0

CHAPTER 3

 

Nakangiti si Kruy na makita si Clare at Yra. Kasama ni Kruy si Stanley mutual friend nila ni Clare.

” Nandito na pala kayo.”  nakangiting sabi ni Kruy.

” Kakadating lang namin.” Response ni Clare habang nag beso-beso.

” Hi Clare!” si Stanley.

Bumakas ang saya sa mukha ni Clare nang makita ang isa pang kaibigan.  “Stanley!”

” I’m so glad to see you here!” nakipag beso-beso rin sa kaibigan.\

“Mee too…” response ni Clare kay Stanley.

Nilingon naman ni Clare ang kanyang kasama na nasa kanyang tabi.  ” Kruy,Stanley this is my friend,Yra.  Yra this is Liam Kruy and Stanley.”

Tulad ng sinabi ni Clare na ngiti-ngiti ay inaply naman kaagad ito ni Y\ra. Ningitian nya ang dalawang lalaking nasa kanyang harapan.

” Hello Kruy… Stanley”

Inalok ng dalawang lalaki ang kanilang mga palad  at nakipag-kamay kay Yra.

” Tara sa loob?” wika ni Stanley at alok  ang kanyang braso kay Clare.

Pormal naman na kumapit si Clare sabay sabing. ” Let’s go”

Nagsimula nang maglakad ang dalawa papasok sa loob.

” Let’s go..?”  Alok ni Kruy kay Yra ang kanyang braso.

Tinginan ni Yra si Clare. Nilingon naman sya nito at kinindatan. Napalunok si Yra pagkuway humawak sa braso ni Kruy.

” Okay.”  Pormal naman nyang sabi.

Nagtungo ang apat sa bakanteng four sitters table. Kaagad na inalok ng dalawang lalaki sina Clare at Yra ng upuan. At dahil matagal ring hindi nagkita si Clare at Stanley ay panay ang pag-uusap ng dalawa. Habang si Yra naman ay tahimik lang na kumakain.

” Nagustuhan mo ba ang pagkain?” basag ni Kruy sa katahimikang nagitan sa kanilang dalawa ni Yra.

” Oo naman po Sir Kruy. Ang sarap po” nakangiting sagot nito.

” Yra, kaibigan ka ng kaibigan ko kaya hindi kana iba sakin. Wag mo na akong tawaging Sir.”

Hindi naman makapaniwala si Yra sa sinabi ng lalaki. Katulad ni Clare ay mabait ito sa kanya.   ” S—sige Kruy”  Nag-aalangan sambit kito,samantala galak na naman ang naramdaman ni Kruy.

” Taga dito kaba sa Manila?” Si Kruy.

” Hindi taga San Victor ako,sinama lang ako dito ni Clare”

” Ah’ doon sa lugar kung nasan ang resort nila?”

” Oo. Doon ako nagtatrabaho pati narin ang mga magulang koy sa kanila nagtatrabaho.”

” Ah'”

Nang tinawag na ang 18 roses ng debutant ay  nag excuse muna si Kruy sa apat, siya kasi ang 2nd rose ng kanyang pamangkin.

“Clare”

Napalingon naman si Clare kay Yra. ” Bakit?”

” Excuse muna sa inyong dalawa ha, pupunta lang ako ng ladies room”

“Okay.”

Tumayo na si Yra saka naglakad papalayo sa mesa. Bagamat hindi alam saan ang ladies room ay nakuha naman nyang magtanong sa isang waiter.

Pagkapasok sa ladies room ay nakasabay nya ang mga bisita ng party. Hindi sya nagpahalatang manghang mangha sya sa mga ito dahil unang beses pa lamang nyang nakasalamuha ang mga mayayamang bisita.

Walang makapagsasabing katulong si Yra ni Clare nang gabing iyon. Kung tutuusin sa kanyang ayos ay natalbugan pa nya ang ibang babae sa party. Sa kanyang napakanipis na make up at nude na lipstick ay nananatili ang kanyang natural na ganda.

Matapos gumamit ng CR ay agad na lumabas si Yra. Inayos nya ng bahagya ang sarili sa harap ng salamin kasabay ang ibang babaing hindi kakilala. Nahalata pa nyang pinakuan sya ng tingin ng mga ito at hindi na lamang iyon pinansin.

 

Pagkabas pa ng ladies roon ay sya ring paglabas ni kruy sa  mens room na kapapat lang ng pintuan kung saan sya lumabas.

Nilapitan sya ni Kruy saka tinanong. “Pupunta kana sa table natin?”

” Oo, uh… tapos naba?” Tukoy ni Yra  ang pagsayaw ni Kruy sa pamangkin.

” Oo,sandali lang naman yun”

Napatango si Yra. “Ah,”

” Tara….?”   Muli ay alok ni Kruy ang kanyang braso kay Yra.

Tumugon naman si Yra sa alok nito.  ” Okay”

Sabay na naglakad ang dalawa patungo sa table. Malayo paman ay kita na ni Kruy na makakasalubong nila ang isang waiter na may dalang glasses of wine. Balak nyang kumuha ng dalawa sa mga ito kapag  nakalapit at aalukin si Yra ng isang baso.

Sa hindi inaasahang pagkakataon nang malapit na malapit na silang magsalubong ng waiter ay aksidenteng natapilok si Yra. Tinamaan ng bahagya  ang tray na dala dala ng waiter. Muntikan na syang mapa subsob, mabuti nalang at alerto si Kruy na umalalay sa kanya. Pero huli na ang lahat,tumaob ang tray na dala ng waiter papunta sa kanila dahil na out of balance ito. Basang basa si Yra ng wine gayon din si Kruy. Napakapit si Yra sa mga braso ni Kruy at sandali pang nagtama ang kanilang mga mata. Lapit na lapit ang kanilang mga mukha sa isat-isa. Salo ni Kruy sa kanyang mga braso si Yra.

Dahil sa nalikhang ingay ay napalingon sa kanilang dalawa ang lahat ng mga tao sa kanilang paligid.  Nang matauhan ay napapikit nalang si Yra sa hiya. Naramdaman ni Kruy ang panliliit ni Yra sa sarili at hindi nya hinayaang gayon nalang ang naramdaman ni Yra. Mula sa kanyang mga bisig ay hinatak nya ang babae saka niyakap at pibasubsob sa kanyang dibdib at pinayuko. Madali nyang tinanggal ang coat na kanyang suot at tinabon iyon kay Yra. Niyakap nya ng mahigpit ang babae saka dinala palabas ng function hall kung saan ginanap ang party.

Kahit gayon ay hindi naman naapektuhan ang seremonya. Alerto ang mga staff at madaling nilinis ang kalat. Nakuha naman kaagad ng emcee ang attention ng madla. Hindi alam ni Yra kung saan sya dadalhin ng lalaki pero nakaramdam sya ng pagtitiwala dito kaya sumunod na lamang sya. Habang hinihila syang payakap ng lalaki ay binging-bingi sya sa lakas na tibok ng kanyang puso. Ang dami nyang iniisip ni negatibo dahil sa aksidenteng nagawa.

Naramdaman ni Yra na pumasok sila sa isang silid kung saan. Narinig din nya ang boses ni Clare na sa tigin nyay malapit lang sa kanya.Maya-maya pa ay nahinto na silang dalawa at kumalas si Kruy sa pagkakayakap.

“Yra?!”  Bulong ni Kruy samantalang siya ay nanatiling naka yuko.

” Yra are you okay?”  Pag-aalalang sabi ni na nooy alam na ang nangyari.

” Okay lang ako. Miss Clare sorry po talaga sa nangyari.”

” Wag mo na isipin yon. Wag kang mag-alala hindi naman nahalata ng lahat ng mga bisita ang nangrayi.” pagkakalma ni Clare.

” Miss Clare pwedi po bang mauna na ako sa inyong umuwi?” pagpapaalam ni Yra.

” O… sige kung yan ang gusto mo’y ipapahatid na kita sa driver”

Lumabas na ng silid ang apat saka’y bumalik si Stanley at Clare sa party. Si Kruy naman ang nag presentang ihatid di Yra sa lobby.

Nauna nang ihatid ng driver si Yra sa mansion. Pagkarating ni Yra sa bahay ay naabutan nya si Clark na nanonood ng TV sa sala. Sandaling napahinto sa paglalakad si Yra at nakatayo malapit sa pintuan.

“Good evening sir”

Napalingon naman si Clark sa kanya. “Anong nangyari sayo?”

Nagsalungat ang mga kilay ni Clark habang nakatitig kay Yra.Napansin kasi ng lalaki ang basang damit ni Yra.

” Ah…ano po kasi, kanina sa party ay natapilok po ako at natamaan ko ang waiter at sakin po tumaob yung hawak nyang tray na may mga baso ng wine.”

Nanlaki ang mga mata ni Clark na pinakikinggan si Yra. “Yang coat, kanino naman yan?” Dagdag na tanong ni Clark.

” Kay sir Kruy po.”  Muling ibinaling ni Clark ang kanyang tingin sa TV sabay sabing.  “Bakit kapa kasi sumama sa party alam mo namang hindi ka bagay don.”

Mahina ang pagkasambit ni Clark pero rinig na rinig iyon ni Yra kaya sya nabigla. Noon ay hindi naging maganda ang unang ingkwentro nila ng among lalaki at nabago naman ito mula nang nasa Manila na sila, ngayon nama ay hindi nya akalaing ganon na lamang ka liit ang pagtingin nito sa kanya. Hindi nya akalaing hindi magkatulad ang trato ng kambal sa kanya. Natigilan at parang naging statua si Yra ng mga sandaling iyon. May sakit na naramdaman si Yra sa kanyang didbib dahil sa sinabi ni Clark. Nagbaba na lamang sya ng tingin saka’y tahimik na naglakad papunta sa kanyang kwarto.

Pagkatapos maligo ay nahiga si Yra sa kanyang kama upang makapag pahinga.Napako ang kanyang tingin sa kisame habang iniisip ang nangyari sa party.Kahit nag-aalala parin ay nagtiwala sya sa assurance ni Clare at Kruy na okay lang ang lahat at iyon ay aksidente lamang.Samantala, hindi nawala sa kanyang isipan ang sambit ni Clark.

Kinaumagahan……

Gaya ng nakasanayan ay maagang gumising ni Yra upang maghanda ng almusal. Sa puntong iyon ay hinihiwa na ni Yra ang mga rekados para sa lulutuing ulam.

Maya-maya pa ay bigla na lamang napansin ni Yra na nasa dining table pala si Clark at nagbabasa ng diyaryo. Bagamat pansin ni Yra ang lalaki ay nagkunwari naman syang hindi nya napansin ang lalaki,  tumalikod at nagkunwaring naghahanap ng seasoning para sa niluluto.

“Magandang umaga sir Clark..” si Sita na binati ang lalaki.

“Good morning Sita.”

Hindi lang nang araw na iyon iniwasan ni Yra si Clark. Nahihiya kasi sya dito. Si Clark naman ay hindi din kinakausap si Yra. Ang ganoong iwasan ay nagtagal pa ng dalawang araw.

 

 

Isang tanghali ay nasa kusina si Yra ay naghuhugas ng plato.Samantala si Clark naman ay nasa dining table at nagbabasa ng libro.

” Diyan patalaga nagbasa ng libro? pwedi naman sa kwarto nya.”  Wika ni Yra sa isipan. Nakatalikod lang kasi sya kay Clark habang nasa mesa ito.

“Yra,ako na dyan…. alam kong masama ang pakiramdam mo.” si Sita na nag-aalala sa kasama.Narinig naman yun ni Clark pero hindi ito lumingon sa nag-uusap.

Sandaling huminto si Yra. ” Salamat po, medto nalalamigan din ako sa tubig. Dito nalang po kayo at ako na sa garden.” pagpepresinta ni niya.

“Okay pero wag ka masyado magpagod hindi kapa magaling.”

“Sige,salamat.”

 

Bago na tuluyang lumabas si Yra ay gumamit muna sya ng CR,at nagtagal doon ng sampung minuto. Bitbit ni Yra ang walis saka nagtungo sa garden,laking gulat nya nang makitang nandoon si Clark sa table na nasa gitna ng garden at nagbabasa ng kanyang libro.

 

” Abay! narinig yata nya kaninang dito ako maglilinis! Nanananadya ba ang lalaking to?!”  sigaw ni Yra sa isipan. Wala syang nagawa at sinimulang linisin ang lugar.

” Hi Yra!” bati ni Clare sa kanya na papunta sa garden. Napahinto naman si Yra at lumingon.

” Hello miss Clare!”  Tiningnan lamang ni Yra si Clare na palalapit sa kanya.

“Yra, samahan mo ako mamaya sa Carpio Hotel doon tayo matulog! And guess what? Ipapakilala kita sa may-ari ng Felizas Style! Kaibigan ko kasi si Alexa at Garry.”

Hindi kaagad nakasagot si Yra sa imbitasyon ni Clare.  “Ma’am baka makagulo lang ako don.”

Nakikinig naman si Clark ang pag-uusap ng dalawa.

“Ano kaba hindi naman party ang pupuntahan natin, tsaka sus! wag mo na isipin yung nangyari last week!”

” Hindi naman ako bagay na makihalubilo sa inyo miss Clare.”

Napa nga-nga si Clare sa sinabi ni Yra.    “Yra ano kaba–”

Natigilan si Clare nang may mapansin kay Yra.  ” Teka, may sakit kaba?” pag-aalala nito.

“Medyo masama lang po ang pakiramdam.”

” Magpahinga ka”

” Opo may tatapusin lang ako dito.”

Naputol naman ang pag uusap nila nang tawagin ni Sita si Clare dahil may tumawag sa telepono. Samantala, pinagpatuloy naman ni Yra ang ginagawa.

” Magpahinga kana.”  Sabi ni  Clark kay Yra nang hindi ito nililingon at nakatoon parin ang tingin sa binabasa.

Napahinto naman si Yra at napatingin sa lalaki. “Mamaya nalang po sir.”

Patuloy sa paglilinis si Yra nang bigla nyang naramdaman ang paghakbang ni Clark papalapit sa kanya.

“Yra.”

Napaharap si Yra sa lalaking nooy nasa kanyang likuran.

” I’m sorry.”  Pagpapatuloy ni Clark.

Nasa isipan naman ni Yra ang sanhi ng paghingi ng sorry nito.

” Sir okay lang po. Alam ko naman po na tama kayo sa mga sinabi nyo.”

” Oh..please Yra,wag mo na sabihin yan….”

“Sasabihin ko po kasi tama kayo.Isa pa,wala namang masama sa sinabi mo sir Clark kasi pinaalam mo lang naman saakin kung saan ako lulugar.”

” Hindi… hindi mali ka… mali.. wag mo isipin yan…hindi ganyan ang —”

” Okay na po,mas mabuti pang wag nanatin yun pag-usapan hindi naman big deal saakin ang sinabi mo.Okay lang po talaga, kinalimutan ko na yung mga sinabi mo sana po kalimutan nyo narin ang nasamo mo.”

Aalis na sana si Yra nangpigilan sya ni Clark.

“Yra please,..Please wag kanang magtampo sakin.”

” Hindi naman po ako nagtatampo.”

“Bakit hindi mo ako kinakausap??”

“Ano po ba dapat ang pag-usapan natin?”

Hindi nakasagot si Clark

“Excuse me po Sir Clark magpapahinga lang po muna ako.”

 

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply