HtMO #3

0

Open up with your friends and family.

Mahalagang magkwento ka sa mga kaibigan o pamilya mo. Wag mong sarilihin yan kung ayaw mong ma-depress.

Hindi ka hero para kayanin lahat ng bigat na pinapasan mo.

Tanggapin mo sa sarili mo na kailangan mo rin ng tutulong at mag-aangat sayo.

Makinig ka sa iaadvice nila lalo na kapag magulang mo na ang nag sabi sayo.

Sobrang nakakagaan ng feeling.

Paganahin ang utak, wag palaging puso. Mas maganda kung sabay mong gagamitin yan. Pero kadalasan kasi kapag nagmamahal kana, puso nalang ang gumagana.

Makinig ka sa mga sasabihin nila sayo. Hindi yung mag aadvice sila pero papasok lang sa tenga mo at labas agad sa kabila. Wag ganon.

Isipin mo ring maigi kung ano yung makakabuti sayo.

Wag mo naman sanang ipagkait sa sarili mo ang pakikipag usap sa mga taong maaaring makatulong sayo.

**

How to move on #3 done!

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply