0

CHAPTER 4

 

Alas otso ng gabi nang pinasok ni Sita si Yra sa kwarto nito. Kasalukuyang natutulog ang babae. Nang makapalit ay hinawakan ni Sita ang noo no Yra.

“Yra ,.? May lagnat kaparin.”

Nagising naman si Yra. “Okay lang po ako,mawawala rin to.”

” Hindi nalang muna ako uuwi sa bahay nang maalagaan kita.”

Umiling si Yra.  “Hindi napo. Siguradong naghihintay ang mga anak ninyo.”

Napatango sa Sita.   “Sige. Wag kanang lumabas ija at magpahinga ka nalang,napatapos ko nadin naman ang lahat ng lilinisin. Si miss Clare ay lumabas, si sir Clark naman ay nagpapahinga na sa kanyang kwarto. Bukas ay maaga akong babalik. Nakainom kanaba ng gamot?”

” Oo. Salamat.”

” O sya.. aalis na ako.”

” Ihahatid ko kayo sa gate para mailock ko narin.”

” May iba pa naman akong mapag-uutusan para mag lock.”

” Ako nalang po, tatayo din naman ako upang gumamit  ng CR pagkatapos.

“Okay ikaw ang bahala.”

Nang i-lock na sana ni Yra ang  pintuan ay nasilaw  sya sa sasakyang pumarada sa kanyang harapan. Tiningnan lamang nya ito at nakitang bumaba si Kruy at lumapit sa kanya.”

“Hello po Sir good evening.”

Isang napakalaking ngiti ang bakas sa mga labi ni Kruy. “Yra, na amnesia kaba? Diba sabi ko Kruy nalang?”

” Good evening Kruy.” Pag-uulit nito.

” Good. Nandyan ba si Clare?

Hindi alam ni Yra na nasa likuran pala nya si Clark at sumabat pa ito sa pagitan ng pag-uusap nila ni Kruy.

 

” Wala sya.”  Singit ni Clark sa usapan. Napalingon naman si Yra.

” Uy.. Clark nandyan ka pala saan pumunta  si Clare?”  Pansin ni Kruy sa kanya.

” Pumunta sa Carpio Hotel.Naimbitahan daw sya ng isang kaibigan.”

Natahimik naman si Yra sa tabi.

“Ah,.. ganun ba sayang naman.”

” Bakit mo sya hinahanap?”

“May pupuntahan akong birthday,simpleng handaan lang  isasama ko sana sya kasi may pag-uusapan din kami.”

” Wala sya eh,.. sayang nga.”

Muling ibinaling ni Kruy ang tingin kay Yra at may napansin ito. Humakbang sya ng dalawang beses saka inilapat ang dalawang palad sa mga pisngi ni Yra.

Nagulat naman si Yra sa ginawang iyon ni Kruy. ” B– bakit po sir?”

Tinitigan ni Kruy si Yra sa mga mata. “Nilalagnat kaba?”

“Ha… o–opo nilalagnat ako.”

Si Clark naman na  nakatayo di kalayuan sa kanila ay ibinaling ang tingin sa ibang direksyon

” Iminom kanaba ng gamot?”  Dagdag na tanong ni Kruy.

“Oo.. tapos na ”

“Magpahinga ka ha… ”  Ibinaba na ni Kruy ang kanyang kamay mula sa mga pisngi ni Yra.

” Oo..”

Humakbang na paatras si Kruy.

“Sige,aalis na ako.”

Ibinaling ni Kruy ang tingin kay Clark sabay sabing…    “Clark aalis na ako.”

” Sige.”  Maikling tugon ni Clark.

Umalis na si Kruy.Isinara naman ni Yra ang gate ng mansion.

Kinabukasan ay si Sita nag nagluto ng mga pagkain sa agahan. Nang pumasok si Clark ay pansin nyang wala si Yra.

“Nasaan  si Yra?” agad na tanong nya sa nakatalikod na si Sita.

“Uy..sir Clark nandyan po pala kayo. Ay si Yra? umalis po.”

“Umalis saan? Wala naba syang lagnat?”

“Oo okay napo sya,lumabas magsisimba daw sya. Isa pa day off po nya ngayon,himala nga e’ lumabas para makapaglibot narin sa labas, hindi naman kasi yun lumalabas kahit day off nya.”  Pagpapaliwanag ni Sita.

Alas 10 ng umaga ay nasa garden si Clare at umiinom ng juice habang busy sa kanyang cellphone nang dumating ang kaibigan si Kruy.

” Hi Kruy!” Bati ni Clare sa papalapit na kaibigan.

Nag beso-beso ang dalawa nang nakalapit si Kruy.

” Maupo ka.” Alok ni Clare.

“Nandito ako kagabi pero wala ka”

” Oo nasa Carpio Hotel ako. Nandito kaba para i-invite akong gumimik?”

Natawa si Kruy sa sinabi ni Clare.

” Clare diba sinabi ko na sayong nagbago na ako.”

Umiling naman si Clare. ” Asus! Anong sadya mo?”

” Clare wala kaba talagang kilala na magiging surrogate ko?” Bagsak ang balikat ni Kruy na nagtanong.

“So sinisingil mo ako sa hiring natin? Friend sorry talaga, wala pa akong nahahanap na magiging surrogate.”

“Clare…. saan ba ako dapat maghanap? Alam ko pwedi sa ibang bansa pero wala na akong time para maghanap pa doon.”

Natilan si Kruy nang napako ang tingin ni Clare sa gate, napalingon naman si Kruy kung saan ito nakatingin. Pareho silang natigilan nang makita si Yra mula sa gate at papasok sa loob ng bahay. Humihikbi ito ay pinapahid ang mga mata.

“Umiiyak ba sya?” Si Kruy na tinanong si Clare.

” Siguro.”

“Yra!”  Sigaw ni Kruy pero hindi sya nito narinig.

” Baka may problema sya.”  Mahinang sambit ni Clare.

Pinagpatuloy na ng dalawa ang kinilang pag-uusap na sandaling nahinto.Makalipas ang ilang sandali ay narito si Yra sa kanilang harapan na kanila lang ay napag-usapan nila. Dala nito ang isang basong juice para kay Kruy.

“Sir mag juice muna kayo”  Inilapag ni Yra ang baso sa lamesa.

” Yra, nakita ka namin kaninang papasok sa bahay. Umiiyak kaba kanina?”  Curious na tanong ni Clare.

“Po? Ah— opo miss Clare pero wala po yun—”

” Sigi na please,sabihin mo na saamin at baka makatulong kami. Dama kong may problema ka.”  Pagpuputol ni Clare.

” Opo miss Clare may problema nga po ako.Kasi po tumawag saakin kanina si mama Loli at nanganak naraw si ate Hanna tapos cesarean pa, malaki laki po kasing kailangan na pera e,tapos sinisingil na kami sa nakaraan naming utang yung pina opera namin noon sa mata ni papa Ted. Nagkasalubong na po ang bayarin namin.”  Pagpapaliwanag ni Yra.

“Magkano ba ang kailangan?” Tanong ni Kruy.

“Sa panganganak po ni ate hindi ko pa po alam. Nag-aalala ako siguradong malaki laki ang kakailanganin namin gayong walang trabaho si ate na mapagkukunan nya ng binipisyo.”

“Kung cesarean malaki laki talaga yan.” Pagtatanto ni Clare.

“Kung cesarean malaki laki talaga yan.” Pagtatanto ni Clare.

” Tapos may bayarin kapa nung nautangan ninyo sa pagpapaopera sa papa mo? Magkano naman yun?” si Kruy.

“May kulang pa po kaming fifteen thousand. Miss Clare may kakilala po pa kayong naghahanap ng OFW? mag aaply po ako, alam ko yun nalang po ang paraan para mas madali naming mabayaran lahat ang mga utang namin.”

Nagtinginan naman si Kruy at Clare.

“Naisip mo ba ang naisip ko?”

Wika ni Kruy na nakatitig sa mga mata ni Clare.

“Oo…” Patango tango nitong sagot.

“Para sakin qualified.”

“Ang kapal mo para hindi e qualify! Saakin nga e over qualified.”

Ibinaling ni Clare ang tingin kay Yra.

” Yra may pag uusapan lang kami ni Kruy ha.”

“Okay po pasensya napo.”

Patango-tango nitong sagot.

“Okay lang mag-iisip lang kami  ng paraan kung paano ka namin matutulungan.” Dagdag ni Kruy.

“Salamat po..”

Tumalikod na si Yra saka naglakad papasok sa kusina ng mansion.

“We can help her ..” Pagpapatuloy ni Clare.

Nagduda naman si Kruy sa ideyang naisip.  “Yes,..ang tanong papayag kaya sya?”

“Let us try…”

” Sige pero.. hindi muna natin sasabihin sa kanya ngayon.”

“Bakit? kailangan na nya ang pera.”

” Oo nga pala.”  Mahinang sambit ni Kruy.

” Alam ko namang kaya mong bayaran halat ng utang nila at bayaran pa sya bukod   do’n. Kahit triplehin pa’y kaya mo parin.”

Nagsalungat ang kilay ni Kruy. “Pero kung ayaw nya?”

“Edi hindi natin itutuloy, wala naman tayong karapatan mamilit.” Kibit balikat na sabi ni Clare.

May naisip naman si Kruy sa mga puntong iyon. Gusto nyang e-test si Yra. Kung kaya nitong mag-alaga ng bata ay kayang kaya rin nyang alagaan ang sarili kung sya man ang magbubuntis ng anak ni Kruy. Matapos sinabi ni Kruy ang balak kay Clare ay pumayag naman ang kaibigan.

“Ingatan mo si Yra ha, alam mong hindi ko lang sya katiwala sa bahay, kaibigan ko si sya.”  paninigurado ni Clare.

” Kung maka bilin ka naman parang anong gagawin ko kay Yra!” Natawa si Clare sa reaksyon ni Kruy.

 

      Kinabukasan…..

” Po? bakit?”

Reaksyon ni Yra sa sanabi ni Clare.

“Ganito kasi yun, walang magbabantay ng pamangkin ni kruy,kaya sana matulungan mo sya.” Pagpapaliwanag ni Clare.

” Ah’..sige”

“May business trip sa Singapore ang kapatid ni Kruy pati yung asawa nya, yung yaya naman e nagkasakit.Ang pagkakaalala  ko’y malaki laki ang ibibigay ni Kruy sayo, kahit papano makakatulong yun.”

Lumiwanag naman ang mukha ni Yra. “Talaga po? Hay salamat.Okay payag po ako.”

Alas singko pa lamang ng hapon at umalis na ng mansion si Yra dahil sinundo na sya ni Kruy.

“Marunong ka ba mag alaga ng bata?”  Kausap ni Kruy si Yra habang basa sasakyan.

“Naranasan ko napo magbantay pero matagal nayun. Di bali sir kering-keri kong magbantay ng bata.”

” Yung babantayan mo ngayon ay 10 months palag ha.”

“Okay.”

 

Pinarada ni Kruy ang sasakyan sa lobby kung saan ang kanyang condo.

” Kruy bakit tayo nandito?”

Tanong ni Yra nang makababa ng sasakyan.

” May unit ako dito Yra, dito ako umuuwi lagi at hindi sa bahay namin.”

” Ah…”

” Halika sumunod ka.”

Sinundan lamang ni Yra si Kruy hanggang sa nakarating sila sa isang kwarto.

” Pasok ka.”  Alok ni Kruy.

” Ito ang unit ko. Halika’t may ipapakita muna ako sa’yo. Dalhin mo ang bag mo.”

Walang imik na sumunod si Yra.

” Dito ang kwarto kung saan ka matutulog.” Paliwanag ni Kruy habang binubuksan ang pintuan.  ” Pwedi mo nang ilagay ang bag mo sa loob.” Dagdag ni Kruy.

Pumasok naman si Yra saka ipinatong ang kanyang bag sa kama.

 

Muling nagpatuloy  si Kruy sa pagpapaliwanag.

” Ito namang katapat na kwarto ay kwarto ko.”

Binuksan ni Kruy ang kanyang kwarto. Bumungad kay Yra ang napakaganda at maaliwalas na kwarto ng lalaki. Kulay abo at puti ang bumabalot sa buong silid. Pumapasok ang sinag ng pangapong araw dahil sa sliding door na yari sa salamin na syang papunta naman sa terrace ng kwarto.

 

” Ito ang kwarto ko at Yra, gusto kong kapag tulog ang bata ay dito mo sya ilalagay sa kama ko ”

” Okay.”

” Nandito ngarin pala sa kwarto ko ang mga gamit ng bata.”

Tumangon si Yra. ” Kruy, wala yata akong nakikitang bata?”

Napangiti naman ang lalaki. “Teka, hintayin mo ako dito sa sala at kukunin ko muna ang bata sa kabilang unit, ibinilin ko muna kasi sa kaibigan ko dahil sinundo kita.”

Umupo lang Si Yra sa Sofa habanh hinihintay si Kruy na lumabas. Habang wala ang lalaki ay ikinalat ni Yra ang tingin sa buong bahay.  “Grabi ang ganda. Ang yaman yaman pala talaga ni Kruy.” Sambit ni Yra.

Nakalipas ang limang minuto ay bumalik na si Kruy karga karga ang bata. ” Yra.” Tawag ni Kruy.

Pagkalingon ni Yra ay kita nya ang kargang bata ni Kruy,agad naman syang napatayo. ” Ang cute!!!! yan naba yung aalagaan ko?”

10months palang si baby Kyler. Anak sya ng kapatid ni Kruy na si Elizabeth.

” Oo sya nanga. ”

Nilapitan ni Yra ang baby saka hinalik halikan ito sa kamay. ” Ang cute! eeeee! nakakagigil naman ang baby nato! Kruy akin na’sya please.”

Tangka nang kukunin ni Yra ang bata sa mga braso ni Kruy.  ” Teka lang Yra, marunong kaba talaga?”

” Oo naman! bilis na Kruy akin na gusto ko na syang ngatngatin e!” Hindi na mapigilan ni Kruy si Yra at ipinasa nya ito aa babae. ” Hi! baby! ”  Nakatitig lang si Kruy kay Yra habang hinahalik halikan nito ang bata sa pisngi. ” Kruy anong pangalan ng baby?”

” Kyler”

” Ah,..’ Hi baby Kyler! Ayyyyy.. ang cute cute talaga ng pamangkin mo Kruy!” Naupo si Yra sa sofa.

 

” Syempre naman! Mana sa tito e’diba Kyler?!” Si kruy na naipo narin sa sofa.

Napanganga naman si Yra sa sinabi ni Kruy. ” Hala!  Sabay hagikhik. ” Hindi din! ” Basag ni Yra.

” Ano?!” Matabang na tanong ni Kruy.

Isang napakalaking ngiti ang ipinako ni Yra sa lalami. ” Joke lang!”

Napatayo si Kruy. “Yra, bihisan mo si Baby at aalis tayo. Kaylangan kong mag grocery.”

Napatayo naman si Yra.  ” Okay”

 

 

 

 

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply