Chapter 1 – Meet Tasha

1

Tasha, Tasha! Wake up! Wake up! Tasha, Wake up!

Narinig ni Tasha na may tumatawag sa kanya kaya’t napabangon sya sa kama na nakapikit pa at pupungas-pungas sabay kapa sa bed-side table kung saan nakapatong ang kanyang magic wand. Nang may makapa syang payat at straight na object ay itinaas nya ito at ini-wave para tuluyan syang magising.

Pagdating kasi ng morning at gusto nyang alisin ang antok nya ay kailangang masikatan ng araw ang mukha nya, so she has to move her window curtains. Pero ilang wave na nya ng hawak nyang stick ay hindi pa din nagwowork ang magic.

Kaya’t inimulat nya ang kanyang kaliwang mata at nakita nya sa harap nya ang nakalutang na magic wand na kanina pa mamatay-matay sa katatawa sa panonood sa kanya. Tiningnan nya ang hawak nya na yun pala ay drawing pencil lang na naipatong nya kagabi sa table after nya mag-sketch.

All of a sudden, the curtains moved and the glass of water from the study table floated in the air and the water was poured on her.

“Thinnnnyyyyyyy!” she yelled while wiping the water from her head and face. “You naughty little stick! Lagot ka sa kin pag nahuli kita!” At tumayo sya mula sa bed at hinabol ang kanyang magic wand na patuloy sa kakatawa.

“Hihihi! Habol Tasha! Habulin mo ko!” Pang-asar na sabi ni Thinny habang palutang-lutang at paikot-ikot sa loob ng kwarto ni Tasha.

Maya-maya ay napagod na silang dalawa kaya’t sabay na napahilata sa kama..

“Ayoko na.. suko na ko..” Humihingal na sabi ni Tasha.

“Ako din, tama na papahuli na ko, promise..” Sabi ni Thinny na pagod na pagod din.

Maya-maya ay may kumatok sa pinto. “Tasha! The breakfast is ready. Mahuhuli ka na na sa first day of school mo. Tama na yang pakikipaglaro mo kay Thinny ha, tingnan nyo pagod na pagod kayong dalawa…” Sabi ni Amelia, mommy ni Tasha, na nasa may pinto.

“Thinny, yan si Mommy ay hindi witch pero tingin ko kamag-anak naman sya ni Madam Auring ?” Bulong ni Tasha kay Thinny.

“Oy hindi ko sya kamag-anak ha!” Sabat ng mommy nya na nasa labas pa din ng kwarto.

“Geeeez, sabi ko na nga ba e, rinig pa din nya yun?” Kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Tasha habang bumabangon ng kama.

“Syempre!” Dagdag pa ni Amelia.

Napatakip ng bibig si Tasha habang tumatawa si Thinny ng walang sound. “Okay po Mommy! I’ll take a shower lang po then I’ll go down na!” Natatawang sabi ni Tasha.

Nasa may dining table na si Alfred, daddy ni Tasha, at ang 8 years old na si Kevin na nag-iisa nyang younger brother nang bumaba sya para sa almusal. Pabalik naman mula sa kusina ang kanyang mommy na may dalang isang pitcher na orange juice.

“O, kain ka na Tasha at baka ma-late kayo ni Kev. First day of school pa man din. Dapat maganda ang first impression sa inyo ng teachers nyo as new students.” Alfred said.

They just moved sa place na yun after na ma-promote ang Daddy nya mula sa isang company sa probinsya. Kinailangan itong mag-move sa branch ng Manila kaya’t wala silang magagawa kundi syempre sumama sa kanya.

“Daddy’s right, ate! Look at me, kanina pa ako nakapag-prepare, I beat you!” Kevin added.

“Sana nga lang e hindi gumamit ng magic ang iba dyan….” She muttered while rolling her eyes.

“Hindi ah!” Kevin disagreed.

“Ows… Cross your heart, hope to die?” Tasha insisted.

“Oy, oy! The two of you… Ano bang rule namin ng daddy nyo ha? Walang argument sa harap ng pagkain, right? And, another rule is walang gagamit ng magic lalo na hindi naman kailangang-kailangan. You will not use your powers to make our lives easier. You should live like normal people like me na hindi kailangang mabuhay ng isang pitik lang. We should…?” Sinadyang putulin ng Mommy nya ang sasabihin para silang dalawa ni Kevin ang magdugtong.

“We should work hard to survive…” Tasha and Kevin continued.

Napangiti si Amelia na kaisa-isang miyembro ng pamilya na hindi witch.

“That’s right kids. Kaya nga I’m working hard to show you na makaka-survive tayo without our magic powers. We don’t need to manipulate things or people to get what we need. But we can always help people with these powers. Tandaan, laging sa kabutihan, okay? ” Nakangiting paliwanag ng kanyang Daddy.

“Yes Dad, yes Mom…” Sabay na sabi ng magkapatid.

TO BE CONTINUED…

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply