CHAPTER 1 (3AM)

0

3 AM

Mahinang hakbang ang ginawa ni Alvyn sa isang abandonadong bahay kung saan ay may humihingi ng tulong. Minabuti niyang tingnan ang paligid bago ito pumasok sa sirang gate. Madilim na rin at mukhang uulan dahil sa maitim na ulap. Tumayo ang mga balahibo nito ng dapyasin siya ng malamig na hangin. 

“Tulong! Tulungan niyo ako!” narinig na naman niya ang sigaw ng isang babae. Wala na siyang oras at dali-dali na siyang pumasok sa pintuan. Walang ni isa ang may ilaw doon at tanging kidlat lang nagpapaliwanag. 

Bigla ulit sumigaw ang babae at tumungo siya sa ibabaw kung saan ay doon niya naririnig. Mahina pa rin ang hakbang nito pamunta sa ikalawang palapag. Madaming lagusan ang mga kwarto kung kaya’t nalilito siya kung naka pasok na ba siya doon o wala pa. Isa-isa niya binuksan ang mga kwarto pero wala siyang nakikitang babae.  Hanggang sa huling kwarto ay binuksan niya ito. Sa pagkakaalam niya ay iyon ang master’s bedroom dahil laki at lawak ng kwarto. 

“Tulong” mahina na sabi ng babae at narinig niya iyon. “Asan ka?” mahina niya ring sabi sa babae. Pumasok na siya doon at pumunta sa walk in closet pero wala doon hanggang sa tumungo siya sa cr. Dahil sa kidlat ay nakita niya ang babaeng naka-yuko at naka-upo sa sahig habang nakatali ang kamay at paa nito. 

“Tulungan mo ako” pagmamakaawa ng babae. Mabilis siyang tumungo sa babae at kinuha ang mga tali nito. “Ano pangalan mo? Sino ang may gawa nito? Tatawag ako ng pulis” sambit niya dito habang inalalayan itong tumayo. Bigla siya nitong hinila palabas doon.

“H-hindi pwedeAnong o-oras na?” nagtaka ito sa tanong kung kaya’t kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng pantalon niya at tiningnan iyon. “2:45 ng umaga. Teka, si-” 

“Kailangan na nating umalis” Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Imbis na magtanong pa siya ay inalalayan niya ang babae para lumabas sila sa kwarto.“Bakit ka nandito? Kinidnap ka ba?” tanong niya sa babae na halatang bumibilis ang pagkalakad nito. Hindi siya makatakbo dahil sa sakit ng tali niya sa paa. 

“M-mamamatay tayo dito pagpatak ng alas tres ng umaga. Dali.an na natin” bigla siyang kinabahan sa sinabi nito. Magtatanong pa sana siya ng may narinig silang sasakyan na naging doble ang pagka-kaba niya.“May ibang lagusan pa ba d-dito?” kung may ilaw lang siguru siguradong putlang-putla na ang kanyang mukha dahil sa nangyayari. 

Mawawala na sana ang kaba niya ng makita ang isang pintuan na kung saan ay doon sila lalabas. Pero naka-lock yung pintuan. Itinulak niya iyon ng malakas pero parang may nakaharang sa labas nito. Mamatay na ba sila? Bakit nangyari sa kanya ito?

“Patawarin mo a-ako” hikbi na sabi ng babae. Hindi niya naman kasalanan. “Ano nga pala pangalan mo?” hindi niya rin alam kung makakalabas pa sila. Kaya minabuti niya munang patahanin at tanungin pangalan nito. 

“Rieyne. Ikaw?” mahinang sabi nito. “Alvyn. Pwede mo bang sabihin kung bakit ka nandito? Kung sino ang gumawa nito sayo?” hindi ito sumagot. Maya-maya pa ay may narinig silang yapak ng paa. Andito na siya sa bahay. Ano gagawin nila?

“Sasabihin ko sayo kapag nakaalis na tayo dito” hinila na naman kaagad siya nito. Doon sana sila sa kusina lalabas kaso nga sirado. Nagtaka siya kung bakit babalik sila sa ikalawang palapag. Hindi magawang magtanong baka marinig sila. 

Lalo nilang binilisan ang paglakad at tumungo sila sa isang kwarto na hindi pa niya napuntahan.  Dahil sa dilim kanina baka hindi niya nakita na may kwarto pa pala na nakatago doon. 

“Anong oras na?” Chineck nito ang cellphone. “2:58” sambit ko. Malapit na pala. Ano gagawin namin? 

“Hintayin mo ako dito” sabi ng babae at naghintay siya sa labas ng kwarto. 

“Rieyne!” papalapit ang boses ng lalaki. Napatanto niya na iyon siguru ang killer sa bahay na ito. Kumatok siya sa pintuan pero walang nagsasalita.“Sino ka?” nabigla ito sa boses ng lalaki ng dahilan ng pagakaharap niya dito. Hindi niya ito masyado makita dahil sa dilim at lalo ng lumalakas ang ulan. 

“Huwag kang lalapit! Rieyne andito na siya!” pagsisigaw niya. Saktong kumidlat at nakita niya na nakatutok ang baril nito sa kanya. Mamatay na ba talaga siya? “Hindi mo alam ang pinasok mo!” sabi ng lalaki at narinig niyang bumukas ang pintuan sa likuran niya kung saan ay nandoon si Rieyne pero hindi siya lumingon. Hanggang sa tumunog ang orasan sa bahay. 3AM. Yun ba ang senyales? Mamatay na ba talaga siya? Hanggang isang putok ng baril ang narinig niya. 

“Huwag!”

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply