(Ang) Paglimot

0

Turuan mo akong mag-move on

at sabihin ang kahulugan niyon.

Turuan mo rin akong malimot

ang mga kahapong masalimuot.

Sabihin mong ‘Walang forever!’

at sa pagitan natin ay may pader.

Sabihin mo rin sa’kin, ‘I hate you’

upang mawala ang aking pagsuyo.

Lumayo ka, ‘wag nang magpakita

hanggang ika’y makalimutan na…

Lumayo ka lang sa aking buhay,

ako’y hindi na sa’yo maghihintay.

 

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply