I Love You Since 1892

5

May mga kwento na kapag natapos, hihilingin mo na sana may karugtong pa. Sana may book 2 pa. Sana may susunod pang kabanata. Sana hindi na matapos pa.

Isa ang mga kwento na ‘to sa maraming kwento na ayoko ng matapos. Ang sakit sa puso. Ang dami kong nailuha dahil sa mga bida. Damang dama ko siya at pakiramdam ko, nabuhay din ako sa panahon nila. Nakakapanghinayang lang kasi kahit pagbali-baliktarin ang mundo at pahina ng kwento na ito, hindi talaga maaaring maging sila. Ang sakit sa damdamin.

Kudos sa manunulat ng nobela na ito. Ang daming lessons na naituro—hindi lang sa history ng Pilipinas, uri ng buhay noong panahon ng mga Espanyol, respeto, pagmamahal sa pamilya… itinuro din nito kung ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig.

Kay Carmela na napunta sa sinaunang panahon at kay Juanito na nabubuhay sa mundo ng mga Kastila. Tamang pag-ibig, maling panahon. Hindi man nadugtungan ang kwento nila, natapos naman ito ng mapayapa at maluwag sa dibdib.

Nakakalungkot. Nakakaiyak. Nakakamangha. Nakakapagbigay ngiti sa mga labi.

 

Wakas.

 

 

-K.

1 Comment
  1. Charlotte Cuevas Newbie
    Digital World Pioneer Member
    406.00
    January 2, 2018 at 11:39 am

    Totoo. Nakakaiyak talaga ang kwentong ito madami din akong nailuha sa I love you since 1892. Hindi rin nakakasawang basahin dahil halo halo na ang lahat sa sa isang kwento. Historical, love at family and also may Fantasy rin kahit papaano. Hindi nakakasawa.kodos sa writer talaga grabe ang research niya. Deserved na Deserved niya ang award na best writer of the year. Winks winks.

Leave a reply