Sweek One Shot Writing Contest

0

Hello Sweekers!

 

Para sa lahat ng Filipino writers. Ini-invite po namin kayong sumali sa kauna-unahang writing contest ng Sweek.

 

***

 

Mga detalye ng kompetisyon

 

Tema: Romantic Escape

 

Paano sumali:

Step 1: Ang mga kalahok ay kinakailangang mayroong Sweek account.

Step 2: I-like at i-Share ang opisyal na Facebook Page ng Sweek: @sweekstories

Mag-tag ng tatlong writer friends sa comment section.

Step 3: I-publish ang iyong kuwento na may hashtag na #escapist.

 

Deadline:

Ang submission ay bukas, February 11, 2018 at tatagal hanggang February 28, 2018

 

Ang pangunahing kategorya ay ROMANCE, na kailangang samahan ng sub-category: Adventure & Action, Fantasy, Historical Fiction, Humour, Mystery & Crime, Science Fiction at Thriller & Horror.

 

Lenggwahe: Filipino/Taglish

 

Bilang ng mga salita:

Hindi maaaring lumampas ng 2000 na mga salita.

 

Premyo:

Isang overall grand winner ang tatanghalin at makakatanggap ng badge sticker sa pabalat ng kaniyang akda at certificate.

 

At pitong mananalo sa bawat kategorya:

Romance – Adventure & Action

Romance – Fantasy

Romance – Historical Fiction

Romance – Humour

Romance – Mystery & Crime

Romance – Science Fiction

Romance – Thriller & Horror

Makakatanggap din ang bawat isa ng badge at certificate.

 

Ang mga mananalong kuwento ay mapi-feature sa Sweek.

 

Ang mga mananalo ay ipapahayag sa March 16, 2018

 

General Contest Guidelines

 

Ang mga maaaring sumali ay nasa edad trese anyos pataas lamang.

 

Ang patimpalak ay para sa lahat ng manunulat na Pilipino.

 

Ang iyong kuwento ay maaaring matanggal sa patimpalak kung walang hashtag na #escapist dahil ito ay dapat nasa tag o description.

 

Ang mga entry ay dapat orihinal na isinulat ng kalahok.

Mahigpit na ipinagbabawal ang PLAGIARISM.

 

Ang kuwento ay kailangang naipasa bago ang nasabing deadline. Ang pag-e-edit ng mga entry ay hindi na pinapayagan kapag na-published na.

 

Ang kuwento ay dapat bago sa Sweek at hindi pa nai-post o publish sa ibang platform.

 

Ang lahat ng kalahok ay maaaring magpasa ng iisang entry lamang.

 

Para sa karagdagang impormasyon:

Follow us on Sweek: Sweek Keepers PH @SweekKeepersPH

Sumali sa Facebook Group.

Sweek PH

Mag-iwan ng mensahe sa mga Sweek Keepers:

Scion Marion @ScionMarion

Cyan Exorde @ExordeXVII

Elle WP@YukiOna

Celestine Lemoir @CelestineLemoir

 

Check out this story on Sweek:: Romantic Escape: Sweek One Shot Writing Contest https://web.sweek.com/story/CgELaggBCQABAAEKAABsBAg=

4 Comments
  1. LuckyLazyDreamer Junior Pilot – Level 1
    Digital World Pioneer Member
    524.00
    March 17, 2018 at 7:15 pm

    Sayang, hindi ako nakasali. Late na kasi, tapos na ang deadline. 🙁

    • Scion Marion Junior Pilot – Level 8
      Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad AccountVerified Twitter AccountDW Community Superstar
      4 110.00
      March 21, 2018 at 6:04 pm

      Ay sayang nga. Nag extend na kami. DApat Feb pa ito Tapos. Download ka ng Sweek app or mag sign in sa http://www.sweek.com para sa susunod pang mga contest.

      May contest pa yata sa international.

  2. Simounne Junior Pilot – Level 10
    Digital World Pioneer MemberDW Community Superstar
    5 388.00
    February 20, 2018 at 4:24 pm

    pa-contest talaga iyon ng website?

    • Scion Marion Junior Pilot – Level 8
      Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad AccountVerified Twitter AccountDW Community Superstar
      4 110.00
      March 21, 2018 at 6:02 pm

      Sorry late kitang na reply-an. Hindi ko kasi mabuksan sa phone ko iyong DW.
      Yes. contest talaga siya ng Sweek. To get more info. Download ka ng Sweek App o punta ka sa http://www.sweek.com. Magkakaroon kami ulit ng panibagong wricon.

Leave a reply