Minsan, May Kalapati

0

Minsan, may isang kalapating puti

na sa tagapag-alagang lalaki

ay kumawala, lumayo’t nagkubli.

Nang narinig nito ang kanyang huni,

“Paalam, mahal ko” kanyang nasabi.

Kung saan ka masaya, ika’y sumige.”

Umasang siya’y magbabalik muli.

Mga alaala niya’y kasama kahit gabi.

“Nasakal ko ba?” ang tanong sa sarili.

Lumipas ang malulungkot na sandali,

nakakilaa siya ng ibong kabigha-bighani,

na kanyang inibig, siya’y napangiti.

Nang bumalik ang kalapating puti,

ang hawla niya’y wala nang silbi.

“Malaya ka na. Hayaan mo na kami,”

ang pakiusap ng mabuting lalaki,

sa kabila ng pananabik niya dati.

Kulay man niya ay hindi na maputi,

at katawan niya man ay marumi,

ang mga ito ay hindi na bale,

‘wag lamang siyang maging kulasisi.

Kaya, pagsamo niya’y iwinaksi,

dahil puso niya ngayo’y nakatali

sa isang ibon, na tiyak mamamalagi.

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply