HtMO #2

1

Don’t assume.

Wag kanang umasa na babalik pa siya sayo.

Tigilan mo na ang pagpapaniwala sa sarili mo na mahal ka pa niya kahit hindi naman na talaga.

Wag kanang kumapit kung wala kanang kakapitan.

At wag kanang umasang maaayos pa ang isang bagay na sira na.

Hindi porket uso maging tanga, makikigaya kana.

Gumising ka sa katotohanang wala nang kayo dahil putol na ang taling nagdudugtong sa inyo.

At kahit ano pang gawin mo, kung hindi talaga kayo ang para sa isa’t isa, paghihiwalayin pa rin kayo ni tadhana.

Malupit? Oo, sobrang lupit.

Kaya kapag tapos na ang love story ninyong dalawa, wag mo nang ipilit na dugtungan pa. Kung iba na ang gusto niyang makapiling sa susunod na kabanata.

Balang araw magkakaroon ka ulit ng panibagong istorya kung saan ikaw pa rin ang bida pero iba na ang iyong makakapareha.

At sa huling pagkakataon, inuulit ko, wag kanang umasa sa kanya dahil…

Pinagtagpo lang kayo pero hindi itinadhana.

**

How to Move on #2 done!

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply