HtMO #1

0

Accept.

Oo accept. Kailangan mong tanggapin na wala nang pag asa ang pagmamahalan ninyo.

Tanggapin mo nang may mahal na siyang iba at hindi ikaw yun.

Tanggapin mo nang hindi ikaw ang priority niya.

Tanggapin mo na, na ang mga pangarap niyong binuo ay naglaho na.

Tanggapin mo na, na ang mga sinabi niyang pangako sayo ay hindi na niya matutupad.

Ang pagsabi niya ng “I love you” o “mahal kita” ay wala na.

At ang gasgas nang linyahan ng ex mo na “hindi kita iiwan” ay napako na.

Mahirap? Oo. Talagang mahirap. Wala namang madali eh. Pero kung gusto mo talagang makamove on, kakayanin mo.

Isa pa, wag mong madaliin. Ilabas mo lang yang kinikimkim mong sakit. Umiyak ka, sumigaw ka o kung ano pa mang gusto mong gawin. Wag ka lang magpakamatay syempre.

Kasi kapag hindi mo nailabas yang sakit na nasa dibdib mo, mahihirapan ka lalo.

Alam kong nahihirapan ka pang tanggapin ngayon ang nangyari sa inyo dahil sa mga ala alang binuo ninyong dalawa nang magkasama.

Pero pilitin mong isiksik sa utak mo na ang mga ala alang yun ay tapos na at mananatili nalang sa nakaraan mo.

Sana this time, isipin mo naman ang sarili mo at hindi yung taong nanakit sayo.

**

How To Move on #1 done! Enjoy mga ka-kenbro 😊

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply