Muling Sisibol

0

Ako’y ipinunla, ngunit walang nag-alaga,

Nakatiwangwang, naulanan, naarawan,

Nangalirang, naglagas, nilunod ng baha,

At binayo ng hanging habagat’ amihan.

 

Ngayon, munting dahon ay umuusbong,

Habang ang mga peste’y paligid-ligid.

Kunwa’y dadapo, pero manira ang layon,

Aking mga sanga’y kitilin, wasaking pilit.

 

Malakas kumunyapit, aking mga ugat,

Kaya puno ko ma’y hampas-hampasin

O ‘di kaya’y sa lupa’y tuluyang iangat,

Ako’y muling sisibol, aking pipilitin.

 

Anumang puwersa, anumang elemento,

Kahit walang mag-alaga’t magdilig,

Walang makakapigil sa aking pagtubo,

Ako’y sa Kanya, patuloy na nananalig.

 

 

We will be happy to hear your thoughts

Leave a reply