Behind Jessica Morales: Prologue

0

[R-17] for open-minded only.

Si Kaiser ay nakatalagang magbantay kay Mayor Renato Cero dahil ‘di umano ay may nagtatangka sa buhay nito.

Isang gabi ay nakatagpo niya si Jessica. At sa umpisa pa lamang na nagkalapat ang kanilang mga tingin ay may kakaiba ng kumislot sa puso ng binata.

Pagkatapos ng nangyari sa pagitan nila ng dalaga ay naglaho si Jessica ng parang bula at ng muling magtagpo ang kanilang landas ay nalaman niyang ikakasal na ito at kay Mayor Cero pa na doble ang tanda ng edad kay Jessica.

 

 

PROLOGO

 

Masaya ang lahat ng bisita ng mga Morales dahil ika-32 years na ang Anibersaryo ng kanilang pagsasama. Mga bigatin man ay nakadalo sa okasyon na ginaganap nito. Lahat welcome sa mansion ng mga Morales.

“Daddy, ang init po ng Dress na suot ko ngayon.” Reklamo ni Jessica sa Ama na ngayon ay Mayor ng kanilang Bayan.

“Sweet Heart masasanay karin sa ganyang kasuotan at talaga namang kailangan mong masanay dahil ikaw ang anak ng Mayor.” Pagmamayabang na sabi ni Roberto sa Anak.

Sumimangot ang Dose-Anyos na babae dahil sa tinuran ng ama. Hindi kasi nito hilig ang pagsuot ng ganoong klaseng damit.

“Oh! Nandito lang pala kayong dalawa kanina ko pa kayo hinahanap.” Sabi ng isang ginang.

“Ito kasing si Jessica, nagrereklamo sa suot niyang damit.”

Natawa ang ginang dahil alam niyang pag ganito ang inaasal ng anak ay gusto lamang nitong kumuha ng attention sa kanilang mag-asawa dahil sobra na silang abala sa pag-aasikaso ng bisita.

“Jessica, mahal ka namin ng Daddy mo okay? Kaya ‘wag ka ng magselos sa iba.” Nakangiting sabi ni Mrs. Morales sa Anak.

Ang pagkasimangot ni Jessica ay unti-unting napawi hanggang sa mapalitan ‘yon ng ngiti sa labi.

“Eh kasi naman po, simula kaninang paggising ko wala na kayo sa tabi ko tapos hindi pa kayo ang namili nitong damit ko pati narin hindi po kayo ang nag-asikaso sakin.” Sagot ni Jessica sa Mag-asawa.

Napatawa ang dalawa ng pagak dahil sa inaasal ng unica hija nila.

“Ay na’ku Roberto ang anak mo nga naman.” Tatawa-tawang sabi ni Mrs. Morales.

Napakunot-noo naman si Jessica.

“Ma’am, Sir, narito lang po pala kayo. Naka-set na po ang lahat at hinihintay kayo ng mga bisita na lalapitan niyo upang makakuhaan ninyo ng litrato.” Magalang na sabi ng Photographer sa mag-anak.

“Sige susunod na kami.” Nakangiting sagot ni Roberto sa Lalaki. “Oh, hinahanap na tayo ng mga bisita.” Sabay baling nito sa mag-ina.

“Tara na kung gano’n.” Exited na sabi ni Mrs. Morales. ” ‘Wag ka ng magtampo Jessica, hayaan mo sa lahat ng lalapitan namin sisiguraduhin kong kasama ka lagi.” Pakonswelo ng ina kay Jessica. Tumango naman ang bata katibayan na sang-ayon ito sa tinuran ng ginang.

Ang pamilya Morales ay isa na yata sa pinaka-angat na pamilya sa Bayan ng Nilyedo, bukod kasi sa pagiging Mayor ni Roberto ay isa rin ang pamilya niya sa masasabi mong mahihingan mo ng tulong dahil sa ubod nitong kabaitan. Kaya marami ang naiinggit kay Jessica dahil bukod sa maganda na ito ay nabiyayaan pa ng masagana at mabuting mga magulang. Sa sukat ng mga taga roon ay wala ng hihilingin pa si Jessica.

“Mr. Morales, Mrs. Morales at Jessica na’ko dalaga ka na.” Bati ng isang may edad na panauhin sa kanilang mag-anak.

Ngumiti naman si Jessica saka marahang dumikit sa Ina dahil natatakot siya sa tingin nito at pati narin sa boses nito.

“Mr. Cero, kayo pala mabuti’t nakadalo kayo.” Sabi ni Mrs. Morales sa bisita.

“Paano namang hindi kami dadalo, kayo pa.. Malakas ata kayo sa’kin.” Sagot naman nito.

Nagtawanan ang mga nakarinig at maski si Jessica ay natawa rin.

“Palabiro ka parin Mr. Cero.” Tatawa-tawang sabi ni Mr. Morales.

“Sa’yo lang ako natuto.” Agad na sagot nito saka nakipag kamayan tanda ng pakikipag kaibigan.

“Ma’am, Sir, pose ho kayo para makunan ng Camera!” Sigaw ng Photographer na siya namang sinunod nila.

Umayos ang lahat at maski si Jessica ay pinalabas ang isang matamis na ngiti sa labi.

“Okay, 1, 2,—”

Tunog ng isang pagsabog ang gumulantang sa Mansion ng mga Morales, nagkagulo, at nagtakbuhan ang mga taong naroroon.

Dama ni Jessica ang paghapdi ng kanyang ulo, pati narin ang sakit ng kanyang katawan. Nang magdilat siya ay nakita niya ang kanyang Ina at Ama na ngayon ay magkayakap na nakahandusay sa sahig at animo’y wala ng buhay dahil ni hindi man lang ito gumagalaw. Pansin rin niya ang bakas ng dugo sa dalawa kaya naman mabilis na naglandasan ang luha sa kanyang mata.

“Mom! Dad!” Sigaw niya kahit na nahihirapan na siya sa kinalalagyan niya dahil nakadagan sa katawan niya ang isang lamesa na pasalamat na nga lang ay hindi nabasag.

Unti-unti siyang nakaramdam ng pahihina hanggang sa dumilim ang kanyang paningin na tuluyang nagupo at nawalan ng malay.

 

—————————————

 

©Copyright 2018 by @Yhanna_Princess
All Rights Reserved

Anuman ang pagkakahintulad sa/ng Pangalan, Lugar, Edad, o Pangyayari ay hindi sinasadya ng may akda. Kumalma ka okay?

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply