malapit ito sa bintana. Nakakulob ang kwarto dahil aircon. Ang lamig pero buti na lang naka coat kami.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halos mapuno na ang classroom dahil sa estudyante. At dumating na ang teacher namin. Napatingin siya sakin. Kakaibang tingin.

 

 

 

 

 

“May bago pala kayong classmate, Ms. Maari ka bang tumayo para ipakilala ang iyong sarili.” hindi na siya nakatingin sa akin pero alam kong ako yung tinutukoy niya. Malakas na buntong hininga ang binitawan ko bago tumayo.

 

 

 

 

 

 

 

Ngayon, nasa akin na lahat ng attention nila. I hate it. Nakakailang. Kahit di ko sila tignan nakikitang kong ang sama ng tingin ng iba, yung iba naman nakangisi, yung iba walang pakialam at yung iba natatakot para sakin. Nakapagtataka.

 

 

 

 

 

 

 

“Ako nga pala si Megan Angelic Lee, thank you!.” Yun lang sinabi ko at umupo na. Ayoko magtagal sa unahan dahil sa mga tingin nila. Ang wweird talaga ng mga tao dito buti na lang iba itong mga kasama ko.

 

 

 

 

 

 

 

“Oh my God! Nandyan na sila.” rinig kong bigkas ng isa naming kaklase.

 

 

 

 

 

 

 

“Andito na nga sila. Umayos na kayo!.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Ang gwapo talaga ni Grey!.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Halos lahat ng kaklase namin nagreact sa pagdating ng tatlong lalaki. May kinikilig, kinakabahan, at natatakot. Anong meron? Napatingin ako sa dalawa kong kasama. Wala silang reaction sa paparating.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pagtingin ko sa pintuan ay saktong pagdating ng tatlong lalaki. Agad itong napatingin sa direksyon kong nasaan kami nila c

 

Alice. T-teka? Dito ata sila pupunta.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Hi kambal?” Napatingin ako sa lalaking bumati kay krystal. Magkahawig nga sila. Hindi binati ni krystal at sinimangutan lang ito.

 

 

 

 

 

“Hi Alicia!.” Binati naman si Alice ng isa pang lalaki. Pero kagaya ni krystal hindi niya din ito binati. Napatingin ako sa huling lalaking dumating. Naka poker face at nakalagay ang magkabila nitong kamay sa bulsa. Naglalakad ito na parang walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kaniya at prenteng umupo sa likuran kung nasaan kami.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

May kakaiba sa kaniya. Nakakatakot ang awra niya. Ganito din ang naramdaman ko kay Ms. Fuentes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Nagulat ako ng tumingin ito sakin. Agad akong napaiwas at tumingin sa harapan. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang lakas ng tibok nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Bakit ganun? Parang may kakaiba sa kaniya? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ANONG MERON SA LALAKING YUN?

 

 

 

Tags:

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply