Hindi ko sya gusto pero miss ko sya

1

Hindi ko alam kung anong tawag sa ganitong feeling, kung kaweirduhan o ka-impokrituhan o dala ng katagalan ng pagiging single kaya nakalimutan ko na ang ibang feelings. Nakakakorta na nga ng utak eh. Basta, klaro ang lahat sa akin. Hindi ako kinikilig kapag nakikita ko sya, hindi slow motion na tulad ng mga eksena sa pelikula kapag nakakasalubong ko sya at higit sa lahat hindi bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kausap ko sya pero kapag lumipas ang isang araw na hindi nya ako tinatawagan nami-miss ko sya at kapag online sya sa messenger inaabangan ko na i-chat nya ako. Minsan nakakaramdam pa ko ng selos kapag may kausap o ka-chat syang iba. Ang weird talaga. Wala pa akong napagsasabihan baka kasi mawala din ang pagkamiss ko sa kanya kapag siguro tumagal, iyong tipong hindi ko na sya hahanapin kaso 2 months na nakalipas ganoon pa din. Hinahanap hanap ko pa din ang messages at inaabang abangan ko pa din ang tawag nya. at ang nakakalungkot sa lahat, nakakasanayan ko na. Sa ngayon, nagrequest ako sa kanya na kung pwede h’wag nya muna akong kausapin kahit 2 days lang. Nagdahilan na lang ako para walang masyadong drama, pang magkarelasyon lang naman kasi ang ganoong effect. Buti nalang pumayag sya. Sapat na ang 2 days para makapag-isip ako at kung anuman ang maisip ko sasabihin ko na lahat sa kanya para patas at malinis ang lahat. Tama naman di ba!?

1 Comment
  1. LuckyLazyDreamer Junior Pilot – Level 1
    Digital World Pioneer Member
    524.00
    March 17, 2018 at 7:20 pm

    Wala namang masama kung sasabihin mo sa kaniya `yang nararamdaman mo. 🙂 Pero mag-isip ka muna nang matagal at maayos, ha? At siguraduhin mong kaya mo pong tanggapin ang magiging consequences ng gagawin mong pag-confess.

Leave a reply