Behind Jessica Morales: Chapter 1

0

KABANATA 1

Tunog ng musika ang dumadagundong ngayon sa paligid ni Kaiser kasalukuyan kasi siya ngayong nasa Bar kung sa’n sila mag mi-meet ng kaibigan niya na may dalang papeles tungkol sa isang kasong kailangan niyang solusyunan.

“Ano po ang sa inyo Sir?” Tanong ng Bar tender.

Mabilis na kumunot ang kanyang nooo dahil kakapasok lang niya at kaka-upo palang niya sa tapat ng counter tapos ito agad, tatanungin kaagad ang order niya. Ayaw pa naman sana niyang uminom.

“Isang margarita.” Maikling sagot niya saka inilibot ang tingin sa paligid.

Napako ang tingin niya sa kaliwang bahagi ng Bar. Nakita niya ang isang Babae na may hawak na Beer at animo’y pinaglalaruan ito dahil pinapa-ikot lamang nito ‘yon sa kamay. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng kuryusidad sa katawan.

“Sir ito na.” Tawag attention ng Bar tender sa kanya.

Agad niya itong binayaran saka kinuha ang inabot nitong alak sa kanya. Agad niya ‘yong nilagok at dama niya ang mainit na likidong gumuhit sa kanyang lalamunan pababa sa kanyang sikmura saka niya muling tinignan ang Babae.

Nakasuot ‘yon ng hapit na skinny jeans na kulay itim kaya naman hakab ang kurba ng beywang nito, sapatos na may takong at damit na akala mo kinapos sa tela dahil sa labas ang pusod nito. Tulad ng jeans na suot nito ay fitted din ang damit nito kaya naman bakas ang kagandahan at korte ng katawan nito.

Kaiser, nandito ka para sa isang mahalagang bagay at hindi para maghanap ng ka one night stand. Paalala niya sa sarili.

Dahil sa pakiramdam ni Jessica na tila ba may nagmamanman sa kanya kaya naman ini-ayos niya ang upo saka ininom ang beer na hawak ng kanyang kamay, matapos no’n ay mabilis niyang inilibot ang tingin sa paligid.

Nakita niya ang isang lalaki na titig na titig sa kanya na para bang lahat ng kilos niya ay pinag-aaralang mabuti nito. Kinindatan niya ‘to at pansin niya ang pitlag nito. Mga lalaki nga naman! Bulong niya sa sarili.

Nandito siya sa Bar para mag-isip at kalmahin ang sarili niya, ‘yon lang at wala ng iba. Pagod na siya, pagod na pagod na siyang makipaglaban sa mundong ginagalawan niya kaya naman gusto niyang magliw-aliw ngayon. Bumilis ang tugtog at hindi niya mapigilang hindi mapa-indak, kaya naman kahit na naka-upo ay marahan niyang iginagalaw ang kanyang katawan para masabayan ang malikot na musika.

Gusto ko siyang makilala, tingin ko wala namang problema sa gagawin ko. Makikipag kilala lang naman ako. Pangungunsinti ni Kaiser sa sarili. Napansin niyang nagsimulang umindak ang babaeng kanina pa niya pinagmamasandan hanggang sa hindi na nito napigil ang sarili kaya naman tumayo ito at nakisabay sa pag-indak ng karamihan. Gustong-gusto na niya itong lapitan at tatayo na sana siya ng bigla nalang…

“Kaiser!”

“Kaiser!” Rinig niyang tawag sa kanya kaya naman napilitan siyang hanapin ang boses na kung sino man ang tumatawag sa kanya.

Nakita niya ang kaibigan na papalapit na sa kinatatayuan niya.

“Oh? Ba’t parang aalis ka na agad?” Takang tanong nito sa kanya pero hindi na niya iyon sinagot pa.

“Dala mo na ba?” Tanong niya upang iwasan ang tanong nito.

“Oo, pasensya na pala hindi kasi madali ang pinagagawa mo kaya naman nahirapan akong kunin lahat ng files.” Hinging paumanhin na sabi nito saka pa napakamot ng ulo.

“Walang problema ang mahalaga nadala mo siya sa’kin ngayon.” Sagot niya dito habang nakatuon ang tingin sa babaeng kanina pa niya sinusundan ng tingin.

Napansin iyon ng kaibigan niya.

“Babae na naman? Tsk! Tsk!” Iiling-iling na sabi nito sa kanya kaya naman napatingin siya dito. Kita niya ang nakabakas na ngiti nito.

“Loko!” Iiling-iling ding sabi niya.

“Okay lang ‘yan tol, may pangangailangan din tayo at siyempre kailangan natin ng pahinga at hindi ‘yung puro trabaho nalang tayo.” Natatawang sabi nito sa kanya.

“Tumigil ka na nga! Ang dumi ng utak mo. Bumalik kana bago pa mahalata ang pagkawala mo.” Pag-iiwas niya sa sinasabi nito.

Salamat na nga lang at nakinig ito sa sinabi niya dahil agad naman itong umalis. Pagkakataon niya na muling tignan ang babae pero ng balikan niya ito ng tingin… wala na, wala doon ang babae. Nakaramdam siya ng pagkadismaya at para bang ang laki ng nawala sa kanya. Inilibot niya ang tingin at laking tuwa niya ng makita niya ‘tong naka-upo at umiinom na muli. Malalim siyang bumuntong hininga saka lakas loob na lumakad palapit sa babae.

Ang saya talagang umindak sa musika, nakakagaan ng pakiramdam. Sabi ni Jessica habang umiinom ng alak. Wala siyang paki sa mga taokahit na tumingin man ito sa kanya dahil una sa lahat wala siyang ginagawang masama at gusto lang niya ang magsaya. Sa kalagitnaan ng pag-lagok niya ay bigla siyang nakarinig ng boses.

“Hi miss, pwede bang maki-share?”

Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses at gano’n na lamang ang kabang naramdaman niya saktong magdaop ang kani-kanilang mga tingin. Napansin niyang mas gwapo pala ito sa malapitan. Inilibot niya ang tingin, saka muling ibinalik sa lalaking nakatayo sa harap niya. Alam niyang gusto lamang nitong mang-inis dahil ang totoo naman ay marami pang vacant na upuan kung gugustuhin man nito ay makaka-upo at makakapag solo ito.

“Gusto ko lang ng makaka-usap.” Dugtong na sabi nito dahil hindi niya sinagot ang unang sinabi nito.

“Ikaw ang bahala.” Nasabi na lamang niya dahil nahihiya naman siyan tanggihan ito at makiki-upo lang naman ito kaya pinagbigyan na niya.

Buong akala niya ay tatahimik na ‘to pero hindi pala, dahil simula ng umupo ito ay hindi na ito tumigil sa kakadaldal nito at pakikipag-kwentuhan sa kanya.

“Nga pala, kanina pa ako nagsasalita dito pwede ko bang malaman—”

“Jessica, ‘yan ang pangalan ko.” Pagpuputol niya sa sasabihin pa lamang nito. Napansin niyang ngumiti ito.

“Jessica? Nice name bagay sa’yo.” Sabay kindat sa kanya.

Hindi niya alam pero hindi naman niya magawa itong iwan dahil kanina pa siya late at kanina pa dapat siya naka-uwi. Gusto niya ang prisensya ng kausap… sa pakiramdam na ligtas siya sa piling nito.

“Ikaw? Anong pangalan mo?” Balik tanong niya dito.

“Kaiser.” Nakangiting sagot nito sa kanya. Tipid lang na ngiti ang ginanti niya dito.

“Bakit mo pala ako nilapitan?” Diretsong tanong niya dito.

Hindi agad ito sumagot pero ngumiti ito, ngiti na kayang magpalambot sa matigas niyang puso. Umiwas siya ng tingin dito.

“Sa totoo lang… hindi ko alam. Basta gusto kitang lapitan ‘yon ang masasagot ko sa tanong mo.” Titig na titig at walang kakurap-kurap na sagot nito. Hindi agad siya nakasagot. Ayeee! Kikiligin na ba ako?

“Natahimik ka ata?” Tanong nito sa kanya.

“W-Wala, may trabaho ka naba?” Muling tanong niya dito.

Tulad kanina, sa tuwing nagtatanong siya dito ay lagi na lamang siya nitong nginingitian pero ang mas nakakainis dahil hindi niya ito magawang tarayan.

“May trabaho ako business at may isa pa, pero masyadong kontribersyal kaya mas mabuting ‘wag nalang nating pag-usapan.” Sagot nito sa kanya.

Tutungga sana siya ng beer pero nagtaka siya ng pigilan siya ni Kaiser.

“Wala ng laman ‘yan.” Nakatawang sabi nito sa kanya at oo tama nga ito dahil wala na ngang laman.

Ngayon niya namalayan na ang dami na pala niyang nainom dahil sa kadaldalan ni Kaiser.

“G-Gusto ko pang uminom.” Tanging nasabi niya.

Inabot sa kanya ni Kaiser ang Isang bote. Kinuha niya ‘yon at tuloy-tuloy niya ‘yong tinungga dahil sa pakiramdam na kakaiba at hindi na tama.

Namamangha si Kaiser sa kaharap at enjoy na enjoy siyang pagmasdan ito. Ang pag-inom nito ng alak, ang itsura nito, at ang iba pang pwedeng tignan at punahin sa itsura nito.

Pagkatapos tumungga ni Jessica ay napatingin ito sa gawi ni Kaiser, nahuli niya itong titig na titig sa kanya kaya naman lihim siyang napangiti.

Lumakas ng tuluyan ang tug-tog sa loob ng bar at halos hindi na sila magkarinig.

“Gusto mong mag sayaw tayo!?” Pasigaw na tanong sa kanya ni Kaiser pero hindi niya iyon masyadong naintindihan.

“Anong nga ulit ‘yon!?” Pasigaw narin niyang tanong.

“Ang sabi ko, mag sayaw tayo!?” Doon lamang niya ito narinig.

“Sige! Sayaw tayo!!” Sigaw niyang sabi saka na tumayo at nagpati-una kung saan lahat ay maaring makasabay at maki-indak sa sayaw ng musika.

Magkaharap sila ngayon ni Kaiser at nagpapagalingan sa pag-indak, natatawa sila kapag nagkakabungguan sila dahil bahagya iyong masakit sa pandama nila. Naro’n kasi ang masisiko nila ang isa’t-isa, matatapakan at kung anu-ano pa.

Napatigil si Jessica saka nagtatakang napatingin kay Kaiser ng hawakan siya nito sa bewang. Wala itong sinabi na kung ano bagkus inilapit pa siya nito sa sarili nitong katawan kasabay no’n ang pag palit ng tugtog na mula sa pang-disco ay naging isang romantikong musika. Nababawasan ang mga tao sa kanilang paligid at napapalitan iyon ng mga couple na marahang gumagalaw sa himyo ng musika.

Hindi napigilan ni Jessica na hindi mahilig ang kanyang ulo sa lalaking kasayawan niya ngayon pakiramdam niya ang maging malapit dito ay parang isang ligtas na lugar, payapa para sa katulad niya. Jessica, ihinto mo na ‘tong ilusyon mo baka ikapahamak mo lang ito. Paalala ng kanyang isip pero hindi ng kanyang puso.

Alanganing napatingin siya sa mukha ni Kaiser at nagtagpo ang kani-kanilang tingin. Sa simpleng tinginan ay nagkasundo sila, unti-unting lumapit ang mukha ni Kaiser sa kanya at sa isang iglap lang naglapat na ang kanilang mga labi. Hindi na nila pinansin ang mga taong maaring makakita ng ginagawa nila. Kapwa hingal ng magbitaw sila sa isa’t-isa.

“Jessica…” Pabulong na sabi ni Kaiser sa kanya.

Hindi siya sumagot bagkus Marahan niyang pinulupot ang braso sa likod ng batok na ‘to at siya na ang nagkusang lumapit sa mukha nito upang muling magtagpo ang kanilang mga labi. Kahit isang beses, susuwayin ko ang isip ko. Kung sa’n man ‘to humantong ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Minsan ko na lamang bibigyan ng kaligayahan ang sarili ko. Pansariling hakbang ika nga nila. Ito ang una’t-huling beses kong pasisiyahin ang sarili ko sa pamamagitan ni Kaiser. Taimtim niyang bulong sa sarili habang walang palya niyang tinutugon ang pagkilos ng labi ni Kaiser.

Unti-unting bumilis ang tugtog na tila ba sinasabing tama na ang ka-sweet-an halina’t makisabay tayo sa pag-indak ng musika. Napilitan silang humiwalay sa isa’t-isa dire-diretso hanggang sa makalabas sila sa naturang Bar na’yon.

———————

Copyright ©2018

Yhanna_Princess

 

Tags:

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply