Barking At The Wrong Tree; The Mask of Sanity

Deal Score+3

Barking up the wrong tree; The mask of sanity.

Written by: Camille Giron

Blurb:
Tila mainit na likido ang paulit ulit na pinakawalan ni Hannah mula sa kaniyang mga mata habang inaalala lahat ng kaganapan kung bakit at paano sila napunta sa kinaroroonan niya ngayon. Isang planong selebrasyon ang nakahanda sana para sa kasal ng dalawa niyang kaibigan, nang mapadpad sila sa isang liblib na kagubatan kung saan unti unti silang nababawasan, at ang duda niya ay isa lamang sa kanila ang kadahilanan ng unti unting pagkaubos ng kanilang bilang. Ang nais niya na lamang ay makaligtas upang mabalikan ang buhay na naiwanan mula sa labas ng kagubatan, ngunit hindi niya alam kung paano iiwasan ang tinuturing niyang demonyong palihim na umuubos sa kanila dahil hindi pa niya kilala kung sino nga ba ang dapat kahulan ng sisi…

0.00

Categories: , Tags: , ,

Prologue;

Hinihingal na si Hannah sa sobrang pagod kakatakbo, pero hindi niya manlang magawa na magpahinga dahil alam niya na ano man oras ay maaabutan siya ng tinatakbuhan..
“Hannah! Asan ka?”
Agad siyang napasandal sa puno nang marinig niya ang malapit na boses nito.
Nanginginig ang katawan ni Hannah sa sobrang takot sa maaring mangyari sa kaniya sa kamay nito…
Pigil ang kaniyang hikbi upang hindi makagawa ng kahit ano’ng ingay.
Sa bawat hininga ni Hannah ay hindi niya mapigilan na umiyak sapagkat paulit ulit na bumabalik sa alaala niya lahat ng pangyayari…
Kung hindi sana siya nag tiwala, kung hindi sana siya umasa….
Hindi mangyayari ang mga bagay na ito…
Hindi sana mawawala ang lahat….
“Hannah! Nandito na ako.” May ala sa demonyo nitong sabi na dahilan ng mabilis na pag gapang ng kilabot sa buong katawan niya.
“Ahhhhhhh”

Additional information

Book Author

Format

Language

,

Mobile Ready

Reviews

0.0
0
0
0
0
0

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

There are no reviews yet.

No ratings have been submitted for this product yet.

Camille’s Shop