0

CHAPTER 2

 

MANILA

“Yra… hindi kaba pagod?  Kami nalang ditto sa kusina.” Si Sita ang isa sa mga kasambahay ng mga Mendoza sa bahay nito sa Manila.

“Okay lang po…” hindi nagpaawat si Yra. Gusto niyang timulong sa gawaing bahay.

“ O sige, ikaw ang bahala.Maiwan na muna kita dito ha titingnan ko lang yung grilled chicken sa labas”

“Okay po.” pinagpatuloy ni Yra ang pagluluto ng adobo.

“ANG BANGO!!!”

Gulat na gulat si Yra nang bigla nalang may sumigaw sa kanyang likuran. Nang nilingon nya ito ay– “Sir Clark?” bulalas nya nang makita ang lalaki.

“Yes its me!” naka smile ito pero napanatili ang stiktong mukha. Lumapit si Clark kanya at inamoy ang niluluto nito.

“ Sir..hindi papo tapos e.”

“ Siguraduhin mong masarap yan!”

“ Okay po. Sana po magustuhan nyo.”

Nang pumasok muli si Sita sa kusina ay nakita nya si Clark.  “Sir Clark welcome back po!” bakas sa mukha ang kasiyahan ng may edad ng babae.

Ningitian naman ito ni Clark “Salamat Sita!”

“Sir magpahinga muna kayo,tatawagin lang namin kayo pag nakahanda na ang lahat.”

“ Okay lang tutulong ako sa inyo.”

Natigilan si Sita. Ito kasi ang unang beses na nag boluntaryo ang lalaki sa kanya.

“Ano ba maitutulong ko? “

“Naku! wag na okay lang po.” mariing tanggi ni Yra.

“Hindi Okay lang Yra.”  hindi papipigil na si Clark.

Nakatitig lang si Sita sa dalawa habang nag dedebati ito.

“Wag na kaya na naming to sir!” si Yra.

“ Hindi gusto kong matuto.Matagal na akong hindi nakakapagluto.”

“Naku… alam ko po pagod kayo.”

“Ang lapit lang ng byahe hindi ako napagod.”

“EHEEEMMMM” natanggal ng bara sa lalamunan si Sita. Nahinto naman ang dalawa sa pagdidiskusyon. “Mabuti pa Yra patulungin mo na si Sir.”

“Ha?!!!ah… okay..kayo bahala.”

“Maiwan ko namuna kayo dyan ha at may niluluto ako sa labas.”

“ Okay po…” Nakangiting sagot ni Clark kay Sita.

“ Seryoso ka sir?” hindi makapaniwala si Yra na kasama nyang magluluto si Clark.

“Mukha ba akong nag j- joke? Sige na wag kanang matanong tapusin na natin to.”

Kinuha ni Yra ang nakasalang na kaldero. “Tapos na ang adobo,ihahain ko na.”

“ Anong susunod nating lulutuin?”

“Ikaw po ang bahala sir.”

Napaisip tuloy si Clark sa sagot ni Yra. “Marunong kaba ng escabeche?”

Sumagot naman si Yra with confidence. “Opo.. sobrang easy.”

“Yun! lutuin natin!”

“Marunong ka?”

Napangiti si Clark.   “Nakalimutan ko na.. ikaw na magluto assistant mo nalang ako.”

Kinuha ni Yra lahat ng ingredients. “Oh ayan, linisan mo tapos tadtarin mo.”

“ Okay!  I knew this!” Wika ni Clark habang kinukuha ang kutsilyo.

Habang nagluluto ay nag ku-kwentuhan ang dalawa.

“ Yra lang ba talaga ang pangalan mo? ang tipid naman 3 letters.” Basag ni Clark sa sandaling namaditan na katahimikan.

“Hindi.Yra Yshida talaga pangalan ko.”

Sandaling napatingin si Clark kay Yra.  “Wow… iba unique ha..saan naman galing yang pangalan mo? parang Japanese.”

E-kwinento naman ni Yra ang pinagmulan ng pangalan nya at nalaman narin ni Clark ang tungkol sa kanyang nakaraan.

“Sorry kung natanong ko pa yung past mo.”  paumanhin nito.

“Okay lang… “

“ Isang malaking question mark pala sayo ang totoong pamilya mo.”

“Oo nga e’. Pero ngayon masaya na ako sa pamilya ko.” nakangiting sagot ni Yra.

Muling napatingin si Clark kay Yra. “ kitang kita nga na masaya ka.”

 

Sa gitna ng kanilang paghahanda ay bumaba sa kusina si Clare. Nabigla naman sya nang nakita si Clark.

“ Nababagot kasi ako don. Parehong busy si mommy at daddy, wala  ka pa kaya pumunta nalang din ako dito…Halikana kumain na tayo”

Sagot ni Clark sa tanong ng ni Clare kung bakit sya sumunod sa Manila.

 

Kinagabigan 9pm…

“Miss Clare may bisita po kayo.” balita ni Yra kay Clare na nooy nanonood ng TV.

Napalingon si Clare kay Yra.  “ Bisita? anong pangalan?”

“ Kruy daw po.”

Napangiti si Clare sa narinig. “ Talaga? Okay lalabas ako.”

“Kruy! Its good to see you !”  bati ni Clare sa kaibigan.

Nagyakapan ang dalawang magkaibigan.  “ I miss you so much!” bulong ni Kruy.

Si Kruy ay isa sa matalik na kaibigan ni Clare. Nagkakilala ang dalawa dahil narin sa mga mutual friends nila.

“Sorry kung gabi na ako bumisita ha..”

“ Okay lang.. timing kanga e.. wala akong ginagawa. Halika doon tayo.” Tukoy ni Clare  ang upuan malapit sa swimming pool.Naupo ang dalawa na magkatapat at pinagpatuloy ang pag-uusap.

“ Kung hindi ka na post sa social media account mo ay hindi ko malalaman na nandito ka pala sa Manila.”  si Kruy na inipalag ang kanyang cellphone sa mesa.

Napangiti si Clare sa narinig,  “At ikaw naman  akala ko nag lalakwatsa ka sa ibang bansa. To be honest kanina lang din ako dumating.”  pinunto ni Clare ang hilig ng kaibigan. Madalas kasi itong lumabas ng bansa at mag-isang naklalakwatsa.

“ Ikaw talaga. Hindi na ako katulad ng dati na lakwatsero . Nag matured na ako at naging responsible sa business namin.”

Gulat si Clare sa narinig mula sa kaibigan .  “ Wow! iba kana, so ikaw  na ang namamahala sa Apollo Group of Companies?”

Tumango si Kruy.  “ Yes.. si dad kasi pinasa na sakin.”

“So how was your family?”  seryoso ang tono ni Clare.

“Sila mommy ay daddy? my siblings? okay lang sila.”   mabilis na sagot ni Kruy.

Napalingo-lingo si Clare.   “ I mean your own family.”

Nagtaka si Kruy sa sagot ni Clare. “ Ha? Sinong may sabing may sariling pamilya na ako?”

“Yung post mo last two months yata yun? Sabi mo daddy kana!”

Tinawana  ni Kruy ang kaibigan. “Clare matalino ka pero… hello!!! April Fool’s Day ko yun pi- nost!”

Napanganga si Clare sa narinig.   “Ha?!!so that was just a prank??”

“Yes…!”

Bagsak ang balikat ni Clare nang malamang hindi pala iyon totoo.  “Kruy… 30 kana diba?”

“Binilang mo pa talaga?” angal nito.

Natawa si Clare.  “Kruy… anong petsa na yung edad mo! malalampas kana sa kalendaryo!”

“Yun nga e. Si mommy at daddy kung maka demand na magka apo na saakin parang ang dali!”

“Syempre naman no!.. ikaw lang kaya ang unico ijo nila.Teka kumusta naba kayo ni Fioana? Bakit di mo sya alukin ng kasal?”

“She’s married.” matabang na sagot ni Kruy.

Nanlaki naman ang mata ni Clare sa pagkabigla.  “To whom?”

Nagkibit balikat naman si Kruy.  “ Hindi mo kilala yung lalaki. While we are still in relationship ni Fiona, she cheated on me.”

“Hah?! Kailan lang kayo nag break?”

“ Matagal-tagal na 8 months ago.”

Naging malungkot si Clare para sa kaibigan.  “Ikaw ha! Hindi mo sinabi saakin. Haaayyyy… naku, so pano yan? Lalampas kana ba talaga nito ng calendar ha? bakit hindi ka naman nagka girlfriend ulit?!” may panenermon nitong sabi.

“Hindi na ako nagka girlfriend e. Wala akong nagustuhan pero may plano ako Clare.”

“ Ano naman yun?”

“Bibigyan ko sila mommy at daddy ng apo.”

Nagsalungat ang kilay ni Clare. “ Pano? e ni’ girlfriend wala ka!?”

“I am looking for a girl na maging part time mommy.Gagawin ko syang mommy ng anak ko.”

Bakas sa mukha ni Kruy ang pagiging seryoso.Samantala, hindi naman makapaniwala si Clare sa ideya ng kaibigan.

“Bubuntisin mo?!”  bulalas ni Clare.

“Yup…”

Nagbanta si Clare na ihampas kay Kruy ang hawak na cellphone. “Loko ka pala eh!!”

Natawa si Kruy.  “Makinig ka muna kasi…. hindi pa ako tapos!”

Kumalma naman si  Clare.  “Sigi ano ba kasi yan?”

” Are you familiar with in vitro fertilization?”  titg na titig si Kruy sa kaibigan habang nagsasalita.

” Oo… Ah.. so yun ang plano mo?”

“Exactly…”

“Sino ang tutulong sayong gawin yan? Saan ka kukuha ng egg cells?” sunod-sunod na tanong ni Clare.

” May kilala akong Doctor  sa US we can manage.”

Nakuha na ni Clare ang plano ni Kruy.  ” So yung hinahanap mong part time mommy magiging surrogate?!”

 

“Exactly.” si Kruy na tumango.

“Alam mo kruy ang complicated ng plano mo nakakabaliw!!Mabuti pa maghanap ka ng girlfriend tapos buntisin mo edi apos ang usapan. Hindi ka naman ma mo-moblema kasi kayang kaya mong panagutan ang babae.”

” Ang tanong mahal ko ba? I can’t perform sex without love Clare! Hindi ko kaya yun!” agad na angal nito.

“Edi mahalin mo!,pakasalan mo!”

“It’s not that easy my Clare.”

“Isang taon nalang 31 kana bahala ka friend.Tutungtong na talaga ang edad mo sa moment of truth!”  panuknukso ni Clare.

“Itutuloy ko ang plano ko.”  Buo na ang desisyon ni  Kruy.

Napakamot naman si Clare sa kanyang batok.  “Hayyy sya… sya… okay… so ang maitutulong ko maghanap ng surrogate?”

“Ang talino mo Clare.” si Kruy na mapangiti.

“Matagal ko ng alam. HUyyy! Napaka hirap naman ng pinapahanap mo. Napaka laking pabor yan ha, saan bang lupalop ako makakakita ng mommy for hire?”

Natawa si Kruy sa itsura ni Clare.

 

“Excuse me miss Clare, Sir…mag kape muna kayo”  alok ni Yra sa gitna ng usapan ng dalawa.

“Thanks Yra.”

“Thanks.”  Maikling tugon ni Kruy.

“Kung may kailangan po kayo nandoon lang ako sa loob.” si Yra na nakangiti.

“Yra..magpahinga kana..Okay na kami sa kape.” wika ni Clare.

“Okay po, salamat”

Tumalikod na si Yra at naglakas papasok sa mansion. Wala namang kamalay malay si Yra na nakatitig si Kruy sa kanya habang papasok sya sa loob.

 

“Huuuyy Kruy!”  ginising ni Clare si Kruy sa pagkakatitig niyo kay Yra na papalayo.

Napakurap naman ang lalaki.  ” O. bakit?”

” Natulala ka yata? mabango ba ang kape?”

“ha… ah oo.. hmmm so ano tutulungan mo ako?”  Ibinalik ni Kruy ang kanilang pinag-usapan.

“As long as I can.”

Matapos mag kape ay umuwi na si Kruy.

 

Kinabukasan ay nagising si Clare dahil sa isang tawag. Nakapikit pa syang inabot ang kanyan phone sa side table ng kanyang kama. Nang tiningnan nya ang screen at nakita nyang si Kruy pala iyon.

“ Hello Kruy!”  halata sa boses nitong kakagising lang.

“ Na distorbo ba kita?”  pag-aalala nito.

Napa-iling-iling si Clare na para bang kita sya ng kausap sabay sabing… “ Okay  lang. Anong sa sadya mo?”

“ Gusto kitang i-invite sa debut party ng pamangkin kong si Sharry.”

“ Kaylan?”

“ Mamaya  na. Please pumunta ka sa Carpio Hotel ng alas syete ng gabi.”

Nanatili si Clare sa ilalim ng kumot.  “ Okay. Pupunta ako pero, pwedi bang isama  ko si Yra? Yung nag serve satin ng coffee kagabi.”

“O, sure!”   May namumuong curiousness sa babae sa kaloob  looban  ni Kruy.

“ Okay, I’ll see you then.”

“ Okay. Bye.”

 

“Po??? parang hindi naman ako bagay don”

Reaksyon ni Yra nang sabihin ni Clare na isasama sya nito sa isang Debut party.

“Okay lang yun! Nandito naman ako, ako ang bahala sayo. Maghanda kana pupunta tayo sa Felizas Style.” Tukoy ni Clare ang isang sikat na Brand ng mga gowns, shoes, bags at iba pa na sikat sa bansa.

Makalipas ang ilang minuto ay nakapagpalit na si Yra ng damit. Nagulat naman si Clare sa sinuot ni Yra.

“Bakit po maam?”  tanong ni Yra sa babae nang natulala itong nakatitig sa kanya.

“Y—- Yra.. kailangan mo magpalit ng damit.”  mahinahong sabi ni Clare.

“O..okay.. magpapalit po ako.”

Tatalikod na sana si Yra nang tawagin sya ulit ni Clare.

“Yra.. No..no.. no.. Halika..”

Lumapit naman Si Yra sa kanya. ” Bakit po miss Clare?”

Inabot ni Clare ang isang pares na damit. ” Ito ang isuot mo. Tapos ito ang flat sandals.”

Flattered naman si Yra.   “Ma’am sayo po yan e. ”  tanggi ni Yra sa alok ni Clare.

 

Hinawaka naman ni Clare ang kamay ni Yra at nilahay ang mga damit sa kamay nito.  “Don’t worry sayo nayan, sigi na mag bihis kana at aalis na tayo. Mamimili pa tayo  ng isusuot natin sa party.”

Hindi naman nakapalag si Yra sa gusto ni Clare. Sinunod na lamang nya ang gusto nitong magpalit sya ng damit.

Nang naka baba si Yra at bakas sa mga mukha ni Clare ang ngiti.

“See? Bagay sayo Yra!”

Suot ni Yra ang OOTD na binili pa ni Clare. Napangiti naman si Yra. ” Salamat po dito miss Clare.”

” Your Welcome. Lets go!”

 

Felizas Style

” Hello Clare!”  Si Lhianne ang stylist ng Felizas Style.

Magkakilala na si Lhianne at Clare. Si Lhianne kasin ang takbuhan ni Clare kapag umaatend ito ng party sa Manila.

” Hi!!”

Nag beso-beso ang dalawa.

” Sino yang kasama mo?”  Tanong ni Lhianne dahil napansin nito si Yra.

” Lhianne she’s Yra kaibigan ko sya.” pagpapakilala nito.

” Hello” nakangiting binati ni Yra si Lhianne.

” Hi Yra! I’m Lhinne”

Nagkamayan ang dalawang bagong magkakilala.

” Lhianne tukungan mo akong bihisan si Yra.” Si Clare.

“Sure! Saan ang punta ninyo?”

“Dadalo kami sa isang deput party at sa Carpio Hotel ang Venue.”

” Ah… so from the name itself Carpio Hotel, Im sure bongga tong debut na ito.”

“Yes….”

” Maghahanap ako ng dress na babagay sa dadaluhan ninyong dalawa.”  assurance ni Lhianne.

Unang binihisan ni Lhianne si Clare. Napili nito ang kulay gold na dress na see through sa bewang at tube style. Abot ang dress hanggang talampakan ni Clare na may slit sa kanang bahagi nito na naging dahilan kaya expose ang kanyang legs

“Ang ganda mo Clare!”

Puri ni Lhianne.

Napangiti naman iyo at ibinalik ang papuri kay Lhianne.   “Sino paba ang magaling na stylist dito sa Felizas Style, walang iba kundi ikaw. ”

Matapos makapili ng pinal na isusuot at pumili naman si Lhianne ng damit para kay Yra.

” Yra.. halikana isukat mo to.” Tawag ni Lhianne.

Agad naman tumayo si Yra mula sa pagkakaupo nito sa sofa. Kinuha nya ang inabot na damit ni Lhianne at pumasok sa fitting room.

Habang sinusukat ni Yra ang damit ay nag kwentuhan naman si Clare at Lhianne tungkol sa kanilang buhay.

” Kaylan kalang nakauwi?” Tanong ni Lhianne.

” Mga dalawang buwan na yata mahigit. Pero bago palang ako umuwi dito sa Manila kasi San Victor ako nagpunta kaagad pagkagaling kong US.”

” Ah’ Iniwan mo boyfriend mo sa US?”

Napahagikhik si Clare.  ” Ano kaba wala akong boyfriend ngayon. Ikaw?”

” Dating palang kami”

Naputol naman ang pag uusap ng dalawaa nang lumabas na si Yra sa fitting room.

“Bagay ba?”  Tanong no Yra sa dalawang babaing nakatingin sa kanya.

Suot ni Yra ang Black and white na dress na hanggang sa kanyang talampakan ang taas.Spaghetti style ito na kita ang kanyang clevege, may slit din ang dress na aabot ng dalawang dangkal pataas mula sa kanyang tuhod.

“Gorgeous Yra….”  bulalas ni Clare nang makita si Yra.

“Ang ganda! Bagay na bagay sayo.. ”  dagdag ni Lhianne.

Napatitig si Clare sa legs ni Yra.  “Sinong hindi mapapatingin sa legs mo? with the hashtag long legged.”

“Plus the sexy body…..”

Nagkatinginan si Clare at Lhianne.

” The clevege..”

” And that black hells pairs it perfectly.”

Pag-iisa-isa pa ni Chare at Lhianne.

“Kulang nalang ng hair Style and kaunting make up..”  ani Clare.

Sumang-ayon naman si Lhinne.  “Exactly Clare.”

Nagsalita naman si Yra.  “Ang sexy talaga, ngayon lang ako makakasuot ng ganito.” wika nya habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Matapos magmili ng mga isusuot ay nagpa pedicure ang dalawa at saka nanuod ng sine.

Alas syete na ng gabi nang lumabas ng sinehan ang dalawa.

“Miss Clare enjoy na enjoy po ako sa mga ginawa natin.”

“Ako nga e.Enjoy ka palang kasama.”

Napa bungis-ngis si Yra.  “Thank you po ha ngayon ko lang po na experience to.”

 

Nagsalungat ang mga kitay ni Clare.  “Sus! ano kaba,okay lang yun.”

Umuwi na sa bahay ang dalawa,nag hire ng make up artist si Clare na pumunta sa bahay nila.

 

“Saan ang punta mo Clare?”  Tanong ni Clark habang nasa sala ang kambal. Kasalukuyan itong inaayusan.

“Dadalo ako ng debut party”  Sagot nita habang nakapikit dahil nilalagyang ng mascara sa pilik-mata ng nag-aayos sa kanyan.

“Sino kasama mo? Saan naman gaganapin ang party nayan?”

” Si Yra ang kasama ko. Sa Carpio Hotel ang Party. Inimbitahan ako ni Kruy.”

” Si Yra ang kasama mo?”

” Oo…”

“Miss Clare okay na po. Magpalit na po kayo ng damit.”  singit ng make-up artist.

“Miss clare tapos napo ako.” Wika ni Yra habang pababa ng hagdanan,suot nito ang kanyang dress at tapos na sa kanyang make up at hair style.

Hindi nakaiwas si Clark na hindi titigan ang dalaga.

 

Carpio Hotel

Alas syete na ng gabi nang nakarating ang dalawa sa Carpio Hotel kung saan gaganapin ang debut party na dadaluhan. Pagkapasok sa function hall ng hotel ay ikinalat ni Yra sa kanyang tingin sa paligid. Namangha sya sa nakita. Hindi pa sya nakakadalo ng ganoon ka sosyal ba party sa tanang buhay nya.

“Miss Clare ang sosyal naman po dito.”  bulong ni Yra sa Clare.

” Oo. First time mo bang makadalo ng ganitong party?”

 

Tumango naman si Yra.

” Wag kang mag-alala. Relax kalang tapos ngiti-ngiti,nandito naman ako kasama mo’ko palagi. Sumunod kalang saan ako magpunta.”

” Okay.”

” Yra, ngayon ay huwag mo akong tatawahing miss Clare ha. Clare lang…. Clare.”

” O—– okay,Clare”

“Good”  Si Clare na napangiti.

 

 

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply