Carrot Man’s Twin?

33

Si Jeyrick Sigmaton na kilala rin bilang Carrot Man ay sumikat matapos maging viral ang larawan niya na kuha ng photographer na si Edwina Bandong. May buhat siyang isang kaing na carrots habang nasa kabundukan ng Monamon Sur, Bauko, Mountain Province nang masumpungan ni Madam Edwina at ng kasamang si Chee-nee De Guzman na nagbansag dito bilang Carrot Man.
Umingay ang kanyang pangalan at nai-feature sa Kapuso Mo: Jessica Soho. Nakapag-guesting din sa iba’t ibang programa at nai-feature ang buhay sa Magpakailanman. May mga nagsulat na rin ng libro niya katulad ng Finding Carrot Man at I Remember the Boy: Carrot Man ni Sofia sa Precious Hearts Romances at ng biography niya na Serendipity at Love Conquers ni Elizabeth Frances Singlot. Nakapagbiyahe na rin siya sa iba’t ibang bansa at nag-aaral sa pamamagitan ng ALS o Alternative Learning System para makakuha ng diploma sa high school habang pinag-aaral ang mga kapatid niya na mas bata sa kanya.
Nitong huli, ipinalabas ang Carrot Man 2.0 sa Kapuso Mo: Jessica Soho para kumustahin si Carrot Man na naging simbolo kung gaano kasipag at kasikap ang mga Igorot. Talaga namang proud na proud ang mga Igorot kay Carrot Man dahil naiangat niya ang pangalan ng mga Igorot.
Ang di alam ng marami, di nag-iisa si Jeyrick sa kaguwapuhan. Dahil meron pang isang kahawig na kahawig niya – si Joey Moc-eng ng Bauko, Mountain Province. Kilala bilang Carrot Man look-alike sa lugar nila, si Joey ay dalawampu’t isang taong gulang at napagkakamalan na Carrot Man. Mahaba din ang buhok niya at pareho silang may dimples. Nag-aaral si Joey sa MPSPC o Mountain Province State Polytechnic College sa Tadian Campus ng kursong Civil Engineering. Nasa 5th year siya at umaasa na makakapagtapos sa susunod na taon. Nitong huli lang ay sumali pa siya sa pageant sa kolehiyong pinapasukan niya.
Ayon kay Joey, di pa sila nagkikita ni Carrot Man. Umaasa siya na makadaupang-palad si Jeyrick Sigmaton balang-araw. Matatandaan na sa Bauko rin natuklasan si Carrot Man. Mukhang marami talagang guwapong Igorot. Sino ang excited na magkita silang dalawa?

Photo credits: Jey Maton and Joey Allen on Facebook

 

Gusto mo bang mag-comment o magsulat ng sarili mong article at kwento? Register here:  https://digitalworld.ph/?mref=sofiajade

7 Comments
  1. dhea flare Newbie
    Digital World Pioneer Member
    377.00
    November 4, 2017 at 9:42 pm

    Oo nga magkahawig nga sila.cute😊

  2. Yam CoNde Junior Pilot – Level 3
    Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad Account
    1 802.00
    November 1, 2017 at 11:06 pm

    Para nga silang kambal.

    • Sofia PHR Ace Pilot – Level 1
      Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad AccountVerified Twitter AccountDW Community Superstar
      21 512.00
      November 1, 2017 at 11:13 pm

      Parehong may dimples at pareho din kumakanta.

      • Yam CoNde Junior Pilot – Level 3
        Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad Account
        1 802.00
        November 1, 2017 at 11:22 pm

        Ang lalalim po ng dimple nila.

        • Sofia PHR Ace Pilot – Level 1
          Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad AccountVerified Twitter AccountDW Community Superstar
          21 512.00
          November 1, 2017 at 11:41 pm

          Doon nabunot ang carrots.

      • Yam CoNde Junior Pilot – Level 3
        Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad Account
        1 802.00
        November 1, 2017 at 11:17 pm

        Pero yong nakaputi na sa baba may pagla Aldine Richard na po.

        • Sofia PHR Ace Pilot – Level 1
          Digital World Pioneer MemberVerified Facebook AccountVerified Wattpad AccountVerified Twitter AccountDW Community Superstar
          21 512.00
          November 1, 2017 at 11:21 pm

          Yes. Sa anggulo na iyon parang mapalad mukha niya pero kapag ibang shot ang liit lang ng mukha niya lalo na sa live video.

Leave a reply